Raymond POV
Habang nagle-lesson kami panay ang text ko, tinext ko si Loonie para ayusin yung pupuntahan namin ni janica-- ng barkada mamaya. Oo kasama sila, para di mailang si janica.
Patuloy lang ako sa pagpindot sa cellphone ko, hindi ko talagang magawang makinig.
"Pre, hindi namin ma-track yung location ng venue. Saan ba kasi to?" - loonie
"Diba, sinend ko na sayo sa messenger yung screenshot ng location?"
"Oo nga kaso hindi ko alam to" - loonie
"Tanungin mo si Apekz, alam n'ya yan napuntahan na namin yan"
Naibagsak ko sa arm chair ko yung cellphone ko. Akala ko kasi alam na nila loonie yung location. Hindi pa rin pala. Medyo na pressure ako. Hindi pwedeng mapurnada yung plano. Sayang eh.
"Mr. Abracosa, stand up"
"Mr. Abracosa, I said stand up!" Nagulat ako nung biglang sumigaw sila ma'am at nakaturo yung stick sakin. Napatayo ako kaagad at biglang nahulog yung phone ko. Pero hindi ko na makuha kasi hindi maalis yung masamang tingin sakin ni ma'am
"What are you doing? I guess meron kang sariling mundo ngayon" galit na sabi sa akin ni ma'am at lumapit s'ya
"Ah.. Ma'am.. No po. Medyo puyat lang po talaga.." mahinang sagot ko
"I don't care kung puyat ka! And it's not my fault kung napuyat ka! You're on school, nag desisyon kang pumasok sa school at sa subject ko. So you must be give your whole attention to my subject if you want to learn. And if you don't want, the door is open. You can go out!" galit na galit na sigaw sa akin ni Ma'am at halos pagtinginan na ako ng lahat
"Give me your phone" sabi ni ma'am at kinuha ko sa sahig yung cellphone ko at binigay kay ma'am
"And now, kung nakikinig ka talaga. Who invented the standard incandescent bulb?" tanong ni ma'am at napakamot ako sa ulo ng tanungin n'ya ako. Napatingin ako kay janica at mayroon s'yang itinaas na papel
"Thomas Edison" sagot ko kay ma'am ng mabasa ko yung papel na tinaas ni janica
"Okay, sit down." sabi ni ma'am at nakahinga ako ng maluwag
"Next time, be sure na habang may sarili kayong mundo nakikinig rin kayo sa mga tinuturo ko. Para kapag tinanong kayo may isasagot kayo..." sabi ni ma'am at lumapit kay janica at kinuha yung papel na itinaas kanina at pinunit yun
"Hindi yung naghahanap kayo ng sagot sa classmate n'yo." halatang nagulat si janica nung kinuha ni ma'am yung papel
"Sorry, ma'am. It won't happened again" apologize ni janica
"But of course! Why may balak ka pang ulitin, Ms. Buhain?" tanong ni ma'am kay janica at umiling lang s'ya
Lahat tahimik sa buong lesson at hanggang sa mga sumunod pa na subject. Kahit ako binalot ng takot. Hindi sa teacher kundi dahil don sa cellphone ko. Baka hindi na ibalik ni ma'am lalong masisira yung plano
KRRRRIIIINNNGGGG
"Okay class see you sa ating Educational trip"
"Prof. kasama ka?" tanong nung kaklase namin
"Yup! Bakit ayaw n'yo kong kasama?" tanong ni sir at natawa naman kami. Puro terrors ang kasamang profs.
Habang hinihintay ko si janica dito sa labas kasi may ginagawa pa sya sa loob, pinuntahan ko muna si loonie kasama si apekz at nikki
"Pre!" sigaw ko tapos tumakbo ako papunta sa kanila
"Kanina ka pa namin tinatawag at tinetext. Ba't ngayon ka lang?" tanong ni loonie

BINABASA MO ANG
You change my life (Abra And Janica Fan Fiction) COMPLETE ✔
Fiksi RemajaShe just came from broken heart. He is a secretive person. They changed themselves for each other. But would you still love him and give him a chance even he broke your heart over and over again? • First story ko po ito, inedit ko s'ya at natapos ng...