Epilogue

977 22 2
                                    

AFTER three months ay magpapakasal akong muli, hindi sa ibang lalaki kundi sa lalaking binuntis ako sa edad na bente dos, kahit dalawang buwan pa lang ang relasyon namin. Sa lalaking mahal na mahal ko, at mahal na mahal ako. Sa lalaking nagparanas sa akin ng sakit, saya, at sarap. Haha. Sa lalaking nangako sa akin na hindi na ako muling iiyak at masasaktan.

Mas nakakakaba pala ngayon, dahil buong pamilya na naming dalawa ang makakasaksi sa pag-iisang dibdib namin.

Sa nakalipas na tatlong buwan ay maraming nangyari. Natutunan ko na rin patawarin ang kapatid ni Cody.

Noong una ay hirap pa ako pero nagawa ko rin, dahil na rin kay Papa. Na-hospital kasi si Papa, dahil sa sakit sa puso. At ang hiling nya sa akin ay, ang magawa ko ng patawarin si Celene. Hindi ganoon kadali pero nakagawa ko naman, pero hindi ibig sabihin na napatawad ko na sya ay magiging close na kami, distant pa rin ako sakanya. Siguro pag tumagal pa baka sakali na maging close rin kami. Malay natin, di ba?

Gabi-gabi ay ipinagdarasal ko si Mama, na sana ay masaya sya kung nasaan man sya. Na sana ay gabayan niya sina Papa at Arnold, pati na rin si Alaric at Cody. Sana ay napatawad na rin niya ang may sala kung bakit wala na sya ngayon dito sa piling namin. Mahal na mahal ko si Mama, siya kasi ang kakampi ko sa lahat.

"Ang ganda mo anak," narinig kong puri ni Papa sa akin.

"Ate, sana araw araw kasal mo para araw araw maganda ka,"

"Anong sabi mo?!" nakasimangot na hinarap ko si Arnold, nakangisi lang sya sa akin, "Ikaw..." naghabulan kami sa loob ng kwarto. Dahil nakagown ako ay hirap akong tumakbo kaya hindi ko mahabol si Arnold.

"Tumigil nga kayo. Ikaw Ariana, gusto mo bang masira 'yang gown mo? Tumigil na kayo, Arnold!" saway sa amin ni Papa, kaya tumigil naman kaming dalawa.

"'Yan kasing lalaki mo Pa, lakas mang-asar. Sana tumandang binata 'yan,"

"Malabo 'yan Ate, sa gwapo kong 'to."

"Tss. Yabang!"

May sakit si Papa sa puso pero hindi naman ganoon kalala, kailangan lang ng maintenance sa gamot, at dapat sundin ang lahat ng sasabihin ng Doctor para hindi na lumala pa ang sakit niya. Kaya sobrang higpit sakanya ni Arnold. Nagrereklamo na nga si Papa minsan, sa amin na lang daw sya titira, at ayaw na niyang kasama si Arnold. Minsan akala mo bata si Papa.

Si Arnold naman, ganun pa rin, responsible, maalaga, masayahin at higit sa lahat, marami ng pera. Haha. Magaling na Engineer e. Ilang buwan palang nagtatrabaho pero kung kumita, wagas.

"Wow, girl ang ganda mo, bagay na bagay sayo 'yang wedding gown mo." Pumasok si Nammi sa loob ng kwarto kasama si Eddie at Crisanto.

"May igaganda ka pala Ariana,"

"Sabi sayo Ate e, dapat araw-araw kasal mo," nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi ni Arnold, sarap sapakin ng bwisit, kasal ko ngayon, binubwisit ako.

"Tito Arturo, ipapaalam ko po sa inyo mamaya na hihiyaw ako ng itigil ang kasal, suportahan nyo po ako." Seryosong sabi ni Eddie.

"Oo ba hijo, basta ba tama ang presyo," sumimangot naman si Eddie.

"Mag-ama nga talaga kayo, parehong tuso sa pera," napuno ng tawanan ang buong kwarto dahil sa mga biruan nila. Kahit papaano tuloy ay nabawasan ang kaba na nararamdaman ko.

May sari-sarili na ring buhay ang mga kaibigan ko. Busy sa trabaho, sa lovelife, at sa pamilya, kaya madalang na lang naming makasama ang bawat isa. Siguro ganun talaga pag nagkaroon ka na ng sariling pamilya, nagkaroon ka ng girlfriend o boyfriend, nagkaroon ng magandang trabaho, may business na pinapatakbo, mababawasan or should I say mawawalan ka na ng oras sa mga kaibigan mo.

Pero oras na magkasama-sama naman kayo ay doon lalabas ang sobrang kasiyahan. Maganda nga siguro 'yung nagpapamiss kayo sa isa't-isa para hindi kayo magsawa sa pagmumukha ng bawat isa. Para pagnagkita e, maraming kwento na maibabahagi, at mas magiging memorable ang pangyayari.

Our friendship will never end.

Friendships multiply joys and divide griefs.

"It's time, lets go," sabi ni Papa. Bigla tuloy bumalik ang kaba ko.


"WE are gathered here to joined this man and this woman..." nag-simula ng magsalita ang pari, nanlalamig pa rin ang mga kamay ko.

Nilingon ko si Cody sa tabi ko. Napaka-gwapo nya. Araw-araw naman syang gwapo, pero iba ang tingin ko sakanya ngayon, lalo tuloy akong nai-inlove. May iga-gwapo pa pala ang gwapo. Nakangiti sya sa habang nakaharap sa pari.

"Theyare standing here today committing to each other..."

Ibinalik ko ang tingin sa pari, huminga ako ng malalim saka ako pumikit. Ma, alam ko nasa paligid ka lang, binabantayan mo ako, kami nila Papa. Ma, salamat kasi hindi mo kami pinapabayaan kasama ka man namin o hindi. Si Papa umiiyak kanina, parang ewan lang, kasal naman na ako, nagpakasal lang kami ulit pero si Papa kung makaiyak akala mo, ngayon pa lang ako ikakasal.

Ma, patawarin mo ako kasi hindi ako naging mabuting anak, nagalit ako kay Papa, hindi ko inisip 'yung nararamdaman nya, sinira ko ang buhay ko, napuno ng galit ang puso ko, patawarin mo ako Ma. Pero Ma kahit ganoon ang swerte ko pa rin no? Kasi eto ako ngayon, may asawa at anak na parehong mahal ko at mahal ako. Kahit anong kagagahan 'yung pinaggagawa ko, may isang taong tumanggap sa akin.

Ma, nagawa ko ng magpatawad, napatawad ko na sya, sinisimulan ko na ang bagong buhay ko kasama ang asawa at anak ko na walang kahit anong hinanakit sa puso. Gusto ko puro masaya na lang. Pwede naman 'yun Ma, di ba? Sabi mo nga noon, ang mga taong mahal mo lang ang makakapagaligaya sayo. Tama ka Ma, pero sana Ma, wala ng dumating na sakit. Baka kung anong kagagahan na naman ang magawa ko, kaya Ma, bantayan mo ako, at ilayo sa kagagahan na maari kong magawa. Gusto ko ng masaya, puno ng pagmamahal at kumpletong pamilya. Ma, sana masaya ka. Miss na miss na kita. I love you.

We recite our vows. Kinakabahan ako pero nagawa ko. Nakatitig lang kami sa isa't-isa habang may ningning ang mga mata.

Habang tumatagal ay hindi na kaba ang nararamdaman ko kundi sobrang kasiyahan. Ano pa bang mahihiling ko pagkatapos ng kasal na 'to? Wala na. Sapat na sa akin ang lahat ng meron kami ngayon.

Ah, siguro dalawang anak pa ang hihilingin ko, parang kulang ang isa e. The more, the merrier.

I smiled at Cody, he smiled at me.

"You may now kiss the Bride." Father said.

"Ariana, I'm so proud to call you my wife. I love you." Unti-unting bumaba ang mukha niya palapit sa mukha ko. Tinitigan pa muna niya ako bago tuluyang hinalikan.

"I love you, too."

Eto na, magsisimula na kami ng panibagong bukas kasama ang mga taong mahahalaga sa amin. Bukas na puno ng pagmamahal at kasiyahan.

Eto ang buhay namin, marami mang pinagdaanang hindi kanais-nais, masasakit na pangyayari, hindi malilimutan kaganapan, pero nanatili kami sa tabi ng bawat isa. Sinubok man, ngunit naging matatag.

I'm Ariana De Jesus – Smith, twenty three years old.

At the age of twenty two ang dami kong naranasan, I fell in love with a playboy, lost my virginity, got pregnant kahit dalawang buwan pa lang ang relasyon namin, and married the day we found out that I am pregnant.

Unang beses na nasaktan ako dahil sa isang lalaki na nagkataong asawa ko pa. Kamuntikan na akong makunan nang nasa ika-anim na buwan na ang pinagbubuntis ko, at naging isang ina matapos ang siyam na buwan.

Nasaktan man, dumanas man ng pagsubok, in the end nakuha ko rin ang happy ending na nais ko. No more heartache. No more secret. Just love and happiness.

Twenty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon