Gladys's POV
*riingg* *riiing*
Ang tunog ng alarm ko ay agad kong pinatay. Ang utak ko'y nagdadalawang isip pa dahil napakaaga pa, ngunit hindi naman ako pwedeng malate sa ospital.
Isa na akong nurse ngayon sa isa sa mga pinakamalaking ospital dito sa amin.
Iniayos ko na ang aking uniporme at nagmadaling pumunta sa CR para maligo. Katulad ng araw-araw na ginagawa ko, una kong ginagawa ang pagligo, magluto, at ihanda ang mga gamit na kailangan kong dalhin sa trabaho.
Pagpasok ko sa entrance ng ospital, agad kong narinig ang tunog ng mga cellphone at ang mga huni ng mga pasyente sa paligid pati na rin ang mga kasama kong nurse na tumutulong.
Diretso akong pumunta sa nursing station para mag-sign in at ipakita ang aking ID.
"Good morning, Glad!" bati ng isa kong kasama na na-assign sa nurse station.
"Morning. Si Isha?" tanong ko sa kanya.
Sa grupo namin, kaming dalawa ni Isha ang magkaperong trabaho ang kinuha, habang sina Jamaica at Cade ay nagtatrabaho sa kumpanya ng kanilang pamilya.
"Ayy, umuwi na. Ang aga umuwi. Mas maaga pa sa early bird e" sagot niya at ngumisi.
Nagpaalam na kaagad ako sakanya matapos kong makuha ang aking schedule at clipboard na puno ng impormasyon ng mga pasyente na naka-assign sa akin - pangalan, room number, kondisyon, at medical history.
Naglakad ako papunta sa supply room para kumuha ng mga kagamitan tulad ng blood pressure cuff, thermometer, at iba pa.
"Ayy, ang blooming naman!" bungad ng isa ko pang kasama, si Eloid.
Half-lalaki, half-babae HAHAHAHAHAHA!
"Shut up, Loi!" sagot ko habang ngumisi.
"Ayy, girl, speaking of blooming, ang gwapo nung bata sa room 33 ha HAHAHAHAHAHAHA." sabi niya at kinikilig pa.
"Bata na naman? HAHAHAHAHAHA," biro ko sa kanya.
Tumingin siya sa kanyang schedule at ngumisi.
"Vince Dixon."
Ingay nito dahilan para mapalingon akong muli sakanya.
Ginugol ko ang aking oras sa pag tatrabaho, pero hindi ko pa rin matanggal sa isip ang pangalang sinabi kanina ni Eloid. Sinong Dixon iyon at kaanu-ano niya si Khalil?
Matapos ang aking shift, dumaan ako sa 7/11 para bumili ng meryenda. Sunud-sunod kasi ang ginawa ko kanina, kaya wala na akong oras kumain. Mas gusto ko sanang kumain doon, pero iba na ang lamig ng hangin na parang ilang minuto lng ay may bubuhos ng ulan.
Habang naglalakad, naramdaman ko ang tatlong patak ng ulan sa aking kamay kaya't nagmadali na akong maglakad. Nakita ko ang isang waiting shed sa malayo kaya dali-dali akong tumakbo papunta roon.
Pagdating ko sa shed, inayos ko ang aking buhok at ang aking kasuotan. Ang ulan ay bumagsak nang malakas, at pati ang mga sasakyan ay mabilis na ang pag takbo.
Binuksan ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na. May naramdaman akong parang may dumaan sa harap, pero hindi ko ito tiningnan agad dahil kasalukuyan kong nire-replyan si Jamaica.
Naramdaman ko na lng na may jacket na sa aking balikat. Tumigil ako sandali at napatingin sa aking cellphone. Dahan-dahan kong nilingon kung sino ang naglagay nito at nakita ko siya - basa ang buhok at ang mga mata niya ay nakatutok sa akin.
Para bang ang lahat ng bagay ay bumangon sa mabagal na paggalaw, habang ang kanyang mukha na sobrang lapit sa akin.
Ang unang lalaking aking minahal.
YOU ARE READING
A JOURNEY BEYOND GRADES
RomanceIsang pribadong eskwelahan na ang mga mayayaman lng ang nakakaalam. Isang paaralan na pinagbabawal ang pagtataksil at ang mga panloloko. In this school, cheaters are not allowed. Once you're caught cheating or get a low grades you will be moved to a...