Gladys's POV
Pagdating ko, nadatnan ko ang mga kaklase ko na tila walang anumang pagbabago. Normal lang ang ekspresyon ng kanilang mga mukha — parang walang nangyari kahapon.
Sanay na siguro sila.
Nilipat ko ang tingin kina Felicity at Varron. Kabaligtaran ang kanilang mga reaksyon — halatang balisa at nag-aalala. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang mga nangyayari o manatili na lang akong tahimik. Natatakot ako na baka malaman nila ang totoo tungkol sa unibersidad na ito. Ayokong maranasan nila ang nararanasan ko.
Muling napatingin ang mga mata ko sa apat na mesa na may puting bulaklak sa ibabaw. Isa na namang mesa ang para kina Aris at Gael.
Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang imahe ni Gael. May pagkakataon pa sana siyang mabuhay… pero wala akong nagawa para siya’y tulungan.
Napakabigat ng konsensyang dinadala ko ngayon. Hindi ko namalayang may mga luhang tumulo na sa aking pisngi kaya agad akong yumuko.
Hinawakan ko ang magkabilang mata ko at pinunasan ang mga luha — mga luhang puno ng sakit at pagsisisi.
Pagkatapos kong punasan ang mga luha ko, tumingala ako para tingnan ang mga kaklase ko. Pero nagulat ako nang may isang lalaki sa harapan ko. Nakatayo siya nang patalikod at tinakpan niya ang paningin ko sa buong silid. Para bang tinatakpan niya ako habang umiiyak.
Mabagal ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. Doon ko napagtanto na si Khalil pala ito.
"Khalil?" tanong ko, na halos pabulong.
"Just cry about it. Don't worry, you won't be seen, and I won't be facing you." Seryoso ang boses niya, pero may kung anong kaginhawaan sa sinabi niya.
May parte ng sarili ko na nagsisisi kung bakit ako nandito sa unibersidad na ito. Pero sa kabilang banda, naisip ko rin — kung hindi ako napadpad dito, makikilala ko kaya siya?
Kung papipiliin man ako, gusto ko pa rin magpatuloy dito. Sa bawat segundo, minuto, araw, at linggong kasama ko siya at ang iba pa, parang hindi ko na kayang iwanan ang lugar na ito. Para bang kaya kong harapin ang anu mang hamon ang ibigay sa akin ng unibersidad na ito basta't andito sila.
---
"Ms. Verlice?" narinig ko ang tawag ng aming adviser, dahilan para agad akong tumayo.
"Ma'am?" tanong ko habang pinipilit itago ang kaba.
"Pinapatawag ka sa principal's office. Follow me," sambit ni ma'am. Agad akong kinabahan at nagtaka.
Principal's office? Bakit?
Tumingin ako kina Felicity at Varron. Kita ko sa mga mata nila ang pag-aalala. Pati ang ibang kaklase ko, nagtaka rin sa nangyari. Pero kabaligtaran naman ang ekspresyon nina Khalil at Denice.
"Miss Verlice," muling tawag sa akin ni Ma’am, kaya napalingon ako sa kanya na ngayon ay nasa may pintuan na.
"Y-yes, Ma’am," sagot ko habang dahan-dahang naglakad papunta sa kanya.
Habang naglalakad, napatingin ako sa kalangitan. Nagdidilim na ito, at dama ko ang malamig na hangin na dumampi sa balat ko. Tumayo ang balahibo ko, kasabay ng mas malakas na pintig ng puso ko.
Pagdating namin sa principal’s office, gaya ng dati, si Ma’am Helly ang unang humarap sa amin. Sinundan lang namin siya papunta sa pintuan ng principal’s office. Binuksan niya iyon at doon bumungad ang principal na abala sa pagpirma ng mga dokumento.
Matapang ang kanyang makeup, pero ang unang mapapansin mo talaga ay ang kanyang seryoso at matalim na tingin. Tumayo siya at binigyan ako ng mabigat na sulyap.
YOU ARE READING
A JOURNEY BEYOND GRADES
RomanceIsang pribadong eskwelahan na ang mga mayayaman lng ang nakakaalam. Isang paaralan na pinagbabawal ang pagtataksil at ang mga panloloko. In this school, cheaters are not allowed. Once you're caught cheating or get a low grades you will be moved to a...