"HAPPY BIRTHDAY!!" bati nila sa akin. Andito kami ngayon sa bahay. Si Nammi, Eddie at Crisanto, pati si Arnold at 'yung nililigawan niyang si Tricia.
Hindi naman marami ang inihanda namin ni Arnold, nagluto lang kami ng lumpiang shanghai, tapos barbeque, at malabon. Tapos nagdala lang ng inumin sina Eddie.
Okay naman kami sa ganito, kami-kami lang naman ang naririto.
"Si totoy, bilog na utot, luma-love life na e," pang-aasar nila kay Arnold.
"Hindi na ako totoy," natatawang sabi ng kapatid ko.
Kainan, kwentuhan at inuman lang kami. Minsan nagkakantahan din sila. Pero madalas nilang pagtripan ang kapatid ko.
Pinapanood ko lang silang nagkakasiyahan. Nang may marinig akong tao sa labas.
"Tao po. Tao po."
Lumabas ako at sinilip kung sino 'yung humihiyaw sa labas.
"Ariana." Tawag sa akin ni Cody.
Lumapit ako kaagad sa gate at binuksan iyon, "Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko, wala kasi siyang sinabing pupunta siya rito, ilang araw din kaming hindi nagkita at nagkausap.
"Ahm, mukhang may mga bisita ka."
"Ha? Ah, oo meron nga. Ano bang pakay mo at nagpunta ka pa rito."
"Ah, gusto ko lang sanang kamustahin ka, hindi ako nakapagpaalam sayo. Umalis kasi ako, trabaho, at hindi na kita na-contact."
"Ha? Ano ka ba, okay lang 'yun, alam ko namang busy kang tao."
Nakangiting tumango lang siya, "Ay, pasok ka. Tara sa loob."
"Hindi ba nakakahiya?"
"'Wag ka ng mahiya, mga kaibigan ko lang 'yung andito."
Pumasok kami sa loob ng bahay, bigla namang tumahimik 'yung mga taong maiingay kanina.
"Guys, si Cody nga pala." Pakilala ko.
"Sya ba 'yung nagpapangiti sayo Ate?" nakangising sabi ng kapatid ko, binatukan ko nga.
"Anong pinagsasabi mo dyan. Ahm, Cody ito 'yung kapatid ko, si Arnold si Tricia, si Nammi, si Eddie at si Crisanto ko, mga kaibigan ko."
"Hi," nakangiting bati ni Cody sa lahat.
"Upo ka pre," aya ni Eddie. Umupo naman siya sa tabi ni Eddie.
"Ano bang okasyon at nagkakasiyahan kayo?"
"Hindi mo ba alam? Birthday ngayon ni Ate."
Halatang nagulat si Cody, hindi ko naman kasi sinabi sakanya 'yung birthday ko.
"Ganun ba, hindi ko alam. Happy birthday, Ariana."
"Thank you,"
"Pasensya na wala akong regalo, hindi ko kasi alam."
"Nako, 'wag ka ng mag-abala, hindi ko naman kailangan ng regalo,"
Tumango-tango lang siya. "Uminom ka na lang pre, 'yun na lang regalo mo." Inabutan ni Crisanto si Cody ng isang basong alak. Inabot naman ni Cody 'yung baso at ininom.
"Maupo ka na Ate," hinila ako paupo ng kapatid ko sa tabi ni Cody.
Tiningnan ko ng masama iyong kapatid ko, nginisihan lang ako ng lintik.
Nakasundo naman nila si Cody, magaling din kasing makisama ang lalaki. Nakikipagbiruan na rin siya sa mga kaibigan ko. Hanggang sa umabot na kami ng gabi, patuloy pa rin silang nakakasiyahan.
BINABASA MO ANG
Twenty Two
RomansaAriana's Mom died in a car accident. She wants justice. But when she met this guy named Cody Smith, she forgot about finding justice for her mom. She fell in love with him, and he fell in love with her. But one day she found out something na ikinasi...
