Chapter Thirteen

601 12 0
                                        

DALAWANG araw matapos ang six month old celebration para kay baby Alaric ay sumama na ako kay Cody sa bagong bahay namin, napagpasyahan na naming bumukod at pumayag naman si Papa. Ngayon ay dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng bumukod kami.

Pinapanood ko si Cody habang nakikipaglaro sa anak namin, kitang-kita ko ang saya sa mukha niya.

Kahit masaya ako ngayon dahil magkakasama kaming tatlo, ay may pangamba pa rin akong nadarama, natatakot ako nab aka mangyari muli ang nangyari noon, at tuluyan na kaming magkahiwalay ni Cody.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin name-meet ang parents niya, pero ang sabi niya ay malapit ng umuwi ang mga ito, kasama ang kapatid niya at mami-meet ko rin sila.

Medyo kinabahan ako, kahit na nakausap ko na sa telepono minsan ang mga magulang niya at mukhang mababait naman ang mga ito, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Minsan ko pa lang sila nakausap! Pero kahit ganoon ay excited akong makita at makilala sila ng tuluyan.

"Tulog na sya," narinig kong sabi ni Cody, tinignan ko silang mag-ama at tulog na nga ang anak namin habang nakadapa sa dibdib ng ama.

"Ipasok mo na sa kwarto," dahan-dahan siyang tumayo at pumasok sa kwarto, sumunod naman ako sakanila.

Inihiga niya sa kama si Alaric at naupo sa tabi nito. Lumapit ako sakanya at yumakap mula sa likod niya, "Ang daya talaga babe, lahat ng facial features, nakuha sayo,"

Natawa naman ako sa sinabi niya, palagi niyang sinasabi iyon, wala kasi talagang nakuha sakanya si Alaric. "Babe naman, malay mo 'yung ugali mana sayo, 'wag lang sana 'yung pagiging babaero mo." Nakangusong sabi ko. Ayokong isipin na magiging babaero ang anak ko paglaki niya. Baka ikulong ko siya sa bahay.

"Babe hindi na maiiwasan 'yun, lalo at gwapo ang anak natin," ang yabang talaga kahit kailan.

"Hindi pwede. 'Wag mong itulad sayo ang anak natin,"

Humarap sya sa akin at ipinalupot sa baiwang ko ang mga braso niya, "Alam mo ba sa twing sinasabi mo na 'anak natin' para akong lumulutang, ang sarap pakinggan." Nginitian ko siya saka ako yumuko para halikan siya. "Babe, gawa na ulit tayo ng baby, babae naman,"

Natatawang tinampal ko ang pisngi niya, "Hindi pa nga naglalakad si Alaric gusto mo na agad ng kasunod,"

"Syempre para makarami tayo." Napatawa ako ng malakas kaya naman nagising si Alaric. Tumabi agad ako sa baby namin at binuhat siya at pinatulog uli, pero dahil makulit ang ama niya ay hindi sya nakatulog dahil nilaro na naman siya ni Cody.

"Ang kulit, bahala ka dyan, patulugin mo uli 'yan ha." Bilin ko sakanya saka ako lumabas ng kwarto, magluluto na ako ng hapunan naming dalawa at maghuhugas ng mga bote ni Alaric, hindi ko naman maaasahan sa paghuhugas ng bote si Cody kaya mabuti pang alagaan na lang niya ang anak namin.

"Babe," habang naghuhugas ay narinig kong tinawag ako ni Cody, nilingon ko sya at kilik kilik niya si Alaric.

"Hmm?"

"Ahm, may pupu na sya, umaamoy na," natawa naman ako sa itsura niya.

"Linisin mo at palitan mo ng diaper,"

"Ha? Paano?"

Binitawan ko ang hawak kong bote sa hinarap siya, grabe ilang beses na niya akong nakitang pinapalitan ng diaper si Alaric pero hindi pa rin niya natututunan. Tiningnan ko siya na para syang alien na nag-invade sa loob ng bahay ko.

"Don't give me that look babe,"

I rolled my eyes, "E kasi naman ilang beses ko ng pinalitan ng diaper at nilinis si Alaric sa harap mo, pero di mo pa rin natututunan."

Twenty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon