I'M LOOKING at my father's back as he walks towards the airport entrance. Magtatrabaho na kasi sa Saudi si Papa, para maipag-patuloy ng kapatid ko iyong pag-aaral niya ng Engineering. Aalis si Papa para mabigyan niya kami ng maginhawang buhay, pero bakit pakiramdam ko, tinatakbuhan lang kami ni Papa.
Dapat kasama lang namin siya rito, coping with us. Pero mas pinili pa niyang lumayo na lang.
Mas pinili niyang mag-isa at iwan kami ng kapatid ko.
Akala ba niya titino ako sa ginawa niya?
Five months ago, my Mom died. She was hit by a car.
Namamalengke lang si Mama noon para sa dinner namin, pero pag-uwi ko galing sa trabaho, sasalubong na lang sa akin ang Mama ko na nakahiga sa kabaong.
I asked Papa kung anong nangyari kay Mama, at sinabi niyang nasagasaan si Mama, at wala ng buhay ng madala sa hospital. Hindi na umabot si Mama.
I asked Papa kung sino ang nakasagasa kay Mama, sabi lang niya, aksidente ang lahat at hayaan na lang.
I can't believe Papa said that. Mahal na mahal niya si Mama tapos sasabihin niya ganun lang, ni hindi man lang niya binigyan ng hustisya si Mama. Hindi man lang siya lumaban para kay Mama.
Galit na galit ako kay Papa, na hanggang sa mailibing si Mama ay hindi ko siya kinausap. Nakakulong lang ako sa kwarto ko at hindi lumalabas.
Nang mailibing si Mama, sumama akong muli sa mga barkada kong medyo na papariwara na ang buhay. Gabi-gabi lang kami sa bar. That's my way of coping. Mahal na mahal ko kasi si Mama at hindi ko lubos maisip na ganun-ganun na lang ang mangyayari. Nag-resign rin ako sa trabaho ko. Lahat ng ipon ko ginamit ko sa pag-babar. I even used drugs. I smoked. Lahat-lahat ng bawal ginawa ko.
Dahil wala na akong trabaho hindi na alam ni Papa kung saan kukuha ng pampaaral sa kapatid ko, kaya sumama na sya sa kaibigan niya at nag-Saudi.
Nung nabubuhay pa si Mama ay pinatigil ko na sila ni Papa sa pagtatrabaho, at ako na ang nagpatuloy sa pagpapaaral sa kapatid kong lalaki. Ako na ang gumastos sa lahat ng gastusin sa bahay, dahil gusto kong ienjoy na lang ni Mama at Papa ang bawat araw na magkasama sila.
Pero dahil sa nangyari, nawalan ako ng amor sa lahat. My colorful life turned into black and white. I can't see anything but black and white.
I asked Papa hundred times kung sino 'yung nakasagasa kay Mama, pero kahit kailan ay hindi niya sinagot ang tanong ko. Nanahimik lang siya. Kaya 'yung galit ko mas lalong lumaki.
At mas lalong lumaki ang galit ko lalo na kay Papa ng piliin niyang iwan kami.
"Ate, uwi na tayo." Rinig kong aya sa akin ng kapatid ko.
Sumunod naman ako sa kanya at pumara siya ng taxi at umuwi na kami.
Ngayon dalawa na lang kaming magkapatid rito sa bahay. Mas lalong tahimik. Walang kahit anong ingay. Walang kahit anong kaluskos sa kusina. Hindi ko na maaamoy ang mga luto ni Mama. Hindi ko na makikita si Papa na nagbabasa ng newspaper sa sala habang hinihintay na maluto ang niluluto ni Mama.
Pagkauwing-pagkauwi naming magkapatid ay nagpalit ako ng damit at nagtungo sa bar kung nasaan madalas ang mga kaibigan ko. Ni hindi ako nagpaalam sa kapatid ko na aalis.
Sa ngayon ang kapatid ko ang matino sa amin, kaya hinihiling ko na sana kayanin niya at 'wag tumulad sa akin. Sana kayanin niya ang sakit.
"Ariana De Jesus is finally here!" I heard Eddie shout.
"Yea!"
Umupo lang ako sa tabi ni Nammi. Usap lang sila ng usap habang ako ay nakatingin lang sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Twenty Two
RomanceAriana's Mom died in a car accident. She wants justice. But when she met this guy named Cody Smith, she forgot about finding justice for her mom. She fell in love with him, and he fell in love with her. But one day she found out something na ikinasi...