NAGISING ako na sobrang sakit ng ulo ko, parang binibiyak sa sobrang sakit. Sumobra ako ng inom kagabi. Sumobra ako sa limit ko.
Dahan-dahan akong bumangon, kahit sobrang sakit ng ulo ko ay pinilit ko pa rin bumangon. Nagpalinga-linga ako sa paligid, hindi ako pamilyar sa kwarto kung nasaan ako.
Hala! Anong nangyari sa akin? Na saan ako? 'Yung lalaki! Langya, teka baka pinagsamantalahan ako ng taong 'yun.
Sinilip ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot, nakasuot lang ako ng maluwang na t-shirt, pero suot ko pa naman ang sarili kong undies. Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko, wala namang masakit maliban sa ulo ko, mukhang hindi naman ako pinagsamantalahan ng lalaking 'yun. Naalala ko rin ang sabi niya. Buti na lang matino pa ang isip ko noon, pero hindi ko na kinaya ang kalasingan ko. Ang huli ko lang naaalala ay umiiyak ako sa balikat niya habang nagkukwento.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
"Mabuti naman at gising kana," inabutan niya ako ng isang basong may tubig saka gamot, "Para mawala ang sakit ng ulo mo, mag-ayos ka na lang dyan at lumabas ka na, nakahanda na ang agahan." Sabi lang niya at lumabas na ng kwarto.
Bakit parang iba 'yung ugali niya ngayon sa ugali niya kagabi.
Baka ngayon na niya ako pagsasamantalahan dahil hindi na ako lasing. Grabe lang.
Inayos ko ang sarili ko, naroon na rin 'yung damit na suot ko kagabi, mukhang malinis na, kaya isinuot ko na at lumabas na ako ng kwarto, mukhang hindi niya kwarto 'yun, wala kasi akong makitang bakas niya sa loob. Baka guest room lang.
Bakit nakaramdam ako ng panghihinayang na hindi ako sa kwarto niya natulog. Nababaliw na ata ako.
"Salamat," pasasalamat ko matapos kong kumain.
"Sa susunod, 'wag ka ng magpapakalasing ng ganoon, paano kung hindi ako 'yung lalaking nakausap mo, baka napagsamantalahan ka na." inilalagay na niya sa lababo ang pinagkainan namin.
Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa mga sinabi niya, hala? Kinikilig ba ko? Stranger 'to, hindi dapat ako makadama ng ganoon.
"Pasensya ka na, naabala pa kita." Lumapit ako sa kanya, "Ako na dyan, ako na maghuhugas niyan,"
"Hindi, ako na, maupo ka na lang dyan at magpahinga."
Wala naman akong nagawa kundi ang sundin siya, nakakatakot kasi siyang magsalita, susundin at susundin mo ang sasabihin niya.
"Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita," sabi niya habang naghuhugas ng pinggan.
"Hindi na kaya ko naman ng umuwi,"
Lumingon siya sa akin, "Sigurado ka?"
Tumango ako, "Baka kasi may gagawin ka pa, masyado na akong nakakaabala sayo,"
Tumango na lang siya bilang sagot, nang matapos syang maghugas ay gumayak na siya, ng lumabas siya ng kwarto ay naka corporate attire na siya, mukhang nagtatrabaho 'to sa malaking kumpanya.
Sa isang condo pala siya nakatira, 20th floor, ng makalabas kami ng elevator ay dire-diretso kaming lumabas ng building.
"Sigurado ka bang hindi na kita ihahatid?"
Tumango ako, "Kaya ko naman na, ayoko ng makaabala pa sayo."
Tumango sya, at tinawag 'yung guard. "Get her a cab."
"Yes, sir."
"Sige, una na ako."
Tumango lang ako at kinawayan siya nung paalis na siya sakay ng kotse niya. Bago ako sumakay ng taxi ay nilingon ko muna 'yung building na pinanggalingan namin, mukhang anak mayaman sya, mukha kasing pang mayaman lang 'yung building.
Sumakay na ako ng taxi at umuwi, baka nag-aalala na ang kapatid ko dahil sa hindi ko pag-uwi kagabi, kahit kailan ay hindi nangyari ang ganoon kaya siguradong nag-aalala na 'yun.
PAGKA-UWING PAGKA-UWI ko ay ang nag-aalalang mukha agad ng kapatid ko ang sumalubong sa sakin. Nang makita niya ako ay dali-dali niya akong niyakap, kaya napayakap na rin ako sa kapatid ko.
"Akala ko kung ano ng nangyari sayo Ate, sorry Ate, 'wag ka na uling aalis."
"Sorry Arnold,"
"Kumain kana Ate,"
Umiling ako, "Kumain na ako, ikaw kumain kana, at pumasok, 'wag mo na akong alalahanin," pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, medyo pagod pa ako. At inaantok, kaya wala pang ilang minuto nakatulog na ako.
Paggising ko ay gabi na, lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang kapatid ko na naghahanda na ng hapunan naming dalawa.
"Ate, maupo ka na, kakain na tayo," nakangiting sabi niya.
Naupo naman ako, naupo na rin sya sa tabi at nagsimula na kaming kumain.
Kinukwentuhan ako ng kapatid ko tungkol sa nangyari sa school niya ng araw na iyon, masaya akong nakikitang nakangiti ang kapatid ko, kaya nakinig lang ako sa sinasabi niya.
"Magpahinga kana, ako na nag maghuhugas niyang mga plato," sabi ko sa kapatid ko ng matapos kaming kumain.
"Ako na Ate,"
"Ako na, alam kong pagod ka sa pag-aaral mabuti pang magpahinga kana. Kaya ko na 'to."
"Sige Ate," pumasok na siya sa kwarto niya at naiwan naman ako sa kusina.
'Yung mga ngiti ng kapatid ko, kanina ko lang uli nakita, ayaw ko ng mawala ang mga ngiting iyon ng kapatid ko. Naramdaman kong buhay ako kanina nung masilayan ko ang ngiti ng kapatid ko. Sa unang pagkakataon mula ng mamatay si Mama nakadama ako ng katuwaan. Natuwa ako na makitang nakangiti uli ang kapatid ko.
Palihim na napangiti ako, sinimulan ko ng linisin ang mga platong ginamit namin, bakit iba ang nararamdaman ko ngayon.
"BAKIT hindi ka ata umiinom Ariana," puna sa akin ni Nammi.
"Masyado akong maraming nainom nung isang gabi kaya pass muna ko ngayon, saka ayoko munang mag-alala sakin 'yung kapatid ko."
"Kasi maglasing ka daw ba mag-isa, ano pang silbi namin, di ba?" Eddie said.
"Ayoko lang kayong gambalain non, saka gusto kong mapag-isa non, hindi ko lang akalaing masosobra ako ng inom,"
"Tapos nakipag-usap ka pa sa hindi mo kilala, paano kung may ginawa sayo 'yung gagong 'yun?" Crisanto said.
"Mabait naman siya, hindi niya ko pinagsamantalahan, inalagaan nga niya ko nung sobrang lasing ako. Ayoko na uling makita na nag-aalala sa akin 'yung kapatid ko, kitang-kita ko sa mata nya 'yung takot."
"Ikaw na lang kasi ang meron siya, ayaw lang ng kapatid mo na pati ikaw mawala sakanya." Nammi said, tapos ay uminom ng alak.
"Noon ko lang din nakitang ngumiti uli 'yung kapatid ko, ayoko ng mawala uli 'yung mga ngiti niya iyon." Nakangiting sabi ko.
"So, anong plano mo?" tanong ni Eddie.
"Wala."
"Anong wala?"
"Wala naman akong plano, ipagpapatuloy ko kung anong ginagawa ko, pero hindi ko na papabayaan 'yung kapatid ko, pwede naman 'yun di ba?"
Nakangitingtumango lang sila sa akin.
NAGLALAKAD AKO ng may makita akong coffee shop, naisipan kong pumasok at bumili para sa akin at para kay Arnold.
Nang maka-order ako ay umupo muna ako sa bakanteng upuan roon, nagpalinga-linga ako sa paligid. Maganda ang loob ng coffe shop, nakakagaan ng pakiramdam.
Nadako ang mga mata ko sa dalawang taong papasok sa loob ng coffee shop, isang lalaki at isang babae, nakaakbay 'yung lalaki sa babae, habang 'yung babae naman ay nakapalupot ang mga braso sa baiwang ng lalaki.
Pilit kong inalala 'yung pangalan nung lalaki.
Ah! Cody!
Balak ko sana siyang tawagin ng marinig ko ang pangalan ko, okay na pala 'yung order ko. Dali-dali kong kinuha 'yung order ko.
Nang makuha ko 'yung order ko ay balak ko ng lumabas pero nakasalubong ko silang dalawa nung babae. Nginitian ko siya at saka ko siya nilagpasan.
Lumabas ako ng coffee shop na mabigat ang pakiramdam. ako nr8

BINABASA MO ANG
Twenty Two
RomanceAriana's Mom died in a car accident. She wants justice. But when she met this guy named Cody Smith, she forgot about finding justice for her mom. She fell in love with him, and he fell in love with her. But one day she found out something na ikinasi...