LUMIPAS ang mga araw ay halos wala na akong mahiling pa, sobra ang pag-aalaga sa akin ni Cody at Arnold. Pag wala sila pareho sa bahay ay pinapapunta nila ang isa kila Nammi, Crisanto o Eddie sa bahay para samahan at alagaan ako. Minsan nga sinasabihan ko na silang OA e, buntis lang naman ako kaya ko pa rin namang kumilos.
Nang sabihin ko kila Eddie ang balitang buntis ako ay nagpuntahan agad sila sa bahay na may dala-dalang pagkain at ilang inumin, inumin para sa kanila dahil bawal na sa akin ang alak at tanging juice lang ang ininom ko sa munting salo-salo na inihanda nila.
Masasabi ko na ngang swerte ko sa kaibigan, kapatid, magulang, at pati sa kasintahan na ngayon ay asawa ko na. Sobrang pagmamahal at suporta ang ipinapakita at ibinibigay nila sa akin.
Ang tanging mahihiling ko na lang ay lumabas mula sa akin ang anak ko na healthy at hindi sakitin. Wala na kasi akong mahihiling para sa sarili ko.
Pero isang araw, nagbago ang lahat. Isang balita na binigyan hindi lang ako kundi lahat ng taong nakapaligid sa akin ng takot.
Ayon sa Doctor ay hindi okay ang pagbubuntis ko. Kaya kailangan ng sobrang pag-iingat dahil maaaring mawala ang baby sa sinapupunan ko.
Mas dumoble ang pag-iingat sa akin ni Cody at Arnold. Apat na buwan na ang ipinagbubuntis ko.
Mula ng malaman namin ang balitang iyon ay hindi na nag-aalis ng bahay si Cody, at ng maka-graduate naman si Arnold ay sa bahay na lang siya nag-review para sa Board Exam niya, para mabantayan nila akong dalawa.
Si Papa naman ay limang buwan pa sa Saudi bago makauwi rito sa amin. Siguro ay nakapanganak na ako noon o manganganak pa lang. Gusto ko sana ay narito na si Papa bago ako manganak.
Kaya todo ang bilin sa amin ni Papa, lalo na kay Cody, para maingatan ako at nag baby namin.
"Ate, saan ka pupunta?"
"Kukuha lang ako ng tubig," nakita kasi ako ni Arnold na palabas ng kwarto, wala si Cody ngayon dahil kailangan siya sa kumpanya nila.
"Ako na Ate ang kukuha,"
"OA niyo naman, kaya ko naman na, sa kusina lang naman ang punta ko."
"Kahit na Ate, sabi nga ng Doctor mo mag-ingat diba?"
"Maganda rin ang maglakad-lakad ako di ba? Para hindi ako mahirapan manganak. Bilin din ng Doctor 'yun. Ang lapit lang ng lalakarin ko, ayokong parati na lang nakahiga o nakaupo, baka maging tamad 'yung anak ko."
Napakamot na lang ng ulo ang kapatid ko at hinayaan na akong magpunta ng kusina pero nakabantay pa rin siya sa akin.
Ang iniingatan nila ay 'yung madulas o madapa ako, feeling kasi nila pag daw nangyari 'yung malalaglag agad 'yung baby. OA nila, pinagtatawanan ko na lang tuloy sila, pero ako rin naman ay natatakot na mangyari ang bagay na iyon.
Pero kailangan kong alisin ang takot na iyon para sa baby ko, bawal akong ma-stress dahil makakasama rin iyon sa akin at sa baby.
Kaya pinipilit kong hindi alalahanin na delikado ang pagbubuntis ko, iniisip ko na lang na ilang buwan na lang ay mahahawakan at mahahagkan ko na ang baby ko, mas binibigyan ako ng lakas ng ganoon pag-iisip.
"ATE napapadalas ata ang pag-alis ni Kuya Cody ng bahay," sabi sa akin ng kapatid ko habang nanunuod kami sa sala.
"May inaasikaso daw kasi sila ni Tito Arman sa kumpanyan nila."
"Ganun ba, Ate."
"Ikaw kamusta na pagre-review mo? Hindi ba kita naaabala?"
"Hindi Ate, sisiw lang sakin 'yung Board Exam na 'yun."

BINABASA MO ANG
Twenty Two
RomansaAriana's Mom died in a car accident. She wants justice. But when she met this guy named Cody Smith, she forgot about finding justice for her mom. She fell in love with him, and he fell in love with her. But one day she found out something na ikinasi...