LUMIPAS PA ang mga araw at buwan, walang nagbago sa aming relasyon ni Cody, mahal pa rin namin ang isa't-isa. Pakiramdam ko wala ng makakapaghiwalay sa aming dalawa.
Pinakilala ko na rin siya kay Papa, nung last na nag-Skype kami, nakilala na rin niya 'yung girlfriend ni Arnold. Masayang-masaya si Papa para sa amin ni Arnold, kitang-kita koi yon sa mukha niya kahit nasa screen lang siya ng laptop.
Hindi ko pa nakikilala ang parents ni Cody dahil nasa ibang bansa ang mga ito at inaasikaso ang kapatid niyang babae. Ang tanging nakilala ko lang ay ang tito niya na nag-iisang kapatid ng Daddy niya, na katulong niya sa kumpanya nila.
Hindi kasi makapagtrabaho ang parents niya dahil sa lagay ng kapatid niya kaya sakanya inatang ang mga responsibilidad sa business nila. At kayang-kaya naman niya, hindi rin naman niya napapabayaan ang relasyon namin kahit busy siya sa trabaho.
Ako naman? Hindi pa ako naghahanap ng trabaho, ewan ko ba pero para akong tinatamad, this past few days, mas gusto ko lang kumain at matulog, manuod ng TV, humiga maghapon.
Naloloka tuloy ang kapatid ko kung paano niya ako mapapaalis ng bahay para masolo niya si Tricia. Haha. As if naman papakialamanan ko sila.
Dahil wala akong magawa ay naisip ko na lang magluto ng lunch at dalhan sa opisina niya si Cody.
Matapos kong magluto ay nagsalin na ako ng ulam sa Tupperware, at nagsandok ng kanin.
Habang naghahanda ay may narinig siyang tao sa labas ng bahay kaya lumabas siya agad para sumilip.
"Ariana! Si Tita Mileng mo ito," dali-dali akong lumabas ng bahay.
"Bakit po Tita Mileng?" binuksan ko ang gate at pinapasok ang tita ko.
"Buti na lang at naabutan kita rito,"
"Bakit po ba?"
"Nag-aalala lang naman ako sa inyong magkapatid, wala kong nababalitaan sa inyo, hindi kayo nagpupunta sa bahay lalo na 'yang si Arnold, sabi ko ay pupunta roon para balitaan ako ng nangyayari sainyong magkapatid," hindi man ako close sa Tita at mga Tito namin ni Arnold ay alam kong sobrang concern sila sa aming magkapatid.
"Pasensya na po Tita, masyado pong busy sa school si Arnold kaya hindi na siguro nakakapunta sa inyo, malapit na rin kasi ang graduation niya, and may bagong girlfriend na rin po kasi kaya hindi gaanong lumalalabas." Paliwanang ko.
"Ay sus, kaya naman pala, ikaw ba ay ano ng balita sayo," pinaupo ko si Tita sa sofa saka kami ng kwentuhan, maaga pa naman para magtungo ako sa opisina ni Cody.
"Okay naman po ako Tita,"
"Hindi naman sa nanghihimasok ako ha, pero pamangkin kita ay nag-aalala ako sayo, tumigil ka na ba—"
"Opo Tita, nagbabagong buhay na ko, okay na rin kami ni Papa,"
Parang nakahinga ng maluwag si Tita Mileng sa sinabi ko at ngumiti, "Mabuti kung ganoon,"
Ngumiti rin ako sakanya.
"O siya, kaya lang naman ako nagtungo rito ay para kamustahin kayong magkapatid, mukhang ayos naman kayo at mukhang walang problema. Oras na magkaproblema kayo ay pumunta lang kayo sa akin o kaya sa mga Tito niyo ha."
"Opo Tita, pag nakaluwag sa schedule si Arnold dadalaw kami sainyo, bago ang graduation niya,"
"O sige."
Kinawayan ko si Tita habang paalis siya. Nang hindi ko na natatanaw si Tita ay kinuha ko na ang dadalin ko kay Cody at sumakay ng tricycle.
Nang makarating ako sa tapat ng building nila Cody ay dali-dali akong bumaba ng tricycle, syang pagtapak ng dalawa kong paa sa lupa ay bigla akong nahilo.
Napapadalas na ata ang hilo ko.
"Miss okay ka lang ba?" tanong nung tricycle driver.
"Okay lang ho ako, salamat ho."
Naglakad na ako papasok sa loob ng building, welcome naman ako sa loob dahil alam ng ibang empleyado roon na kasintahan ko si Cody, pati na 'yung guard.
Nakasuot lang ako ng simpleng dress para magmukha naman akong disente. Haha.
Pinatitinginan ako ng ibang empleyado, gandang-ganda sakin. Haha.
Sumakay ako ng elevator at nagtungo sa opisina ni Cody. Pagdating ko roon ay pinapasok naman ako agad ng secretary niya sa loob. Naabutan ko siyang nakatutok na naman sa computer niya.
"Hey," mukhang hindi kasi niya napansin ang pagpasok ko dahil masyadong tutok sa computer.
"Hey," tumayo siya at nilapitan ako, he kissed me.
"May dala akong lunch, niluto ko," itinaas ko 'yung bitbit ko.
"Wow, bigla akong nagutom."
"Then let's eat na, tutal lunch time na." at nagsimula na kaming kumain.
Nang paupo na kami sa sofa sa loob ng opisina niya ay bigla na naman akong nahilo, mabuti na lang at nahawakan ako ni Cody sa braso, kundi ay baka bumagsak na ako sa sahig.
"Are you okay, babe?" nag-aalalang tanong niya.
Tumango lang ako, pero dahil sa ginawa ko parang mas lalo akong nahilo. Nadadalas ata ang pagkahilo ko. Dahan-dahan niya akong iniupo sa sofa. Ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya. I feel safe.
"Babe, tinatakot mo ako, what's wrong?"
"I-i don't know, bigla bigla na lang akong nahihilo, at napapadalas ang pagkahilo ko."
"Maybe, because of the weather, masyadong mainit ang panahon ngayon,"
"Maybe,so... let's eat, nagugutom na ko e," nakangusong sabi ko.
Natatawang iniayos niya 'yung mga dala kong pagkain, at nagsimula na kaming kumain.
"BABE, PAABOT nung towel," narinig kong sabi ni Cody.
Nandito kami ngayon sa bahay, dito siya matutulog sa bahay namin, wala namang kaso kay Arnold, kaya okay lang na andito so Cody. Mabuti na rin ang ganoon para sigurado akong hindi nambababae itong lalaking 'to.
Minsan lang naman siya matulog dito, pag naisipan niya, o pag maraming trabaho sa kumpanya nila. Welcome naman siya lagi rito sa bahay namin.
I'm such a good girlfriend.
Kumatok ako sa pinto ng banyo, "Isasabit ko dito sa doorknob, okay?" bumalik na ako sa pagkakahiga ko sa kama. I felt so tired. Wala naman akong ginawa pero para akong pagod na pagod and I want to sleep na.
Nakakatulog na ako ng biglang tumabi sa akin si Cody sa kama, "Babe,"
"Hmm?"
"Aga mo naman matulog,"
"Inaantok na ko," sabi ko habang nakapikit. Inaantok na talaga ako.
"Wala ka namang ginagawa lagi kang inaantok,"
"Matulog ka na lang din,"
"Later, tititigan muna kita," kahit nakapikit ako ay alam kong nakangisi ang lalaking ito.
Hindi na lang ko kumibo, gusto ko na kasing matulog, pero dahil sa sinabi niya biglang nagising ang diwa ko.
"Babe, parang tumaba ka. Lakas mo kasi kumain this past few days e."
Bigla akong bumangon matapos kong marinig ang mga sinabi niyang iyon.
"What the hell?" nakakunot ang noong sambit ko.
The hell lang, ako raw mataba? Jeez!
"I'm serious babe, I think you gain weight."
Iiling-iling na bumalik ako sa pagkakahiga, "Imagination mo lang 'yan, I'm not fat!" naiinis na sabi ko. Kainis naman kasi talaga pag pinagsabihan ka ng mataba diba? Sa sexy kong 'to.
Ilang minuto rin siyang hindi kumibo akala ko natulog na rin, pero hindi pala.
"Babe, kailan ka huling dinatnan?"
"Hmmm? I dunno, I haven't—" napaupo ako kaagad ng marealize kong hindi pa ako dinadatnan at delay ako last month. "The fuck."
BINABASA MO ANG
Twenty Two
RomanceAriana's Mom died in a car accident. She wants justice. But when she met this guy named Cody Smith, she forgot about finding justice for her mom. She fell in love with him, and he fell in love with her. But one day she found out something na ikinasi...