Raymond POV
Pagkatapos naming ihatid si Bea, umuwi na rin si Ron. Medyo hassle sa traffic pero okay lang din naman. Umuwi na din ako at hindi na tumambay sa kung saan. Minabuti ko na din muna ang magpahinga, pagkapasok ko sa bahay nakita ko si mommy mukhang may niluluto, napatingin ako sa relo ko maaga pa at quarter to 7 palang.
"Mommy!"sigaw ko at nakita ko si mommy sa kusina, may niluluto nga
"Oh, Mik nandyan ka na pala. Ang aga mong umuwi ah?" sabi n'ya at lumapit ako sa kanya
"How's your 1st day school, okay naman ba? Tandaan mo mik college ka na, you're not high school anymore. Kaya umayos kana, baka mamaya lagi kang wala sa school at puro pag babarkada ang inaatupag mo. Ipapahiya mo kami nyan ng daddy mo" sermon n'ya sakin at napabuntong-hininga nalang ako sa mga sinabi n'ya
"Hindi na po, ma. Nagsisimula na ulit ako. This time, I'll make you and daddy proud."
"Promise?" tanong n'ya sakin habang nilalagay yung pagkain sa dinning table
"Promise, ma!"
"Just don't make a promise if you know you can't make it." biglang dumating si daddy, natahimik na lang ako habang napatingin sakin si mommy sa sinabi ni daddy
"Mik, magpalit ka na ng uniform mo. Tawagin mo na rin si kat, kakain na tayo" utos ni mommy sakin at nag nod nalang ako at umakyat sa taas
Hanggang ngayon wala pa rin silang tiwala sa akin after what I did nung high school ako, medyo na disappoint ko talaga sila ng sobra. Pero I'll make sure this time! Magiging proud na talaga sila. Tinawag ko muna si kat sa kwarto n'ya bago ako dumiretso sa kwarto ko
"Kat! Tinatawag ka na nila mommy, kakain na daw." nag nod lang s'ya sakin
"And please, pakihinaan yang sounds mo. Sobrang lakas, hindi ka ba nabibingi n'yan?" sigaw ko at pinatay n'ya yung speaker
"Kuya what's your paki ba? ha Mind your own business"sabi nya
"Oo na, hilig mo talagang makialam!" sagot n'ya sakin
"Aba! Kailan ka pa natutong sumagot-sagot ng ganyan po?" tanong ko sa kanya, dumadagdag pa s'ya sa problema ngayon. Umalis s'ya ng kwarto at hindi ako pinansin
"Sorry, kuya. Badtrip lang. 'wag mo ng tanungin kung bakit..." sabi n'ya at bumaba na, hinayaan ko nalang s'ya mukhang malungkot yung mukha eh. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit
Kathrina POV
Katrina Camino Abracosa, 15, third-year high school in Colegio San Agustin, Makati.
Sobrang hirap yung lagi ka nalang mali, laging magulo, etc. Mapa-bahay man or school tapos social media. Kaliwa't-kanan ang titingin sa'yo mula palang sa entrance ng school hanggang sa makarating ka ng room. Yung feeling na kabubukas mo palang ng social media accounts mo, ikaw na agad puntirya nila sa mga status nila.
"What's the problem baby girl?" bungad ni mommy sa akin habang kumakain kami
"Nothing, ma.." huminga ako ng malalim at kumuha ng pagkain
Nawawalan na ako ng gana, parang ayoko na ng lahat. Halos wala din namang sense kapag sinabi ko sa kanila ang tunay na problema, isa pa mag-aalala sila or maybe sasabihin nila na baka meron talaga akong ginagawang kalokohan sa school. Minabuti ko nalang na sarilihin ang mga trials and struggles na pinagdadaanan ko.
"By the way, katrina. Kumusta yung pagiging Supreme Student Government president mo? I heard na nominate ka?" tanong sakin ni dad na lalong nagpasakit ng ulo ko, napatingin sakin si kuya mik at alam n'ya ang ibig sabihin ng mga tingin ko sa kanila, huminga ako ng malalim bago ko sagutin ang tanong ni dad
BINABASA MO ANG
You change my life (Abra And Janica Fan Fiction) COMPLETE ✔
Teen FictionShe just came from broken heart. He is a secretive person. They changed themselves for each other. But would you still love him and give him a chance even he broke your heart over and over again? • First story ko po ito, inedit ko s'ya at natapos ng...