KABANATA 9: TATLONG SALITA

3 1 0
                                    

Gladys's POV

"S-sila Felicity at Varron, kailangan ko silang hanapin," halos maiyak kong sabi kay Khalil.

"For now, it's safer if you stay in my room first," he answered me.

Umiling ako at yumuko. Hindi ko puwedeng sayangin ang pagkakataong ito. Lumabas ako para sa wala?

"Hahanapin ko sila para sa'yo," sabi niya, dahilan para lingunin ko siya.

---

Madilim na sa labas pero hindi pa rin dumadating si Khalil kasama sina Felicity kaya lalo akong nag-alala. Nagdagdag pa sa kaba ko ang dilim ng paligid sa loob ng kwarto ni Khalil dahil walang kuryente.

Lumabas ako sandali para tingnan ang paligid kung paparating na ba sila, pero wala akong nakitang anino ng kahit sino.

Dalawa ang kalaban na kailangang iwasan ngayon - ang mga armadong lalaki at ang mga matang nagmamatyag tuwing gabi dito sa campus.

Mas lalo akong kinabahan sa naisip ko. Walang karanasan sina Felicity, at hindi ko maisip kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila. Papasok na sana ako ulit nang may nakita akong tatlong pigura sa di kalayuan. Biglang sumilay ang saya sa mga mata ko nang makita silang tatlo.

"Feli! Varron!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kanila para yakapin.

Yumakap din sila pabalik kaya't tinignan ko ang kanilang mga mukha. Napakagulo at marumi nila, pati buhok nila'y sabog na sabog.

Naalala ko bigla kung paano sila nakabalik dito, kaya't lumingon ako kay Khalil. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong kanina pa niya ako tinititigan. Ang mga mata niyang puno ng damdamin, at ang titig niyang nagpainit sa pisngi ko.

"T-tara na?" alok ko kina Varron habang litong-lito sa nararamdaman ko.

Tumango sila, kaya pumasok na kami.

Sa dorm ni Khalil kami nag palipas ng gabi. Ilang oras lng din ang tulog namin dahil nag papalitan kami kung sino ang sunod na mag babantay. Isa pa, walang matutulugan ang iba kung sabay-sabay kaming matutulog.

Dumating ang umaga at pabalik na kami sa aming building kasama sina Felicity at Varron. Nagpaalam si Khalil na mauna na kami dahil may kailangan pa raw siyang asikasuhin.

Maaga rin kaming umalis dahil ayaw na naming makaabala kay Khalil at baka may makakita sa amin na natulog sa dorm niya. Malaki ang parusang naghihintay kung may makakaalam na doon kami natulog. Isa pa, mahigpit ang patakaran na bawal magkasama ang lalaki at babae sa iisang dorm.

Bagamat magulo pa rin ang paligid, hindi na ito tulad kahapon na napakagulo talaga. Lumingon ako sa dalawa na mukhang litong-lito pa rin. Hindi ko pa kase nasasabi sakanila ang sinabi ni Khalil na isang araw lng nangyayari yun sa isang taon.

Malapit na kami sa building namin, at hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon nila.

"D-diba nasunog yung building natin kahapon?" tanong ni Varron, itinuro ang building na ngayon ay maayos na, parang hindi man lang nasunog.

Tiningnan ko ang paligid, at tulad ng sa amin, maayos din ang ibang mga building.

Ano 'to? Hindi ko na maintindihan. Litong-lito na ako kung ano talaga ang nangyayari.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Khalil kahapon.

"That's the special thing here, you'll know tomorrow."

Biglang nanindig ang balahibo ko sa naalalang sinabi ng presidente. Nagsisimula na akong magtaka kung ano ba talaga ang meron sa unibersidad na ito.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Ilang linggo ko pa lng nakakasama ang mga kaklase ko pero nakakapanibago na kaunti na lng ang natitira sa amin ngayon. Tama nga ang sinabi ni Denice.

Inaya ako nina Felicity na kumain sa canteen, pero tumanggi ako dahil may kailangan pa akong gawin.

Kasama naman nila ngayon si Denice sa canteen kaya't kampante akong hindi nila ako kasama. Tiningnan ko ang paligid at nakita kong lumabas na ang dalawa ko pang kaklase, kaya't nilapitan ko si Khalil. Kaming dalawa na lng ngayon ang natitirang naiwan sa room.

Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya kahapon kaya't naisip kong ito na ang tamang oras. Kinuha ko ang notebook ko at lumapit sa kanya. Umupo ako sa upuan na katabi niya.

Dahil sa hiya, hindi ako makapagsalita. Yumuko na lang ako at tumingin sa notebook ko, kunwaring may sinusulat.

Alam kong nagtataka na siya dahil bigla ko na lang siyang nilapitan, pero wala akong ginagawa. Dinadaig ako ng kaba at hiya!

Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko. Isinabit niya ang mahabang buhok ko sa likod ng tenga, na kanina pa pala nakatabon dito.

Tumingin ako sa kanya, pero bumalik na siya sa pagkain ng tinapay niya. Ito lang ba ang pananghalian niya? Tinapay na may pulang jelly ang palaman.

May napansin akong mantsa sa gilid ng kanyang labi, kaya't mas lumapit ako para punasan iyon. Palapit na sana ako nang biglang lumingon siya sa ibang direksyon.

Aabutin ko na sana ang mantsa nang bigla siyang humarap sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko. Hindi ako makagalaw, at biglang uminit ang pisngi ko.

Ang lambot ng labi niya, dahilan kung bakit hindi ako makakilos.

Hindi iyon sadya! Malay ko bang lilingon agad siya.

Hanggang sa napagtanto kong nasa room kami, at maaaring dumating anumang oras ang mga kaklase ko at makita kami sa ganitong sitwasyon, kaya't mabilis akong lumayo. Humihingal ako dahil sa kaba na nararamdaman.

"S-salamat kahapon," ang tanging nasabi ko bago mabilis na tumayo para bumalik sana sa desk ko.

Pero bigla niya akong hinila kaya't napaharap ako sa kanya muli.

Tinitigan niya lang ako nang hindi nagsasalita. Ang kanyang mga titig na parang bumabaliktad sa buong sistema ng katawan ko.

"I think... I love you," wika niya.

A JOURNEY BEYOND GRADESWhere stories live. Discover now