KABANATA 11: BAGONG PAMUMUHAY

1 0 0
                                    

Gladys's POV

Limang araw na ang nakalipas simula nang makabalik ako rito sa amin. Hindi ako dumiretso sa dating boarding house namin nila Felicity at Varron dahil alam kong marami akong maaalala kapag pumunta ako doon.

Nagtaka sila Mama at Papa kung bakit agad akong nakauwi, wala akong sinabi sa kanilang dahilan. Wala akong magawang dahilan at hindi ko rin alam paano sasabihin sakanila. Bawal din akong magsumbong dahil alam kong ikakapahamak namin iyon kaya mas pinili ko na lng manahimik.

Buti na lng at tinawagan ng Eldritch sina mama. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nilang pagdadahilan sa mga magulang ko pero hindi na ako nag tanong. Ayoko ng makarinig ng balita galing sa unibersidad na iyon.

Ngayon, lumipat na ako sa isang unibersidad dito sa amin. Sa mga nakaraang araw, ginugugol ko ang oras ko sa pag-aaral tuwing umaga at pagtatrabaho sa gabi upang hindi ko maisip ang sakit.

Sinusubukan ko na rin makipagkaibigan sa iba at kumilala ng mga bagong tao. Masaya rin naman silang kasama, pero iba pa rin talaga kapag ang kasama mo ay ang mga dati mong kaibigan.

“Glad, kumain ka na,” sabi ni Isha, ang isa sa mga bagong kaibigan ko, kaya napatingin ako sa kanya.

Marami akong nakilalang bagong kaibigan dito sa unibersidad, pero sila Isha, Jamaica, at Cade ang pinaka-close ko.

“Kumain ka na, Glad, hindi bagay sa'yo ang gutom,” sabi ni Cade habang nilalantakan ang pangatlo niyang plato.

“Tumahimik ka nga, bundat!” sagot ko, sabay irap.

“Bundat? Hindi ako bundat, Gladys. Mas tamang sabihin na... irresistible,” sabi niya, sabay pose na parang nasa commercial ng pabango.

“Wow ha, ang kapal mo! Baka ang ibig mong sabihin, irrecoverable,” sagot ko, sabay subo ng kanin para hindi tuluyang matawa.

“Excuse me? Alam mo, Glad, kaya hindi ka tumataba kasi ang dami mong sinasabi, nasusunog agad calories mo,” asar niya sabay subo ulit ng isang piraso ng manok.

“Ang kapal talaga ng mukha mo, Cade. Magpapasalamat pa sana ako na ‘di pa ako nagkakaubos ng pasensya dahil sa’yo!” sagot ko habang pilit na pinipigilan ang tawa ko.

“Uy, uy! Glad, tingnan mo ang nasa likuran mo,” biglang sabi ni Jamaica. Kahit nagtataka, lumingon pa rin ako sa likuran ko.

Pagtingin ko, hindi ko agad nakita ang tinutukoy niya dahil puno ng estudyante ang lugar.

“‘Yung lalaking naka-leather jacket at may silver necklace,” paliwanag niya nang mapansin niyang naguguluhan ako.

Paglingon ko muli, nakita ko ang dalawang lalaki na nasa isang mesa. Isa sa kanila ang suot ang leather jacket at silver necklace. Pagkakita ko sa tinutukoy niya, bumalik agad ang tingin ko kay Jamaica.

“Gwapo, ‘di ba?” tanong niya sa akin.

Tumango lang ako dahil totoo naman. Siguradong maraming babae ang may gusto sa kanya dito.

“Parang bad boy,” sabi ko pa.

“‘Yung tipo ng mga gwapo sa campus pero bully,” dagdag ko.

Napatawa si Jamaica sa sinabi ko, at namula pa siya.

“Hoy, girl! Hindi ito NSN Boys, kalma ka lang,” sabi niya habang tumatawa pa rin.

“Ay, si Havoc ba? Mabait naman ‘yan,” sabat naman ni Isha matapos niyang silipin ang lalaking tinutukoy ni Jamaica.

Tumango na lang ako na parang kumbinsido na rin sa sinasabi nila.

A JOURNEY BEYOND GRADESWhere stories live. Discover now