Chapter 54

146 8 4
                                    

Raymond POV

Hindi na ako sumama sa kanila kagabi, nag group messages kasi si imee na meron daw movie marathon kila janica at lahat sila pupunta. Pero di na ako nagtangkang sumama kasi alam kong hindi na ako papatuluyin nila tita dina sa bahay nila. Habang pinapaandar ko yung kotse, biglang nag text si jhoza.

"Raymond, I'm sorry. I hope mapatawad mo ako for everything I've done. I will fix everything. Good morning by the way." text nya, hindi ko na sya nireplyan

Nagpatuloy ako sa pag drive at dito sa street ako nila janica dumaan tapos di ko na sya naabutan wala na siguro sya dito kasi naka-lock na yung gate nila tapos parang walang tao sa loob bumalik nalang ako sa kotse ko tapos nag drive na ulit. 

Napadaan ako sa QC circle, dito kami unang nagkakilala ni janica. Meron kasing isang event na nangyayari, minabuti kong tingnan. Nakita ko yung isang lalaki may hawak na banner at flowers nakalagay sa banner nya,  "Will you be my girlfriend, again."  tiningnan ko lang sila sa dami ng tao at sa ganda ng effort ng lalaki, hindi sya nag failed at sinagot din agad sya ng 'yes' nung babae. 

Naalala ko lahat ng pangyayari samin ni janica, yung unang beses ko sya makilala, brokenhearted pa sya noon, yung mga day na nagplano ako kung paano magtatapat sa kanya, yung mga time na sobrang busy ako dahil sa gagawin kong proposal sa kanya, yung mga day na nag-aaway kami sa simpleng bagay na para kamig aso't pusa. At hindi na alis sa isip ko yung araw na, nawala lahat ng masasayang alala namin dahil sa isang pangyayari at sa isang pagkakamali ko.

"I miss you janica" bulong ko sa sarili ko, nakita ko si Enrique

"Abracosa!" sigaw nya sakin 

"Ano?" tanong ko tapos lumapit sya sakin

"Kumusta? hay! Ano? Masakit diba masakit mawalan ng minamahal? Ganyang ganyan din ang naramdaman ko noong iniwan ako ni janica."sabi nya sakin

"Bakit san ka ba nakakita ng masayang break up?"pambabara ko sa kanya

"Wag mo akong hamunin abracosa dahil hindi mo ako kilala at kung gusto mong mapalapit ng maagap kay janica hindi sa ganitong mapaparaan sa tingin mo ba matutulungan ka ni jhoza ng mabilis ngayong pinaalis mo sya sa paaralan na tanging yun lang ang dapat na paaran para mapabilis ang pag ayos ng problema nyo? Hindi mo alam kung anong mabilis na pamamaraan eh. Ganyan ka ba, diba matalino ka? Dapat alam mo ang bawat solusyon sa mga maling ginagawa mo."sabi nya tapos umalis na

"At sa tanong mo, kung saan ako nakakita ng masayang break up? Nung hiniwalayan ako ni janica, nung una masakit pero masaya ako kasi masaya na sya sayo nung nalaman ko na pinapasaya mo sya. Tska depende yun sa tao eh, kung bibitaw na ba sila sa lubid na pinanghahawakan nila, nasa desisyon yan ng bawat magka-relasyon." dagdag pa n'ya at tuluyan ng umalis

Tama nga sya dapat pala hindi ko na pinaalis si jhoza dito sa school pero yun ang kagustuhan ni janica wala akong magagawa.

Donna POV

Badtrip kung kelan naman ang dami dami kong ginagawa saka naman sumisingit itong exam namin.

"Miss bartolome please proceed to the faculty room" Isa pa yun hirap maging secretary ng ssgo.

Wala akong magagawa edi pumunta. Hays ang dami kong gawa ngayon ang dami kong dapat isulat na attendance.

"Posh, ah pwedeng pakidala nito sa prime AB section?"sabi ko kay posh tapos binibigay ko sa kanya yung isang papers sa kanya tapos wala tingnan nya 

"Oy posh!" sigaw ko sa kanya

"Sorry dons ah. I need a lot of things to do. Bye" sabi nya at iniwan ako, nakita ko namang dumaan sya sa section na tinutukoy ko pero wala dedma lang nya ako kanina. Badtrip eh

You change my life (Abra And Janica Fan Fiction) COMPLETE ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon