Chapter 25

288 3 0
                                    

Raymond POV

"Good morning, dad" bati ko sa kanya habang busy s'ya sa cellphone n'ya 

"Mommy! Good morning!" sigaw ko ng makita ko si mommy sa kusina nagluluto

"Raymond! Ikaw umagang umaga ang ingay ingay mo" sabi sa akin ni mommy tapos umupo ako sa may may dinning room

"Mom, ganyan talaga yan, nalaman ko kahapon kay ate imee yung ----" 'di na tuloy ni katrina yung sasabihin nya kasi inunahan ko syang magsumbong

"Alam mo ba mom dad, si kat ma---" 'di ko din naituloy yung sasabihin ko kasing tinakpan ni katrina yung bibig ko

"Hmp!" 

"No-nothing ma, kasi si kuya.. Ah! Remember, Ate Janica. The new girl of his life? You should know this mom. Magtatapat na si kuya sa kanya and he hire us para mag-organize nung event!" sabi ni kat at sinamaan ko s'ya ng tingin, hindi ko nga sinasabi tinuloy pa rin

"I already notice it. Sa social media, sa school and mostly sa ina-acting ng kuya mo. I also heard kagabi, busy sa kakatelebabad sa kabarkada.." sabi ni mom at nanlaki yung mata ko, parang tinamaan ako ng hiya kahit mga magulang ko sila, kahit hindi si janica ang unang babaeng naipakilala ko pero nahiya ako bigla

"Katrina bitawan mo na nga yang kapatid mamaya mamatay pa yan 'di pa sinasagot ni janica" binitawan ako ni kat at lumipat ako ng upo sa sobrang inis sa kanya

"Pinagkakaisahan n'yo na naman ako eh" sabi ko 

"Just to make sure raymond na hindi yan makaka-apekto sa school and studies mo.." sabi ni dad at tiningnan kami ni mommy

"Most especially sa family business" dagdag pa n'ya at biglang nag init yung ulo ko, family business always 

"I support you naman and if you need anything for your proposal I'm always here" sabi ni dad at sumama tingin ni mom, this is my favorite side of my dad

"Nagyayabang na naman ang daddy mo. Wala kasi kaming masyadong ganyan noon. No surprises, no efforts.."  pagpaparinig ni mommy habang kumuha ng pagkain

"Really mom? Well, mahal n'yo naman na ata kasi ang isa't isa so no need talaga for that. Except kay kuya kaya kailangan mag-effort kasi hindi sure" pang-aasar sa akin ni kat at binato ko ng isang butil ng kanin

"Raymond!" suway sa akin ni mommy 

"Kailangan ba talaga effort na effort eh mukhang simple lang si Janica" sabi ni mom, nahihiya na ako sa usapang ganito

"Diba her dad is Dina Buhain?" tanong ni dad and I nod habang kumakain

"Nako, pag ikaw hindi sinagot ni janica ewan ko nalang" sabi naman ni mommy

"What if invite mo si janica at ang family nya mamaya? Let us have a dinner with them para makilala namin yung mommy at daddy nya and I heard na business woman daw yung mommy ni janica?" sabi ni mommy 

"Oh! Yes! That's nice and I will call ate Imee. Isasama namin si ate janica then pag-usapan n'yo yung plan n'yo later kasama sila mom and dad. Diba? Para kasabwat na lahat!" sabi ni kat at napatingin ako sa kanya

"That's great. Sige! I'll try baka kasi busy yung mama at papa ni janica pero tatanongin ko sya mamaya" sabi ko

"And mom, they are all in business. Hindi lang mom n'ya" dagdag ko pa

"Well then that's really nice." sabi ni dad at ngumiti sa akin, I hope maging magkasundo sila

After kong kumain, nagpaalam na rin ako at umalis. Wala na si imee dito sa bahay, may sarili na s'yang condo unit. I'm on my way kila janica. I already told her na palagi ko na s'yang susunduin papuntang school at kahit saang lakad namin. Iniisip ko pa rin yung gagawin ko, paano kung hindi magustuhan ni Janica? Paano kung hindi n'ya ako mahal? Pero hindi yan, pipilitin ko pa rin. Kakaisip ko don hindi ko napamalayang nalampasan ko pala si janica, naglalakad na pala s'ya buti  nalang hindi pa nakakalayo

You change my life (Abra And Janica Fan Fiction) COMPLETE ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon