KABANATA 4: PAG TATRAYDOR

2 1 0
                                    

Gladys's POV

Lumayo nang bahagya si Khalil, ngunit mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Tila balewala lamang sa kanya ang ginawa niyang paghalik, samantalang ako’y nanatiling nakatulala, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

Isang magnanakaw!

Nabalik lamang ako sa aking sarili nang bigla niya akong hilahin nang mabilis, dahilan upang mawalan ako ng balanse. Agad kaming tumakbo, at ang tanging nagawa ko ay sumabay sa kanya habang habol ang aking hininga sa bilis ng bawat galaw niya

Gaya ng inaasahan ko, dumiretso siya sa dorm namin. Nakaupo lang ako, kalmado habang kinakalampag niya ang pinto. Sana lng talaga at sinunod ni Felicity ang pinaalala ko sakanya kanina.

"Fuck!" he cursed in a low voice as he closed his eyes and looked up.

"Tulog na sila. Just give up"

Masama niya akong tinignan.

"Kalmado ka pa talaga sa sitwasyong ito huh, do you plan to sleep outside, woman?"

Alam kong pareho kaming makakasira sa isa sa mga rules ng paaralang ito, pero wala namang mangyayaring masama sa amin kung walang magsasalita.

Tumayo ako at hinarap siya. Ngumisi ako sakanya. Para naman niyang nakuha agad ang ibig kong sabihin kaya agad na lumukot ang mukha nito.

"No"

Diretso niyang sagot sa akin. Tumalikod na kaagad ito at nagsimula ng mag lakad palayo. Suplado!

"Hindi ka sana patulugin ng konsensya mo kapag namatay ako rito sa labas!" sigaw ko sa naglalakad na lalaki.

Dahil sa pag sigaw ko ay bigla na lng itong tumigil sa paglalakad. He didn't say anything and just looked at me with an irritated face before starting to walk again.

I followed him.

Alam niyang nakasunod lng ako sa likod ngunit hindi na ito lumingon pa o nag salita man lng. Umabot kami sa dulo ng nakapalinyang mga rooms. Labas pa lng ay masasabi mo ng malaki ang dorm na nasa harap namin ngayon.

Binuksan niya ang pinto nang walang sabi-sabi. Nauna siyang pumasok habang ako, nanatili muna sa labas, pasimpleng pinagmasdan ang paligid.

Ang una ko kaagad napansin ay walang ibang tao sa room na ito. Malaki pa ang espasyo ng loob, imposibleng mag-isa lng siya rito. Kung totoo man ang hinala ko ay isa iyong pag tatraydor. Ang unfair!

Tumingin ulit ako sa nakasarang pinto at doon ko nakita si Khalil na nakasandal sa pinto habang nakapamulsa at seryosong nakatingin sa akin.

Ang tahimik ng paligid, pero ang bawat tingin niya ay parang isang mabigat na tanong. Parang hinihintay niya akong magsalita, pero kahit ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Rule no. 1 baw-"

I snapped, "I know, pero wala namang makakaalam kung mananahimik lng tayong dalawa diba?"

His glare was like killing me. I ignored it and just looked away.

"Mag-isa ka lng dito?" pag-iiba ko ng topic.

"Obviously"

Tipid niyang sagot sa akin at sinimulang kunin ang mga notes niya sa bag kaya napahagikgik ako.

"Mag-aaral ka na ba?" Excited kong tanong sa kanya at kumuha ng upuan para maupo sa tabi niya.

"Look, I'm going to study, at ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang iniistorbo ako habang nag-aaral" wika niya.

Grabe!

"Alam mo, sharing is caring kaya" sabi ko sabay hila ng konti sa notebook niya para makita ng kaunti ang sulat niya.

A JOURNEY BEYOND GRADESWhere stories live. Discover now