KABANATA 7: INTERESADO

3 1 0
                                    

Gladys's POV

Malakas na pagsabog ang narinig namin, dahilan para agad kong takpan ang aking mga tenga dahil sa tindi ng ingay nito.

"ANO YON?!"

"AAAAAAAA!"

"PRES!"

Sigawan ang naririnig ko sa paligid hanggang sa naamoy ko ang usok na tila may nasusunog. Tinignan ko ang paligid at napansin kong may makapal na itim na usok na pumapasok na sa silid.

"SUNOOOOG!" sigaw ng mga kaklase ko kaya't nagmadali silang alisin ang mga upuan na nakaharang sa pinto.

Akmang tatayo ako para tumulong sa kanila nang mapansin ko sina Aris, Gael, at Caspian na binubuksan ang mga bintana. Palapit na sana ako sa kanila nang bigla na lang bumagsak sina Aris at Gael sa sahig.

"YUKOOO!" sigaw ko nang makita ko ang mga armadong lalaki sa kabilang gusali na nakaharap lamang sa aming building.

Dumapa agad ako at gumapang papunta sa dalawa na nakahandusay na sa sahig. Inalog ko ang balikat ni Aris, ngunit hindi na niya magawang dumilat. Sumunod kong tiningnan si Gael na nakadilat pa ngunit may dugo nang tumutulo mula sa kanyang bibig.

"Guys, hali na kayo!" Napatingin ako sa tumatawag at nakita ko si Josh na nasa may pinto na, sumisigaw sa amin.

"Gladys! Halika na!" Sinundan ko ng tingin si Varron, na buhat si Felicity habang umuubo dahil sa makapal na usok.

Tumingin ako kay Gael bago tumakbo kasunod nila Varron palabas. Bagaman saglit pa lang kami rito, masakit sa akin na iwan sila sa ganitong kalagayan. Kahit labag sa loob ko, kailangan kong unahin ang sarili ko para mabuhay.

Dire-diretso lang kami sa pagtakbo habang mahigpit kong hawak ang malamig na kamay ni Felicity. Puro sigawan at malalakas na putok ng baril ang naririnig ko, pati na ang mga bumabagsak na katawan sa paligid.

Huminto kami sa pagtakbo nang may biglang bumagsak na estudyante sa harap namin. Ang mukha niya ay punong-puno ng dugo, at ang mga mata niya ay nanlilisik bago tuluyang bumagsak sa lupa. Bigla namang nagsitakbuhan ang mga estudyanteng kararating lang mula sa kanilang mga silid-aralan.

Sobrang dami nila at ang lakas ng kanilang sigawan. Sa dami nila, nagkabuhol-buhol ang daanan kaya halos hindi kami makagalaw.

Natisod ako nang may biglang bumangga sa akin, dahilan para mabitawan ko ang kamay ni Felicity. Tumayo ako agad at tinignan ang paligid, ngunit hindi ko na makita sina Varron at Felicity.

Mas malalakas na sigawan ang narinig ko, kasabay ng sunod-sunod na putok ng baril at pagbagsak ng mga estudyanteng tinatamaan ng bala.

Tumitig ako sa unahan at doon ko nakita ang mga lalaking nakita ko kaninang lunch break. May hawak silang mga baril at walang-awang pinapaputukan ang sinumang estudyanteng makikita nila.

Agad akong tumayo at tumakbo nang makita kong papalapit na sila sa pwesto ko.

Shit, nasaan na sila Felicity at Varron?

Papunta na sana ako sa mga rooms nang mula pa lang sa malayo, natanaw ko na ang ilang kalalakihan na nagbabantay sa mga dorm. Pareho rin sila sa iba - may mga hawak na baril.

Alam kong may kinalaman dito ang principal at ang mga nasa posisyon. Imposibleng makapasok ang mga ito nang walang dahilan, lalo na't tago at mahigpit ang seguridad ng unibersidad na ito.

Ano ba talaga ang balak nilang mangyari?

Dahan-dahan akong umatras habang nakatitig pa rin sa mga lalaking nagkalat sa paligid. Isang hakbang pa sana ang gagawin ko nang maramdaman kong may matulis na bagay na nakatutok sa aking ulo.

A JOURNEY BEYOND GRADESWhere stories live. Discover now