KABANATA 13: PAGKAKAIBIGAN

3 1 0
                                    

Gladys's POV

Agad akong humingi ng paalam na mag-ccr na muna dahil hindi ko na kayang pigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Ayokong makita nila akong umiiyak at baka magtaka pa sila.

Pumasok ako sa CR at doon ko inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman. Ang kanyang mukha ay muling bumangon sa aking alaala, parang binabalikan ko ang mga panahon kung paano ko siya iniwan.

Ang kanyang presensya na parang nagdudulot ng bigat sa aking dibdib.

Hindi ko pa siya kayang harapin.

Masaya akong nakita ko siyang muli, pero hindi maiiwasan ang kaba na nararamdaman ko. Kung wala lang ibang tao sa paligid namin kanina, siguro ay niyakap ko na siya ng buong puso. Pero hindi pwede dahil hindi nila alam kung ano ang nangyari sa aming dalawa ni Khalil.

Tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin at inayos ang sarili. Binuksan ko ang pinto at humarap sa hallway matapos itong isara. Akmang aalis na sana ako nang napansin kong may isang lalaki ang nasa harap ng cr. Nakasandal siya sa pader, nakapamulsa, at seryoso ang mukha.

Tinignan ko siya ng matagal, dahil sa gulat hindi ko malaman kung anong gagawin. Tumingin ako sa itaas dahil sa pagkailang.

Nang lingunin niya ako, tinitigan niya kaagad ako sa mata. Nakaramdam ako ng kaba. Lumapit siya sa akin, dahilan upang tumibok ng mabilis ang aking puso at mag-init ang aking pisnge.

Nasa harapan ko na siya ngayon at mas malinaw kong nakita ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga mata na puno ng emosyon, na para bang kayang akong tunawin nito.

Bigla na lang akong niyakap ni Khalil, at para akong nawalan ng ulirat sa biglaang pagdapo ng kanyang mga braso sa akin. His warm arms greeted me. And for a while, I felt safe.

Hindi ko alam kung ang pintig ng puso niya ang nararamdaman ko ngayon, o ang pintig ng puso ko, dahil pareho itong malakas.

“K-Khalil,” tawag ko sa kanya nang naamoy ko ang amoy ng alak sa kanyang katawan.

"I miss you so damn much, Gladys."

Sa mga salitang iyon, para bang humina ang mga tuhod ko at ang dibdib ko ay tila nahulog. Ang boses niya, napaka-sarap pakinggan, boses na matagal ko nang gustong marinig muli.

"Glaaad?" narinig kong tawag mula sa malayo, kaya't agad akong kumalas mula sa yakap ni Khalil.

Inayos ko ang aking sarili at tumayo ng normal.

"Oh?" tinitigan ko si Isha na paulit-ulit ang tingin sa aming dalawa ni Khalil.

Hindi ko na inintindi kung ano ang susunod niyang sasabihin, kaya't nilapitan ko na agad siya at hinawakan ang kamay nito.

"Let's go," sabi ko sa kanya at mabilis ko siyang hinila palayo.

Hanggang kaya, ayokong magpakita ng kung anong kakaibang emosyon sa iba. I remain still.

Habang nasa mesa, pasimple kong hinahanap si Khalil habang umiinom ng tubig. Nilingon ko ang kabilang direksyon hanggang sa muntik na akong mabulunan sa iniinom kong tubig.

Nakatingin siya sa akin!

"Ano na ang nangyayari sayo diyan, dai?" tanong ni Cade at iniabot ang tissue sa akin.

Kinuha ko ito at pinunusan ang aking bibig, hindi ipinahalata ang kahihiyan.

Biglang namatay ang mga ilaw at ang mga disco lights na muling umilaw, ngunit mahinahon lang ang pag-ikot ng mga ito. Sunod ay nagbago ang musika at naging romantic.

A JOURNEY BEYOND GRADESWhere stories live. Discover now