KABANATA 1: WELCOME, FRESHMEN

12 2 0
                                    

Gladys's POV

Tahimik kong pinagmasdan ang mga estudyanteng naglalakad mula sa ibaba ng building. Ilan ay may mga kasama. Pero halos ay naglalakad lng mag isa. Sabi-sabi ay mas ikakaligtas mo kung wala kang pagkakatiwalaan dito.

Sabi ay may dadating daw ngayong bagong presidente galing section A. Lahat ay abang na abang sa pagdating niya. Balita ng iba ay strikto at may magandang pagmumukha daw ang lalaki.

Hindi ko ito pinagtuonan ng pansin at tinignan na lng sila Varron at Felicity na papasok na ngayon sa section B. Ang section namin.

Mayayaman. Mayayaman lng ang nakakapasok sa paaralang ito. Kilala sa business world ang paaralang ito ngunit malayo sa syudad. Hindi ito pinapatakbo ng gobyerno at umiikot lng ito sa kamay ng mga mayayaman.

Unang linggo pa lng namin dito ng mga kaibigan ko at wala pa akong kaalam-alam kung ano ang meron sa paaralang ito at kung bakit gustong gusto ng mga magulang ko na dito ako pag-aralin.

Balita ko ang iba rito ay last year pa rito nag-aaral. Ang weird na rin ng ibang estudyante rito. Lalo na yung mga estudyanteng dati pa rito nag-aaral. Mamaya nga raw ay may pupuntahan ang mga freshmen para malaman kung ano ang pwede at kung ano ang ipinagbabawal sa paaralang ito.

"Glad, bat di ka bumaba, alam mo bang may pinag pipyestahan na agad sa baba?"

Pagsasalita ni Felicity, pero nakapako ang paningin ko kay Varron na nakasuot ngayon ng sunglasses.

"Stop glaring" ngumisi ito.

Nang makalapit ito ay agad kong binaba ang sunglasses nito at nakita ang nakakasukang pagmumukha niya.

"Sucks! You know, just keep on wearing that"

"Nasisilaw ka ba sa kagwapuhan ko, Glad?" the jerk smirked.

"Nasusuka, pwede pa"

Tinignan ko si Felicity na kanina pa walang pake sa aming dalawa ni Varron at panay lng ito sa pag tingin sa relo niya.

"Ginagawa mo diyan?" pag pansin ko sa babae.

"Gusto ko talagang tignan yung pinag pipyestahan nila kanina sa baba e" tinignan niya ng masama si Varron, "ito kaseng si Varron grabe kung mag madali akala mo talaga time na e"

Biglang nagsitayuan ang lahat ng kaklase namin kaya nakitayo na lng din kaming tatlo. Naunang lumabas si Felicity kaya wala akong nagawa kundi sundan ito.

Akala ko ay lalabas lng siya mula sa room pero bumababa pa ito ng building. Tinignan ko ang likuran ko at nakasunod lng din si Varron.

Agad nakita ng dalawang mga mata ko ang sinasabi ni Felicity na pinag pipyestahan ng mga estudyante. May ibang nagbubulungan, walang reaksyon sa mga mukha, at ang ibang mukha na halos hindi mo na maipinta. Papalapit na sana ako nang may biglang estudyante ang umatras at nasuka sa gilid ko.

Ilang sigundo lng ay tumunog na ulit ang nakakatakot na bell ng paaralan, hudyat na oras na ng klase. Biglang nagsialiasan ang mga estudyante, at doon isang itim na sako ang nakita ko. Nilalangaw ito at ngayon ko lng nalanghap ang mabahong amoy nito. Napaatras ako nang makita ang katabi ng itim na sako. Duguan ang buong katawan nito, buka ang bibig, sarado ang mata, at ang noo niyang may nakatatak na... Section F?

"Putangina anong kagaguhan ito? December na ah, halloween pa rin ba rito?" nandidiring tanong ni Varron.

Tinignan ko si Felicity na tulala habang tinitignan ang walang buhay na katawan ng isang lalaki.

"New students?" rinig kong boses ng isang lalaki. Hindi ito ang boses ni Varron.

Napatingin kaming tatlo sa isang lalaking nasa harap namin ngayon. May suot siyang white polo sa loob at pinatungan ng black coat. May salamin ding nakasabit sa polo nito. Hindi siya gaanong kaputian pero matangos ang ilong nito at kayumanggi ang mga mata niya.

A JOURNEY BEYOND GRADESWhere stories live. Discover now