Chapter Twelve

615 12 0
                                    

Ariana's POV

SIX month old na bukas ang anak ko kaya balak ni Papa at Tita na maghanda ng kaunting salo-salo, naisip ko na pabinyagan na rin sya tutal maghahanda rin naman sila, pero sabi ni Arnold pag nag One year old na lang si Baby Alaric, at siya daw ang gagastos sa lahat, may trabaho na kasi siya, lumabas na rin ang result nug Board Exam niya at as expected pasado sya, Engineer na talaga ang kapatid ko.

Sobrang saya ko dahil suportado nila kong lahat at mahal na mahal nila ang anak ko.

Naisip kong imbitahan si Cody, pero baka hindi rin siya pumunta kaya hindi na lang.

"Girl, lalim ng iniisip a," puna ni Nammi sa akin.

"Hindi naman,"

"Wala kang balita sa asawa mo? Pupunta ba sya bukas?"

Umiling ako, "Hindi ko alam Nammi. Hindi naman siya nagparamdam kahit minsan simula nung nasa hospital ako."

"Hi, girls," napasimangot kaming dalawa ni Nammi ng dumating si Eddie. "Asan ang baby boy?"

"Tulog kaya 'wag kang maingay Eddie,"

Balak kong kuning ninong at ninang si Nammi, Eddie at Crisanto, dahil siguradong aalagaan nila at mamahalin si baby Alaric.

"May regalo na ba kayo para bukas?"

"Grabe kailangan talaga ng regalo?"

"Aba oo naman!"

"Hindi naman niya birthday,"

"Six month old na sya bukas, kaya kailangan ng regalo,"

"Ibang klaseng nanay ka rin e," reklamo ni Eddie.

Natatawang binatukan ko na lang sya.

"Wala kang magagawa kukunin kitang ninong niyan, kayong tatlo, kaya 'wag niyo akong tatakasan," inirapan lang ako ng dalawa.


KINABUKASAN ay nakahanda na ang lahat, may videoke pang kinuha si Tito para daw masaya. Mahilig kasi silang kumanta.

Naroon lahat ng pinsan ko.

Picture-an ng picture-an, kasama si baby Alaric, tuwang-tuwa naman ang anak ko, kahit sinong kumuha sa kanya ay sumasama sya mukhang hindi nangingilala at hindi rin iyakin ang anak ko.

Sabi nga ni Papa kamukhang-kamukha ko daw ang anak ko pero magkaiba kami ng ugali, dahil sobrang likot ko noong baby pa lang ako pero ang anak ko ay tahimik lang at hindi malikot. Iyakin daw ako, pero ang anak ko hindi. Pero pareho daw kaming matakaw. Sobrang takaw kasi ni baby Alaric, maya't maya ang inom ng gatas, ang bigat-bigat tuloy niya, siksik na siksik pero hindi naman sobrang taba. Tuwang-tuwa tuloy ang lahat ng makakakita sakanya.

Naiinis lang ako minsan kay Arnold at kay Papa kasi pinanggigigilan nila si baby Alaric. Kaya minsan ayaw kong ipahawak sakanila.

Hindi naman laruan ang anak ko para panggigilan nila, pero tuwang-tuwa naman ang anak ko pagpinanggigigilan siya ng lolo at tito niya.

Nagsimula ng magkainan ang lahat, habang nagkakainan ay nagkakantahan rin sila, nakaupo lang kami ni baby sa upuan at kumakain rin, sya dumedede at kumakain.

Nang makarinig ako ng hiyawan sa labas kahit na may kumakanta sa videoke ay naririnig ko pa rin ang hiyawan sa labas.

"Ariana!"

Narinig ko ang pangalan ko kaya tumayo ako, ibinigay ko muna kay Nammi si Alaric at nagtungo sa labas ng gate. Umaasa na tama ang hinala ko. Nasa labas si Papa, Arnold at isa kong Tito.

Twenty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon