Chapter 49

164 7 0
                                    

Janica POV

Shiz. He never stop calling and texting me. Makapag palit nalang ng number! para tiglan na ako ni Ej. Pero ngayon ito nandito na kami ni abra sa room! 

"Janica kanina pa tong unknown number na nag tetext sayo sino ba to?" tanung nya sakin sabay hablot ng cellphone ko

"Hindi ko nga kilala eh, kaya nga unknown number ang nakalagay. Ang kulit nga, magpapalit na ako ng postpaid ko mamaya." sabi ko sa kanya, nagpalit muna kami ng cellphone. Naglalaro s'ya ng games don sa cellphone ko habang ako nagseselfie dito sa iPhone nya

"Hey! Raymond yung pinag usapan natin kagabi. Sabi mo hindi mo ihahatid si janica at mag kikita tayo sa may S-bucks? Uhmp.. Remember, don't break your promise" biglang nagtext si jhoza sa cellphone nya, hindi ko pinahalata kay abra binasa ko yung text nya at nagulat ako. Ano to?

May communication pa rin sila? Wala akong kaalam-alam dito. Bakit ganon, ang sabi nya hindi na sya makikipagkita or ultimo makipag-communication sa babaeng ito. Pero ano to? bakit nagtetext pa rin si jhoza at ano, hindi ako ihahatid ni abra kasi magkikita sila. Jusko! ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Palihim-lihim pa sila, magkaalaman tayo ngayon. Dinelete ko yung conversation nila at pati na rin number ni jhoza. Binalik ko yung iphone ni abra sa kanya at binawi ko yung akin. Nawala na ako sa mood, parang umaakyat yung mga dugo ko simula sa paa hanggang ulo. 

"Good morning class!" biglang dumating si ma'am gonzales

"Good morning ma'am" bati naming lahat 

"We have new classmate"sabi nung classmate ko sa unahan

"Oo nga ang gwapo nya." sabi naman nung isa

"He's here" sabi nilang dalawa

"Gwapo na sobrang yaman pa! grabe." sabi nung isa bakla n'yang kalapit

"HE'S HERE!" sigaw nilang tatlo at isang lalaki ang pumasok sa classroom namin

"Ohh! Mr. Gil your late, tsk tsk! next time umagap ka na ng pasok ahh para hindi ka nauunahan ng teacher mo. Okay?"sabi ni maam

Nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko alam ang irereact ko. Si EJ nandito? at kaklase ko pa? Paano nangyari to? Bakit s'ya nandito? Sinusundan n'ya ba ako? Sunod-sunod ang mga tanong sa isip ko. Nanlaki talaga ang mata ko nung nakita ko sya at nakatingin pa sakin. Napayuko nalang ako at hindi pinakita na balisa sa pagdating nya.

"Ja, may ginawa ka ba sa cellphone ko?" tanong sakin bigla ni abra at umiling nalang ako

"Okay ka lang ba?" tanong ulit n'ya sakin at tumango nalang ako

"Sorry ma'am" sabi ni EJ kay ma'am gonzales

"Okay, sige but next time bawal ang late sakin ah. Introduce yourself first" sabi ni ma'am at pumunta sa unahan si EJ 

"Good morning, everyone. I'm Enrique John Gil, before sa CSB ako galing and I'm 17" sabi ni EJ at narinig ko yung ibang kaklase kong babae sa unahan na mga kinikilig

"Naks, he is so gwapo naman." sabi nung kaklase kong babae sa kalapit nya

"Oo nga ang hot pa!" sabi nung kalapit nya na halos matunaw na si EJ sa titig nya at ngumiti lang naman si EJ sa dalawang babae 

"Okay that's it. Maupo ka na Mr. Gil" sabi ni ma'am 

"Maam san po?" tanong nya

"Ahh wala ng iba, dun nalang sa kalapit ni Ms. Buhain" sabi ni ma'am. Hindi ko alam kung na nanadya ba sila o ano. Lumapit si EJ papalapit sakin at tumingin ako kay abra

"Okay lang yan." sabi n'ya sakin at sabay hawi sa bangs ko at ngumiti s'ya sakin

Hanggang sa matapos kami. Hindi ako masyadong nakapag concentrate kasi hindi ko alam ang gagawin.

"Janica tara na."sabi ni abra sakin tapos lumabas na kami. Papunta na sana kami sa canteen ng biglang may nag text sa cellphone nya

"Sino yan?"tanung ko

"Ahh wala tara na"sabi nya tapos tinabi na ulit yung cellphone nya dun sa pocket nya

Nakarating kami dito ng sobrang tahimik ko habang sila nag iingay

"Ja, ang KJ mo parang ngayon ka lang tumahimik"sabi ni bea sakin

"Ahh wala iniisip ko lang yung thesis namin. Okay lang ako" sabi ko

"Janica, may sakit ka ba kanina kapa ganyan ah."sabi ni abra sakin tapos hinawakan ako sa noo

"Okay lang ako, baka may nagtext na sayo tingnan mo!" sabi ko medyo napataas ang boses ko don at naging center of attraction ako ng barkada

"Nag-aaway ba kayo?" tanong ni ron samin

"Hoy, anong nangyayari? kaya ka ba tahimik, ja? kasi may problema kayong dalawa?" tanong ni miyuki. Umiling nalang ako bilang sagot sa kanila at kinuha yung bag ko palabas ng canteen

Ej POV

Sinadya kong dito mag transfer at naki-usap ako sa Dean na dito sa section na ito ilagay. Hindi naman ako nahirapan. Pagpasok ko palang ng room, halos pinagbubulungan ako at kitang-kita ko ang reaction ni 'nica ng pagpasok ko. Nakita ko rin na ang sama ng tingin sakin ng boyfriend n'ya pero okay lang. Hindi naman n'ya ako kilala eh.

"Ang gwapo nya!" sabi nung isang babaeng habang nandito ako sa may pinto

"oo nga may girlfriend na kaya sya?" sabi naman nung isang babaeng kasikbang nung isang babae 

"Sana wala!" sabi nung unang babae

Nandito ako sa field, naglalakad lakad. Wala ako sa mood kumain tuwing break time. Lagi kasi kaming nagbabasketball lang ng mga ka-group ko sa CSB. Oo, varsity ako ng dati kong school pero wala akong balak na sumali sa varsity dito. Mas loyal ako sa dati kong teammates.

Nakita kong lumabas ng canteen si janica, mukhang masama ang aura n'ya ngayon at nakasimangot sya. At isa pa hindi n'ya kasama yung boyfriend nya. Lalapitan ko na sana sya pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pa ito yung tamang oras. Sakto na ang plano ko, tinext ko si cheska para sabihin sa kanya ang ginawa ko ngayon

Author's Note:

Sorry, slow update! ABrANGAN ang next chapter! thankyou sa pag vote.

You change my life (Abra And Janica Fan Fiction) COMPLETE ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon