Chapter Five

601 12 0
                                    

"SALAMAT AT pinaunlakan mo ang paanyaya ko sayo," nakangiting sabi ni Cody habang papasok kami sa isang restaurant.

"Grabe, lalim naman ng tagalog mo," natatawang sabi ko.

Natawa na lang din siya. Nagtungo na kami sa upuang naka-reserved sa amin. Ipinaghila niya ako ng upuan nung uupo na kami.

Gentleman.

Nakangiting umupo siya sa upuan sa harap ko. "Did I already mention that you're beautiful tonight?"

"Yes, maraming beses na, quota ka na nga e." biro ko, pero ang totoo niyan kinikilig ako. Kanina pa kasi siya sa sasakyan. Tingin ng tingin. Mas lalo tuloy akong kinakabahan dahil sa kilos niya.

Dumating na 'yung pagkain namin at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay pasulyap-sulyap ako sakanya. Ang gwapo niya kasi. Kahit kailan naman hindi siya pumangit sa paningin ko, ganun siguro talaga pag mahal mo ang isang tao.

Oo, mahal ko na siya. Mabilis ba? Kung ganitong lalaki naman kasi ang makakausap mo at makikita palagi, malamang sa malamang na mainlove ka kaagad.

Ang bait niya, gentleman, maalalahanin, maalaga tapos gwapo pa. San ka pa di ba?

Oo nga't may pagka babaero siya, pero once na makilala mo siya ng lubusan, makakalimutan mo iyong ugali niyang iyon. At hindi mo maiiwasang hindi mainlove.

"May dumi ba ako sa mukha?" narinig kong tanong niya.

Nahuli pala niya akong nakatitig sa kanya. Nakakahiya! Napalunok na lang ako at ngumiti para pagtakpan ang pagkapahiya, "Ang gwapo mo kasi ngayon,"

"Ngayon lang?"

"Oo na, araw-araw ka ng gwapo."

"Ikaw nagsabi niyan."

'Yan, dyan sya magaling, gusto niya todo-todo siyang napupuri, mga lalaki nga naman.

Nang matapos kaming kumain ay nagkwentuhan lang kaming dalawa.

"Gusto mong maglakad-lakad?" tanong niya, tumango naman ako bilang sagot.

At naglakad nga kami, lakad lang talaga. As in lakad, walk. Hindi kami nagkikibuan.

Huminto siya at tumingala sa kalangitan, "Ang ganda ng buwan no?"

Tumingala rin ako at tumingin sa buwan, "Yea."

Nasa ilalim kami ng puno na puno ng christmas light. Didn't I mention na malapit na ang Christmas?

"How's your brother?"

"Okay lang naman siya, lalaking-lalaki pa rin," biro ko.

Tumawa naman siya, "Malapit na ang Christmas no?"

Tumango ako bilang sagot.

"Anong Christmas gift ang gusto mong makuha?" tanong niya sa akin.

"Bakit bibilan mo ako?" nakangiting biro ko sakanya.

"Susulat ako kay Santa." Ganting biro niya.

Natatawang sinuntok ko ang braso niya. "Wala naman akong ibang nais na makuha." Tumingin akong muli sa kalangitan. Alam kong nakatingin siya sa akin, nararamdaman ko. "Hustisya lang naman ang nais kong makuha." Malungkot kong sabi.

"One day, makukuha mo rin ang gusto mo." Sinserong sabi niya.

Nginitian ko siya, "Alam ko, at hihintayin ko ang araw na iyon. Pag dumating ang araw na iyon, maari ko ng pakawalan ang nakaraan." Ngumiti rin siya sa akin. "Ikaw?"

"Ako? Simple lang. Kapatid ko."

"Pasasaan ba't makakasama mo rin siyang muli."

Ngumiti lang sya sa akin.

Twenty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon