Gladys's POV
Lunch break na, at kasalukuyan kaming nasa canteen kasama sina Varron, Felicity, at Denice para kumain.
"Curious lang ako, bakit kaya may mga kaklase pa rin tayong nagkakopyahan, tulad nina Limuel at Riya, kahit nasa special section sila?" biglang tanong ni Varron, dahilan para tumingin kaming lahat sa kanya.
"Oo nga, akala ko ba halos lahat ng nasa special section ay matatalino?" sabat naman ni Felicity.
Tumingin ako kay Denice na nilulon muna ang kinakain bago nagsalita.
"Matatalino sila, oo. Pero siguro wala lang talaga silang tiwala sa sarili nila. Si Limuel, sobrang galing niya sa Math — kahit siguro tulugan niya ang Math, masasagot pa rin niya. Si Riya, magaling sa English, mahusay sa pagsusulat, debate, at public speaking." Saglit siyang huminto, at napansin kong biglang bumigat ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Siguro may mga bagay lang talaga na hindi natin kaya, at hindi nila kaya tulad ng pag mememorize, at doon sila napilitan na mandaya. Alam kong kaya naman nila iyon, pero kulang sila sa tiwala sa sarili. Isa pa, takot din siguro silang bumagsak, kaya mas pinili na lang nilang mandaya." Dagdag niya, dahilan para magtinginan kami ni Felicity.
May punto si Denice. Sayang lang talaga dahil alam kong malaki ang potensyal nina Riya at Limuel, pero hindi nila nabibigyan ng pagkakataon ang sarili nila.
"Congrats nga pala, guys. Buti na lang natapos din natin yung oral recitation kanina," sabi ko, binabago ang usapan dahil napansin kong parang nawawalan na sila ng gana.
"Oo nga. Congrats din sa’yo, Gladys. First time yatang tumulong ni Khalil sa oral recitation, at lahat kami nagulat sa ginawa niya para sa’yo," sabi ni Denice, dahilan para mapaisip ako.
"Baka naman nagkataon lang na alam niya ang sagot," sagot ko, pero tinignan lang niya ako ng may kahulugan, na parang sinasabing, 'Hindi natin alam.'
"Oh? Bagong estudyante?" Maya-maya’y tanong ni Denice, kaya’t sinundan namin ng tingin ang kanyang tinitingnan.
Doon, nakita ko ang isang grupo ng mga lalaki. Halos lahat sila ay naka-jacket na itim, at ang iba naman ay malalaki ang pangangatawan.
Iba ang dating nila — hindi tulad ng mga nerd sa campus. Para silang mga basagulero kung titignan.
Pagdating pa lang namin sa classroom, naririnig na namin ang malalakas na sigawan mula sa loob.
Pagpasok namin, agad na tumambad sa amin sina Maegan at Suzi na nagsasabunutan.
Para na silang nagkakamatayan, kaya hinanap agad ng mata ko si Khalil. Nakita ko siyang nakaupo sa unahan, chill lang na pinapanood ang dalawa.
"Alam kong ikaw ang gumawa noon sa notes ko, kaya hindi ako nakasagot kanina!" sigaw ni Suzi.
"Huwag mo akong sisihin sa katangahan mo!" balik ni Maegan na lalong ikinagalit ni Suzi kaya nasampal niya ito.
Lalong uminit ang kanilang away, at nakapalibot lang ang mga kaklase naming walang ginagawa. Kaya’t nilapitan ko si Khalil.
"Khalil! Wala ka bang gagawin sa kanila?!" tanong ko sa kanya, pero ni hindi man lang ako nilingon nito.
Tiningnan ko ulit ang dalawa, at bigla akong napalingon nang makarinig ako ng malakas na tunog at sigawan. Nakita ko si Suzi na nakahiga sa sahig.
"Khalil!!" sigaw ko nang mas malakas.
Parang wala pa rin siyang pakialam, kaya akma na akong lalapit sa dalawa para awatin sila. Pero napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Khalil.
"Five..." sabi niya, dahilan para kumunot ang noo ko.
"Four..." dagdag niya, seryoso pa rin ang mukha habang nakatingin sa dalawa.
"Three..."
"KHALIL!!" sigaw ko ulit, pero parang wala siyang naririnig.
"Two..." Hindi ko napigilan ng sarili kong tumingin muli sa dalawa nang biglang may malakas na tunog akong narinig.
"One," sabay sa sinabing iyon ni Khalil ang paghila niya sa akin at ang malakas na tunog ng putok ng baril mula sa labas.
Napatingin ako sa paligid kung saan nagkakagulo na ang lahat. Nang tingnan ko kung sino ang nasa tabi ko, nakita ko si Khalil na nakaupo rin sa tabi ko.
"Close the doors and windows, NOW!" sigaw ni Khalil sa mga kaklase namin.
Tinignan ko ang paligid at nakita kong sinusunod nila ang utos niya. Muli kaming napasigaw nang sunod-sunod na putok ng baril ang narinig namin.
Agad akong tumayo para hanapin sina Felicity at Varron. Nakita ko si Felicity na nasa ilalim ng kanyang upuan, nakatakip ang mga kamay sa kanyang mga tenga at nakapikit.
Nilapitan ko siya at niyakap. Nang tumingin ulit ako sa paligid, nakita ko si Varron na nagbabarricade gamit ang mga upuan sa may pinto.
Natahimik ang lahat nang tumahimik din ang paligid. Napatingin ako kay Khalil, na ngayon ay nakalagay ang daliri sa kanyang ilong, tila nag-iisip. Narinig ko ang mga yabag mula sa labas, dahilan para senyasan ni Khalil ang iba na yumuko.
Isang malakas na dagundong ang umalingawngaw mula sa pintuan, dahilan para magulat at mapasigaw ang ilang babae sa klase namin.
"Nandito sila!" sigaw ng isa sa labas, dahilan para mas lalo akong kabahan.
Mas lalo pang bumilis ang lagutok sa pintuan, kaya napatingin ako roon. Halos gumagalaw na ang mga upuang panangga dahil sa lakas ng mga sipa.
"Anong gagawin natin?!" tanong ni Adeia, halos umiiyak na.
Muli kong tiningnan ang pintuan, at biglang tumahimik ang paligid. Wala nang pumapalo o sumisigaw sa labas.
Tumingin ako kay Khalil at naalala ko ang ginawa niya kanina. Tila ay alam niya ang mga nagaganap ngayon.
May kinalaman ba siya rito?
Alam kaya niya ang tungkol dito?
YOU ARE READING
A JOURNEY BEYOND GRADES
RomanceIsang pribadong eskwelahan na ang mga mayayaman lng ang nakakaalam. Isang paaralan na pinagbabawal ang pagtataksil at ang mga panloloko. In this school, cheaters are not allowed. Once you're caught cheating or get a low grades you will be moved to a...