NAGISING ako nang may maramdaman akong sakit. Dahan-dahan kong minulat 'yung mga mata ko. Isang gwapong mukha ang nabungaran ko pagmulat ko. Doon lang nag-sink in sa utak ko ang mga nangyari, kung bakit nakakadama ako ng sakit. Naisuko ko na nga pala.
Dahan-dahan akong bumangon para hindi ko siya magising. Isa-isa kong punulot ang mga gamit ko at pumasok sa banyo. Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Inabutan ko ang kapatid ko na naghahanda na sa pag-pasok.
Nang mapansin ako ng kapatid ko ang todo ngisi. "Kamusta Ate?"
Inirapan ko lang siya at dumiretso sa kusina. Nakakahiya sa kapatid ko, panigurado kung ano-ano na ang iniisip nun.
Madali lang kasing pumick-up si Arnold, katulad kagabi, nasakyan agad niya 'yung trip ni Eddie.
"Ate, kaaga-aga namumula ka." Natatawang sabi ni Arnold sa akin.
Hanggang sa kusina ay sinundan ako para asarin lang. "Manahimik ka nga Arnold,"
"Mag-kwento ka naman Ate, bigla na lang hindi kayo lumabas ng kwarto mo, nag-pasya na tuloy silang umuwi agad."
"Masyado na ring gabi nun, mabuti ng umuwi sila,"
"Anong ginawa niyo Ate? Halatang may gusto sayo 'yung lalaking 'yun."
"Aba't... pumasok ka na nga." Tumalikod ako sakanya at humarap sa lababo. Ayokong makita na naman ako ng kapatid ko na namumula, dahil aasarin lang niya ako lalo. Siguradong pulang-pula na ang mukha ko.
"Tsk. Malihim na ang Ate ko." Natatawang sabi ni Arnold, "Sige pasok na ako Ate," paalam niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala na si Arnold sa kusina. Umupo ako sa upuan at dumukdok sa mesa.
Paano ko haharapin si Cody ngayon? Hindi ko alam gagawin ko. Paano kung iwasan na niya ako dahil sa nangyari kagabi? Argh! Bahala na.
Tumayo ako sa upuan at naghanda ng pagkain para sa aming dalawa, kahit kinakabahan ako, papakiharapan ko pa rin siya. Act like nothing happened. Tama. Ganun nga.
Matapos kong maghanda ay bumalik na akong muli sa kwarto para gisingin siya.
Gising na siya at nakabihis ng pumasok ako sa kwarto. Lumingon siya sa akin, at dahan-dahan kong isinara ang pinto.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sobra-sobra naman ata ang kaba ko ngayon. Pinilit ko na lang ignorahin 'yung nadarama kong kaba.
"Buti gising kana, nakahanda na ang agahan." Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama, napatingin naman ako sa kama ko, at nakita ko roon ang bakas ng ginawa namin kagabi.
Lumapit siya sa akin, mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko. "B-bakit?"
"I love you,"
"H-ha?"
"I said, I love you,"
Totoo ba 'yung narinig ko o guni-guni ko lang? O baka naman binibiro niya ko.
Tumawa ako, "Nice joke,"
Kumunot 'yung noon niya, "I'm not joking."
Tumigil ako sa pagtawa dahil nakakatakot 'yung itsura niya. Napalunok ako, ang seryoso ng mukha niya. "K-kung sinasabi m-mo lang 'yan dahil s-sa nangyari kagabi, kalimutan mo n-na lang." bakit ba ganito ako magsalita. Aist.
"At ngayon sasabihin mong kalimutan ko na lang? Bakit? Sinagot mo na ba 'yung Eddie na 'yon? Boyfriend mo na ba siya?"
Nagulat ako sa mga pinagsasabi niya, at nakadama ako ng inis, "Ano bang sinasabi mo? Hindi ko boyfriend si Eddie. Sa tingin mo papayag akong may mangyari sa atin kung kami ni Eddie. Bakit ko ibibigay sayo ang bagay na mahalaga sa akin kung kami ni Eddie, malamang kay Eddie ko ibibigay 'yon."
BINABASA MO ANG
Twenty Two
RomantizmAriana's Mom died in a car accident. She wants justice. But when she met this guy named Cody Smith, she forgot about finding justice for her mom. She fell in love with him, and he fell in love with her. But one day she found out something na ikinasi...