Raymond POV
After over a week of preparation heto na! Kagabi pa ako binalot ng kaba. Halos buong gabi kong tinitigan ang picture ni Janica, no doubts! Mahal ko talaga s'ya. Walang biglaan dito kasi since day 1 kahit hindi ko agad inamin dahil pinilit kong pigilan kahit obvious na obvious na ang feelings ko sa kanya. I'm hoping that the feelings are mutual. Wala ng ligaw ligaw, dahil naipakita ko na sa kanya noon ang care, value and love ko. Tapatan na agad!
"Kuya! May bisita ka!" napatayo ako sa kama ng marinig ko si kat. Maya maya pumasok sa kwarto ko sila Loonie, Bea, Miyuki, shehyee, Josef at Apekz
"Abraa! This is the day!" sigaw ni bea nagtutulog tulugan ako
"Gising yan. Niloloko lang tayo" sabi ni loonie
"Bangon na pre!" sigaw ni shehyee
"Bilis na heto na yung damit mo! Kami, getting ready na ikaw nalang ang hindi!" sabi ni josef
"Para namang kasal yung pupuntahan natin. Grabe!" sabi ni apekz at narinig kong hinila yung upuan papalapit
"Oo nga, look ang mga girls ang gaganda ng dress at cocktails, tayo naka-tuxedo. At pambihira ang venue! Mahihiya si Goldie Hawn at Kurt Russell sa ganito ka-effort. Magtatapat lang yan ha at magtatanong pero grabe pre!" sabi ni loonie at hinampas ako ng unan pero nagtulog-tulugan pa rin ako
"Baka nga makipag-balikan pa si Brad Pitt kay Angelina Jolie dahil mapapanood lang yung ganito" sabi ni Bea
"Napasagot nga namin ang mga mahal namin ng walang gani-ganito" sabi ni ron na biglang dating sabay halik sa pisngi ni bea
"Bangon na kasi raymond!" sigaw ni bea
"Okay na! papunta na daw si janica dito" sigaw ni miyuki habang hawak yung cellphone nya at malapit sa may pinto. Dali dali akong tumayo at kinuha yung damit ko kay apekz at dumiretso sa banyo
Miyuki POV
"Ano ka raymond abracosa ngayon. Pinaplano plano mo ito tapos tatanghaliin ka nako!" sabi ni shehyee
Natawa lang naman kasi kami sinigaw ko lang na kunwari papunta dito si janica tapos bigla syang tumakbo ng c.r, ayaw kasing bumangon eh. Well this is the day! okay na lahat kailangan nalang naming mag-ready.
"Madami na daw tayo sa crowne plaza" sabi ni apekz
"Sinong may sabi?" tanong ni josef habang pababa kami ng bahay ni raymond
"Si nikki, nandun na sila" sabi ni apekz
"Basta ako I'm ready na. Sila jhoza kasama na si janica sa salon" sabi ni bea bihis na kaming lahat
"Anong alam ni janica?" tanong ko
"Ang alam nya debut nung kapatid ni Ann, pero sa totoo lang hindi syempre di nya dapat malaman na tapatan na ito, actually 17 nga lang yun eh" sabi ni shehyee
"Ayiee! Excited na ako" sabi ko
"Oh? ano abra, tara na" sigaw ni loonie tapos bumaba na si raymond, tinitigan namin ni bea ang mga boys at napangiti naman ako sa sobrang gwapo nila, para talagang kasalan yung pupuntahan namin kahit tapatan lang
Janica POV
Meron akong kakaibang nararamdaman ngayon araw na ito parang kaba na excited, ang weird pero anyways nandito kami ngayon sa David Salon kasama ko sila Jhoza, donna, ann at posh. Sabi nila debut daw nung kapatid ni ann. Kaya ito kami pero bakit kelangan magpa-salon salon pa ng ganito? nako!
"Girls, nandito na yung dress natin. Yehey" sigaw ni posh tapos palakpak ng konti
Merong nag-deliver ng mga cocktail dress dito? Hindi ko alam kung bakit may pa-dresses pa eh sabi debut lang naman at kami parang saling-kitkit lang sa event.
BINABASA MO ANG
You change my life (Abra And Janica Fan Fiction) COMPLETE ✔
Teen FictionShe just came from broken heart. He is a secretive person. They changed themselves for each other. But would you still love him and give him a chance even he broke your heart over and over again? • First story ko po ito, inedit ko s'ya at natapos ng...