Janica POV
After few days passed. Sobrang dami na agad ang nangyari. Dumating na si nikki galing korea, mas nadagdagan yung mga kaibigan ko sa school dahil kay Abra at sa magugulo n'yang kaibigan, si Bea at Ron ang bilis, can you imagine sila na agad kahapon lang? Pero okay na din, good for her kasi I could see na masaya s'ya at bagay sila ni ron, naka-move on na rin pati s'ya and I'm happy for her. Sana ako din, kaya ko na ulit maging masaya. Medyo nagiging maayos na ang lahat, okay na din ako. Pero hindi ko padin syempre naiiwasan yung maisip ulit s'ya masakit pero tanggap ko na.
Andito ako sa terrace ng kwarto ko, nakahiga sa duyan at nakatingin sa kalangitan. Biglang may pumasok sa loob ng kwarto ko akala ko si mama
"Abra? Anong ginagawa mo dito?" nagugulumihan kong tanong at napaupo ako
"Nothing, gusto lang kitang makita" sabi n'ya at umupo sa tabi ko nakatingin lang s'ya sa akin at medyo iniwas ko yung tingin ko
"Okay ka na ba?" bungad n'ya at humiga sa kalapit ko, nag nod lang ako bilang sagot
"Buti naman, I miss your angelic face" sabi n'ya at ngumiti, kahit anong anggulo n'ya hindi ko maiipagkaila na gwapo talaga tong si Abra, kahit sinong babae sa posisyon ko ngayon kikiligin sa mga ngiti palang n'ya
"Namiss mo ako agad? Teka nga lang, what's brought you here ba?" tanong ko sa kanya at humiga din sa kalapit n'ya buti nalang kasya kami, inayos n'ya yung braso n'ya umayos ako ng higa halos mapayakap na ako sa kanya
"Just like what I said, Nothing, I just miss you, janica" sabi n'ya nakatitig lang s'ya sa akin na parang may gustong sabihin. Nabalot ng katahimikan ang buong paligid, nakatingin lang s'ya sa akin
"I don't know if you will believe, pero janica. I can't take this anymore.." sabi n'ya at napamulat ako sa pahayag n'ya, nakita ko ang pagiging serious n'ya this time
"What do you mean?"
"Nung una palang, alam kong magiging iba ang pakikitungo ko sa'yo. Hindi ako nagkamali at sobrang bilis, pinipilit kong pigilan yung nararamdaman ko pero hindi eh. Ikaw at ikaw pa din ang tinutulak. I asked myself kung ano ba talaga tong nararamdaman ko at hindi nagkamali ang nararamdaman ko.." sabi n'ya at tumayo s'ya sa pagkakahiga namin at napaupo kami bigla, hiniwakan n'ya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan akong mabuti
"Janica, I know it's very fast pero ayokong maagaw ka sa akin ng iba. I will prove to you na kaya kong alisin ang sakit na naramdaman mo noon at kaya ko ding gawin ng mas higit pa na pinakita sa'yo ni daniel. If you would given me a chance janica.." bumagsak ang mga luha ko sa sinabi n'ya
Hindi to pwede inalis ko ang mga kamay n'ya sa pagkakahawak sa pisngi ko at umiwas ng tingin. Aalis na sana ako ng bigla s'yang magsalita
"Janica, I love you." diretso n'ya sabi at lumapit s'ya sakin
"Please, give ma a chance." muli n'yang hinawakan ang pisngi ko at tinitigan ako ng mabuti
Bumilis ang tibok ng puso ng bigla n'ya akong halikan. Hindi ko namalayan na nagdikit na ang aming mga labi. Naramdam ko ang mga luha na bumagsak sa kanya mga mata. Napapikit na lamang ako. Ba't ganito? Masakit pa rin sa akin ang nakaraan, marami pa akong iniisip pero ba't ganito agad? Dumagdag pa itong si Abra na mas lalong nagpagulo ng aking isipan. Ayokong isipin ng marami na ganon ako kabilis para magmahal ng iba. Pero sa mga sinabi ni Abra, hindi ko maiwasang maguluhan. Hindi s'ya mahirap mahalin. Pero hindi pa ako handa, sariwa pa ang sakit mula sa nakaraan.
"Janica.." kumalas ako sa pagkakahalik sa kanya at niyakap s'ya
"Hindi ka mahirap mahalin, Abra. Pero hindi pa ako handa" tugon ko at narinig ko ang hikbi n'ya
BINABASA MO ANG
You change my life (Abra And Janica Fan Fiction) COMPLETE ✔
Roman pour AdolescentsShe just came from broken heart. He is a secretive person. They changed themselves for each other. But would you still love him and give him a chance even he broke your heart over and over again? • First story ko po ito, inedit ko s'ya at natapos ng...