KABANATA 2: SOULMATE

6 2 0
                                    

Gladys's POV

Sabi nila lahat daw ng tao ay may soulmate. Ang soulmate raw ay isang tao na itinuturing na perpektong kapareha para sa'yo. It is the person who seems to have been made to be with you. Hindi lang dahil nagkakasundo kayo sa mga bagay, kundi dahil may malalim kayong koneksyon na mahirap ipaliwanag. Pero maaari rin kaya tayong patayin ng sarili nating... soulmate?

Parang tinanggalan ng kaluluwa ang katawan naming tatlo habang naglalakad sa gitna ng eskwelahan ng Eldritch.

Bakas sa mga mukha namin ang pagkatakot sa mga narinig. May kamalayan ako patungkol sa standards ng paaralang ito pag dating sa grades ng mga estudyante. Ngunit anong sinasabi nilang kapag may ibinagsak kang subject ay ililipat ka kaagad sa isang section. I am really losing my sanity.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang dalawa. Tumigil din sila at tinignan ako at naghintay sa sasabihin ko.

"Mauna na muna kayo sa dorm. Mag c-cr lng muna ako"

"Pero..." tinignan ni Felicity ang suot nitong relo, "Ilang minuto na lng ay curfew na. Alam mo, mas mabuti pang pigilan mo muna yan. Makakapag hintay pa naman siguro yang ihi mo ano"

Hindi ito tungkol lng sa ihi lng. I was terrified! Ayokong ipakita sa mga kasama ko na kahit ako ay takot na takot na sa paaralang ito. Gusto kong makapag-isip. Sa tingin ko ay ilang minuto na lng ay sasabog na ang utak ko. Hindi ko mapag tagpi-tagpi ang mga narinig at nakita ko. Ayokong paniwalaan ang mga narinig ko, pero iba naman ang sinasabi ng mga nakikita ko ngayon.

Pinagmasdan ko ang mga estudyanteng nagmamadaling umalis habang nagbabasa pa rin ng mga libro nila. Ang ibang nag-aaral na akala mo ay may kausap na sa hangin habang nag iinsayo. Lahat ay takot mabagsak. Their faces says it all.

Agad akong pumasok sa cr at yumuko sa harap ng lababo. I couldn't move a muscle. Halu-halo ang nararamdaman ko. Galit, gulo, lungkot, takot, at pagkadismaya. Alam ba ito ng mga magulang ko o pati sila ay pinapaikot lng ng mga kasamahan nila sa business?

Bago lng ang business namin. We're totally just starting our business. Walang wala pa ang business namin at kailangan ng pamilya naming makisama sa iba. Nang inofferan ang pamilya namin ng isa sa may pinakamalaking kumpanya sa bansa ay hindi kami makatanggi. May malaking maitutulong daw sa business namin kapag pumasok ako rito. Natakot ako. Natakot ako na baka dahil sa akin ay bumagsak ang pinaghirapan ng magulang ko. Dugo at pawis ang inalay nila doon. Kilala ang kumpanya ng Buenaventura sa mundo ng business. Isang hakbang niya lng ay makakapagbagsak na agad siya ng kumpanya dahil sa mga koneksyon nito.

Namimiss ko na ang tatay ko. Gusto ko ng bumalik. My sense of morality was slipping away from me. Gusto kong umalis, pero hindi ko alam kung paano. Ni hindi ko na alam at makita pa kung saan ang labasan ng paaralang ito.

I came back to my senses when I heard the sound of the bell. Kahit ang tunog ng bell ng paaralang ito ay kakaiba. When I opened the door, the cool air and quiet surroundings immediately welcomed me.

Ang katahimikan ng paaralan ang nag patayo sa mga balahibo ko. Tanging hawi ng hangin at tunog ng mga ibon lamang ang naririnig ko. Lahat ng mga estudyante ngayon ay nasa sariling dormitory na nila at tanging ako na lng ang nag-iisang estudyante ang nasa labas ngayon.

Tinakbo ko ang gitna ng eskwelahan. Hindi ko maitanggi na malaki nga itong eskwelahan. Sa dulo nito ay ang dormitory namin kaya siguradong matatagalan ako sa pagtakbo.

Ilang minuto na ang nasayang ko sa pagtakbo ngunit hindi ko pa rin natatanaw ang dormitory namin. Madilim ang paligid. Tanging ang mga kanto lng ng paaralang ito ang may mga ilaw. At ang sinag ng buwan lamang ang nagsisilbing liwanag ng daan ko.

A JOURNEY BEYOND GRADESWhere stories live. Discover now