Chapter Four

639 15 0
                                    

"NUOD TAYO ng basketball, finals na 'yun, pustahan tayo." Pangungulit ni Crisanto sa aming tatlo.

Sabay-sabay na lang kaming napabuntong hininga at pinagbigyan si Crisanto, adik kasi sa basketball 'tong lalaking 'to e. 'Yun kasi ang sports niya dati, pero tumigil siya nung nabroken hearted siya. Nanunuod na lang siya at hindi na naglaro pa.

Papasok na kami sa venue ng may pamilyar na tao na nahagip ang mata ko. Pinakatitigan ko ang lalaki at tama nga ang hinala ko, siya nga. Si Cody, may kasama na naman siyang babae, pero ibang babae, hindi iyong kasama niya sa coffee shop.

Babaero nga talaga. Tsk.

Sumunod na ako sa mga kaibigan ko sa loob ng venue ng basketball. Naupo ako sa tabi ni Eddie at nanood. Nagsimula na rin kasi.

Pero hindi ako mapakali kaya hinanap ng mga mata ko si Cody, pero hindi ko makita kung saan siya nakaupo, kaya hinayaan ko na lang at nag-focus sa panonoood ng laban.

Kung saan-saan ay patuloy kong nakikita si Cody, pero hindi ko siya nilalapitan. Minsan nagkakasalubong kami, pero hindi ko siya kinakausap. Nginingitian ko lang siya at lalagpasan.

Tapos sa twing hindi ko pa siya makikita nakakadama ako ng kakulangan sa araw ko, pero pag nakikita ko siya buong buo ang araw ko.

Natutuwa nga ang kapatid ko dahil nakikita niya akong nakangiti. Napagsabihan pa nga niya akong baliw dahil nakangiti ako sa kawalan.

Mukhang crush ko na talaga si Cody.


"ANO NA naman bang problema mo Crisanto?" narinig kong tanong ni Eddie kay Crisanto.

"May iba na sya," sagot ni Crisanto sabay inom ng alak.

"Gago ka ba? Di ba sabi na ngang mag-move on kana dun sa babaing 'yun? Wala ka ng mapapala sa kanya, iniwan ka niya, subukan mo ng magmahal uli ng iba." Pangangaral ni Eddie kay Crisanto.

Hindi ko na sila pinakialamanang dalawa, may bromance na naman kasi sila, moment nilang dalawa kaya hindi ko sisirain. Haha.

Lumayo ako sa kanilang dalawa, hinanap ko si Nammi at nakita ko siyang nagsasayaw sa dance floor ng bar. Pinili ko na lang lumabas ng bar. Nagpahangin ako. Parang hindi na ako gaanong sanay sa loob ng bar, ilang araw din kasi kaming hindi napunta sa bar.

"Hi," narinig kong nagsalita sa likod kaya nilingon ko kung sino iyon.

Bigla namang bumilis 'yng tibok ng puso ko ng makita ko kung sino 'yung lalaking nakatayo sa likod ko. Ngumiti siya sa akin, kaya nginitian ko rin siya.

"Hello," lumapit siya at tamabi sa akin.

"Kamusta ka na?" tanong niya sa akin.

"Okay naman, ikaw?" balik kong tanong.

"Hindi ako okay."

"Huh? Bakit naman?"

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko."

Doon ko napagtantong may problema siya, "Kung ano mang bumabagabag sayo, pwede mong sabihin sa akin."

"May nakababata akong kapatid na babae, masaya kami, kasama si Mom at Dad, pero isang araw bigla na lang silang nagdecide na dalin sa ibang bansa 'yung kapatid ko, inilayo nila rito 'yung kapatid ko. Wala akong maintindihan sa ginagawa nila. I asked them, bakit nila ginagawa iyon, para daw sa ikakabuti ng kapatid ko,"

Nakita kong tumulo 'yung luha niya, "Ayaw nila akong papuntahin sa lugar kung nasaan 'yung kapatid ko, itinatago nila sa akin 'yung kapatid ko. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko, nagrebelde ako, gustong-gusto kong makita ang kapatid ko, just like you. Ginawa ko ang mga bagay na hindi ko naman talaga ginagawa para lang mapansin nila at bigyan ng pagkakataon na makita ko 'yung kapatid ko." He sighs. "Six months ago, ang saya namin, after naming mag-enjoy sa pamamasyal kinabukasan hindi ko na siya nakita. Hindi ko malaman kung bakit nila ipinagkakait sa akin na makita ko ang kapatid ko."

Hindi ko alam kung paano siya iko-comfort kaya tinapik tapik ko na lang 'yung likod niya katulad ng ginagawa ko kay Eddie o Crisanto pag malungkot sila at umiiyak.

"Pero ngayon alam ko na kung bakit, ayaw nilang makita ko ang kapatid ko sa ganoong kondisyon,"

Naguluhan ako sa sinabi niya, "Anong kondisyon ng kapatid mo?"

Napatawa siya ng pagak, "Hindi ko lubos maisip na mawawalan ng katinuan ang kapatid ko, ang masiyahin, mapagmahal, maalaga kong kapatid." Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha niya, mukhang mahal na mahal nga niya ang kapatid niya.

"I'm sorry,"

Tumingin siya sa akin, "Ang sakit-sakit kasi hindi ko alam kung bakit naging ganoon 'yung kapatid ko, ayaw nilang sabihin sa akin, pinagkakaitan nila ako ng katotohanan, wala akong magawa para sa kapatid ko."

Hinawakan ko ang pisni niya at pinahid ang mga luhang tumutulo roon, "May mga bagay talaga pilit ipinapagkait sa atin, kahit anong pilit natin, siguro mas tama ngang wala na lang tayong alam kasi baka mas masakit pa pag nalaman natin ang katotohanan."

"Wala ka ng balak alamin ang totoong nangyari sa Mama mo?"

"Gustuhin ko man, pero inaalala ko ang kapatid ko, gusto na niyang magsimula kaming dalawa at kalimutan ang nakaraan, oo galit pa rin ako kay Papa, pero mahal ko rin ang kapatid ko."

"Sa tingin mo dapat ko na lang tanggapin ang nangyari sa kapatid ko?"

"Kaya mo bang tanggapin?"

Umiling siya bilang sagot, "Nasa saiyo na ang desisyon kung anong nais mong mangyari, pero ako naisip ko ng magbago. Ibalik ang dating ako, ayoko ng makitang malungkot ang kapatid ko, pareho nating mahal ang mga kapatid natin."

"Sa twing kausap kita, lumilinaw ang kaisipan ko,"

"So, dapat pala lagi mo akong kausap, para laging malinaw ang kaisipa mo." Biro ko sa kanya, masyado na kasing seryoso ang atmosphere namin.

Tumawa lang siya at niyakap ako, "Thank you," bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang gusto nang lumabas sa dibdib ko. Naririnig kaya niya ang bawat kabog ng dibdib ko?

AFTER THAT night, lagi na kaming magkatext ni Cody. Hindi ako fan ng text, pero dahil siya ang katext ko lagi na akong may load. Sa gabi tinatawagan niya ako at nag-uusap kami hanggang midnight.

Maraming nagbago mula ng makilala ko si Cody, maraming nagbago sa akin. Pansin na pansin rin ng kapatid ko iyon, at kita ko ang kasiyahan sa mukha niya.

Hindi na rin ako madalas lumabas ng bahay pag gabi, unti-unting bumabalik 'yung dating samahan naming magkapatid. Unti-unting bumabalik 'yung dati, ang pinagkaiba lang ay kaming dalawa na lang ngayon ng kapatid ko.

"Ate, kailan mo ba ipapakilala sakin 'yang nagpapangiti sayo," nanunuksong sabi ng kapatid, nanananghalian kami ngayon.

"Ano bang sinasabi mo,"

"Ate, halata ka naman masyado e,"

"Kaibigan ko lang siya Arnold,"

"Pero may gusto ka sakanya? 'Wag ka na magkaila Ate, huli na kita,"

"Sira ulo ka talaga," binatukan ko nga.

"Ate, kumakain tayo."

"Ay, sorry father Arnold," natatawang sabi ko.

Ang sarap sa pakiramdam na ganito na uli kami ng kapatid ko. Pero hindi ibig sabihin ng ganito na uli kaming magkapatid, ay titigil na ako sa paghahanap ng hustisya para kay Mama, sa ngayon uunahin ko muna ang kapatid ko.

"Ate, maaga ang alis ko bukas ha," pagpapaalam sa akin ng kapaid ko. May seminar kasi sila bukas.

"Oo, sige, mag-iingat ka dun a."

"Atenaman, seminar lang naman 'yun." Natatawang ginulo ko na lang ang buhok ngkapatid ko.

Twenty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon