Chapter Fourteen

668 13 0
                                    

Ariana's POV

"Bakit ganon anak, kahit anong pilit kong ilayo kayo ng Ate mo sa kanila..." narinig ko si Papa na nagsasalita pagkapasok ko sa loob ng bahay.

"Pa, anong sinasabi mo? Sinong sila?" naguguluhan tanong ni Arnold kay Papa, nasa likod na nila akong dalawa.

"Anak, kaligayahan nyo lang ang hangad ko, kabutihan nyo pero bakit kailangang sya pa? Bakit kailangang sya pa ang mahalin ng Ate mo,"

"Pa anong ibig mong sabihin? Anong meron kay kuya Cody?"

Kinabahan ako, ano nga bang mayroon kay Cody? At bakit ganoon ang reaksyon ni Papa, at bakit umiiyak si Papa. Nang magsalita ulit si Papa hiniling ko na sana hindi na lang niya sinabi ang lahat ng iyon. Sana hindi ko na lang narinig. Unti-unting nadudurog ang puso ko.

"Kapatid ni Cody ang nakasagasa sa Mama nyo, anak."

"Pa..." tumulo rin ang luha ni Arnold.

"Kung nalaman ko lang agad anak, nailayo ko sana kayo ng ate mo, kung hindi siguro ako umalis ng bansa hindi sila magkakakilala ng ate mo, alam kong masasaktan ang ate oras na malaman niya ang totoo, ayokong masaktan ang ate mo dahil sobra na syang nasaktan noong mamatay ang mama nyo at nanahimik ako kaysa ipaglaban ang mama nyo."

"Alam ko na Pa,"

Nanlalaki ang matang lumingon sa akin si Arnold, "A-ate..."

"Bakit Pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Kung sana sinabi mo, hindi tayo aabot sa ganito!"

Lumingon sa akin si Papa, "Alam mo naman siguro ang nangyari sa kapatid ng asawa mo,"

Tumango ako. "Pero Pa, sana sinabi mo sa akin."

"Kung sinabi ko sayo anak siguradong hindi ka titigil hangga't hindi niya pinagbabayaran ang nangyari sa mama mo, pero anak, nawala sa katinuan 'yung nakasagasa sa Mama mo, at hindi na kinaya ng kunsensya ko na magsampa pa ng kaso sa kanya. Sa isip ko, kinarma naman na siya agad, pinagbabayaran pa rin naman niya hanggang ngayon ang nangyari sa mama mo."

"Ang gusto ko Papa habang buhay nyang pagbayaraan, pero ang kabaliwan niya patapos na Pa, magaling na sya, paano pa syang magbabayad?" galit na sabi ko. 'Yung galit ko noon sa taong pumatay kay mama na nakalimutan ko na, biglang umahon sa isip at puso ko.

"Anak patawarin mo si Papa, patawarin mo ako anak, hindi ko ginusto..."

"Kailan nyo pa alam na kapatid ni Cody ang nakasagasa kay Mama?"

"Kanina lang anak nung banggatin nya ang pangalan ng mga magulang nya,"

"Ang sakit Pa, ang sakit-sakit!" lumabas ako ng bahay.

"Ate!"

"Ariana!"

Narinig kong tinatawag nila ako pero hindi ko sila nilingon, hindi ako huminto lumabas ako ng bahay at sumakay ng tricycle na nakaparada sa malapit sa bahay namin.

Umuwi ako sa bahay namin ni Cody.

May nakita akong sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay namin. Pumasok agad ako sa bahay, at nakita ko roon ang masasayang mukha ng pamilya ng pumatay sa mama ko, pati ang mukha ng mismong sumagasa kay mama.

Punong-puno ng galit ang puso ko. Galit na gusto ko ng ilabas. Ang tagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon.

Nakita kong hawak niya ang anak ko kaya mas lalo akong nagalit, mabilis na lumapit ako sakanya saka ko inagaw sakanya ang anak ko.

"Babe!" nagulat silang lahat sa ginawa ko.

"Celene Smith." Mariing banggit ko sa pangalan ng taong pumatay kay Mama.

Twenty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon