NAGISING AKO kinabukasan na nakahanda sa pagpasok sa school ang kapatid ko. Nagpaalam na lang siya sa akin at umalis na. Ganito lang ang magiging routine naming magkapatid. Napag-usapan rin naming dalawa kahapon nung pauwi kami na siya ang hahawak ng perang ipapadala ni Papa para sa amin, tutal para naman talaga sa kanya iyon, para sa pag-aaral niya, at wala naman akong interes sa pera ni Papa.
Kapatid ko ang gumagawa ng lahat, at ako ay nakakulong lang sa kwarto ko o kaya ay lumabas kasama ang kaibigan ko.
Nang makakain ako ay pumasok ako sa kwarto ng mga magulang ko. Ganun pa rin ang ayos sa kung anong ayos noon. Walang nagbago. Ang pagkakaiba lang sa noon ay wala ng natutulog sa kwartong ito.
Binuksan ko ang closet nila, andun pa rin ang mga damit ni Mama. 'Yung paborito niyang blouse ay narito pa rin. Walang kahit anong inalis.
'Yung picture ni Mama at Papa noong kinasal sila nakasabit pa rin sa pader sa tabi ng closet. 'Yung nakangiting mukha ni Mama. 'Yung mga ngiting iyon na hindi ko na makikita pa kahit kailan.
Naiiyak na naman ako kaya nag-pasya sa akong lumabas ng kwarto nila Mama. Bumalik ako sa sarili kong kwarto. At natulog na lang.
Kinagabihan ay umalis uli ako, sinundo ako nila Nammi at sumama naman ako agad. Ni hindi na ako nagpaalam sa kapatid ko, alam naman na niya kung saan ang tungo namin.
Nang makarating kami sa bar nag-order agad sila ng inumin, nakaupo lang ako at nakatingin sa mga taong nagsasayaw.
Inabutan naman ako ni Crisanto ng yosi, inabot ko naman iyon at sinindihan. Ganun lang ang routine namin, inuman, kwentuhan, tapos pag nanigarilyo ang isa, lahat bibigyan.
Nag-try akong mag-drugs pero tinigilan ko rin. For me, pag-inom ng alak at paninigarilyo ay sapat ng bisyo.
Tiningnan ko lang si Crisanto na may kahalikang babae. Bilib ako sa lalaking ito, gabi-gabi iba ang babae, akala mo lang nagpapalit ng damit.
Na-broken hearted kasi 'to kaya naging ganito. Ayaw sa kanya nung pamilya nung babae kaya hiniwalayan siya, at nauwi na nga sya sa ganito, napariwara na rin.
Si Nammi naman nagrebelde dahil sa paghihiwalay ng parents niya, tapos nag-asawa agad 'yung Daddy niya.
Si Eddie, nalaman niyang ampon lang siya kaya nagrebelde siya sa kinilala niyang pamilya.
See? Lahat kami may pinagdaanan, kaya kami nauwi sa ganito. Oo, mali kami, may choice kami, pero mas pinili namin ang ganitong sitwasyon. Sa ganitong paraan kasi nararamdaman namin buhay kami at nakakalimutan namin ang sakit.
Patuloy lang kami sa pag-inom. Patuloy lang kami sa pag-sasaya.
Inaya akong sumayaw ni Nammi, sumama naman ako. Gusto kong ienjoy pang lalo ang gabing ito.
KAHIT MASAKIT ang ulo ko ay bumangon na ako. Naligo ako at lumabas ng kwarto, may sarili akong banyo sa kwarto ko. Inabutan ko ang kapatid ko na kumakain ng agahan. Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng sarili kong pagkain at nagsimula ng kumain.
Tahimik lang kami ng kapatid ko, ng matapos akong kumain ay nagsalita ang kapatid ko.
"Ate hanggang kailan ka magiging ganyan?"
Tiningnan ko lang siya at hindi sumagot, ayokong magtalo kaming magkapatid, pero hindi ko naman magawang tumayo sa kinauupuan ko.
"Ate, tama na. Itigil mo na 'yan, bumalik ka na sa dating ikaw." Pakiusap ng kapatid ko.
Umiling lang ako bilang sagot.
"Ate, hindi lang ikaw ang nahihirapan sa pagkawala ni Mama. Ate, hirap na hirap na rin ako, pero kinakaya ko hindi lang para sa akin kundi para na rin sayo. Ate, mahal kita, andito pa ako, 'wag mo naman sanang makalimutan 'yon, hindi ka nag-iisa, andito ako. Please Ate, itigil mo na 'yan."
BINABASA MO ANG
Twenty Two
RomanceAriana's Mom died in a car accident. She wants justice. But when she met this guy named Cody Smith, she forgot about finding justice for her mom. She fell in love with him, and he fell in love with her. But one day she found out something na ikinasi...