NAGISING ako na may nararamdaman akong kirot sa bandang tiyan ko, kaya nangamba ako. Tumayo ako at pinilit maglakad ng maayos, kailangan kong ipaalam kay Arnold ang nararamdaman kong kirot, na papasakit pa sa bawat hakbang ng mga paa ko.
"A-arnold!" hiyaw ko ng makalabas ako ng kwarto. "Argh!" napahawak ako sa maumbok kong tiyan. No, baby, kapit ka lang.
Humakbang pa ako, mukhang nasa kwarto si Arnold, kaya lumakad pa ako papunta sa kwarto niya, ngunit sa paghakbang kong muli ay nadulas ako, "Aahhh! Argh!" napahawak akong muli sa umbok kong tiyan, mas lalong sumakit.
Nakadama rin ako ng mainit na likido, kaya yumuko at tiningnan kung tama ang hinala ko, at tama nga ako, biglang tumulo ang luha ko, Nooooooo!
Narinig ko ang pagbukas ng pinto, at nakita kong lumabas ng kwarto si Arnold, nanlalaki ang matang lumapit sa akin ang kapatid ko.
"Arnold, 'y-yung baby," naluluhang sabi ko.
Dali-daling inalalayan ako ni Arnold makatayo at inalalayang maglakad palabas ng bahay, humingi ng tulong si Arnold sa kapit-bahay namin at dinala ako sa hospital. Sobrang kaba ang nararamdaman ko, ayokong mawala ang baby ko. Ang baby ko na lang ang mayroon ako.
Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba oras na mawala ang baby ko, baka mabaliw na ako ng tuluyan.
I woke up in unfamiliar room, inisip ko kung nasaan ako hanggang sa maalala ko ang nangyari, dali-dali akong napakapa sa tiyan ko. Wala akong nararamdamang kakaiba kundi panghihina.
"Ate," nilingon ko si Arnold na nasa tabi ko na.
"Hindi naman nawala si Baby, di ba?" naiiyak na tanong ko.
"Hindi ate, okay si baby, pero sabi ng Doctor muntik ng mapahamak si baby, mabuti na lang nadala ka namin agad dito sa hospital, sabi ng Doctor mabuti pa na manatili ka na lang muna dito sa hospital para mabantayan kang mabuti dahil hindi maayos ang kalagayan niyo ni baby, dalawang araw kang tulog Ate, sobrang kaba ko Ate, mabuti na lang at nagising kana, saka nga pala, andito si Tita Mileng kanina saka si Tito Vic. Galit na galit si Tito Vic, Ate."
"Si C-cody?" hindi ko maiwasang itanong, gusto kong malaman kung dumalaw ba sa akin si Cody.
"Ewan ko Ate, hindi ko naman sinabi sakanyang narito ka sa hospital, mabuti pang hindi mo na siya makita hangga't buntis ka, dahil baka may masama pang mangyari sayo," nakasimangot na sabi ni Arnold.
Tumango lang ako. Mabuti pa nga sigurong huwag ko na siyang makita, hindi lang ngayon, kundi habang buhay.
Dumating uli sa hospital si Tita Mileng at ang anak niya, may dala silang mga prutas at pagkain. Sobrang saya ko dahil hindi kami pinapabayaan ni Tita.
"Kumain ka ng prutas Ariana ng bumalik ang sigla ng katawan mo." Sabi ni Tita.
"Sige po,"
Naging maayos naman ang pananatili ko sa hospital, sabi ng Doctor ay magiging maayos ang panganganak ko, nasa ika-walong buwan na ang pinagbubuntis ko.
Sa lumipas na buwan ay hindi dumalaw sa akin si Cody, hindi ko alam kung hindi ba talaga niya alam na andito ako sa hospital o ayaw lang siyang papuntahin rito nila Tita. Kahit galit ako sakanya ay nami-miss ko siya. Naiisip ko nga kung nami-miss rin ba nya ako, o baka kasama lang niya 'yung babae niya, o baka marami pa siyang babae at hindi lang 'yung babaeng nakita ko.
Pag naiisip ko naman iyon ay sumasakit ang puso ko, naninikip ang dibdib ko, nalulungkot ako. Kaya kinalimutan ko na siyang isipin dahil makakasama sa akin kung palagi na lang akong malungkot. Ayokong maging busangot ang anak ko. Gusto kong maging masiyahin siya.

BINABASA MO ANG
Twenty Two
RomantizmAriana's Mom died in a car accident. She wants justice. But when she met this guy named Cody Smith, she forgot about finding justice for her mom. She fell in love with him, and he fell in love with her. But one day she found out something na ikinasi...