Raymond POV
This time, iba na talaga, wala na akong pakialam kung obvious na lahat ng ginagawa ko para kay janica. Lahat ng tao sa school napapagkamalan na kaming magboyfriend & girlfriend. Medyo naaasar si janica pero snob lang n'ya. Minsan meron pang isang babae na minata mata s'ya kasi daw since high school gusto na ako pero bumagsak daw ako sa 7 months palang na babaeng nakikilala ko. Well, wala rin akong pakialam. Basta ngayon, I won't deny this, I love her. If I need to change everything just for her I will do since he already changed my life.
Magkasama kami ni Imee ngayon para puntahan si janica, naging routine na rin namin na pagpapasok si janica, sabay sabay na kaming tatlo. Pati ako nahawahan na nila sa pagiging madaldal.
"Hi imee, Good morning, Abra" bati ni janica sabay wave sakin
"Good morning din janica ano! tara na" sabi ko tapos nag lakad na kami papunta ng school, ayaw kasi ni imee gumamit ng kotse mabuti na daw yung maglakad kami kasi hindi s'ya nakakapag-exercise at ganito naman ang laging gusto ni janica kaya wala akong nagawa
"Imee, yung sinabi ko sayo nung kagabi ha!" sabi ni janica at napatingin sa akin si imee kaya napaiwas ako
"Ilang days mo na ba yang sinasabi sa akin? Grabe ha. Sabihin mo lang kung nadududa kang magtiwala sa akin" sabi ni imee
"Hindi naman, ang daldal mo kasi!" sabi ni janica
"But of course! Pero don't worry wala akong sinasabihan" sabi ni imee at natatawa s'ya
"Ano? yung janica imee?" tanung ko para kunwari hindi ko din alam
"Secret" sabay nila sabi tapos nilakihan ako ng mata ni imee at ngumiti
"Daya n'yo" sabi ko sabay akbay kay janica
"Ikaw madaya! hindi mo sinasabi sa akin kung sino yung girl!" sabi nya tapos kurot sa pisngi ko, kung alam mo lang ikaw ang crush ko, ay mali mahal pala
"Sige lang, inggitin n'yo pa ako. Tanggap ko namang third wheel lang ako lagi" biro ni imee ng makalabas na kami ng village
"Imee sino ba ang boyfriend mo?" tanung ni janica
"Wala nga sya dito eh, nasa states next year daw pupunta sya dito, pero ang tagal pa" sabi nya
"Isipin mo nalang malapit na" sabay namin sabi ni janica
Nandito na kami sa school, diretso kami kung nasaan sila bea, lagi naman. Isa na rin to sa mga naging routine namin
"Oy, imee bili muna kayo ni janica dun oh! May sasabihin lang ako sa kanila" Bulong ko kay imee
"Sige, yan ba yung plano sabihin mo nalang sakin mamaya" bulong nya, sabay hatak kay janica sa labas ng canteen, tapos pumunta ako sa kanila
"Mga pre! mga girls, yung may balita ako" sigaw ko sabay upo sa kalapit ni apekz
"Ano yun?" sabay sabay nilang tanung
"Yung plan A na pinagawa ko kay imee tapos na!" sabi ko
"Talaga, yess so anung result?" tanung nung mga nila bea, ann, donna, posh, nikki at miyuki, tapos nilabas ko yung cellphone ni imee tapos pinakita ko sa kanila
"Omg! I can't believed!" sigaw ni nikki
"Teka patingin nga" sabi ni loonie sabay tingin
"No doubts, matagal ko ng halata to" sagot ni josef
"Mahirap palang mahalin si janica, kaya mo ba pre?" tanong ni apekz at nag nod lang ako
"Talaga? Seryoso ka? Eh dati hindi ka naman talaga nag eeffort ng ganito sa babae ah" sabi ni rjay katabi yung girl n'ya ngayon si shimizu ata to
BINABASA MO ANG
You change my life (Abra And Janica Fan Fiction) COMPLETE ✔
Novela JuvenilShe just came from broken heart. He is a secretive person. They changed themselves for each other. But would you still love him and give him a chance even he broke your heart over and over again? • First story ko po ito, inedit ko s'ya at natapos ng...