Chapter 11

340 4 0
                                    

Janica POV

Buti nalang maaga akong nagising. Umalis na sila mama kanina pang madaling araw dahil malayo ang biyahe nila ni papa. On the way na ako sa school, ni-lock ko na yung gate ng bahay namin. 

"Janica!" napatingin ako sa tumawag sa akin at saktong nai-lock ko na yung gate. 

"Abra! Ang aga mo ah?" bati ko sa kanya, naglakad s'ya ulit? Kita ko sa itsura n'ya ang pagkahingal 

"Ah.. Oo, dumaan ako dito para sunduin ka. Sabay na tayo" masigla n'yang sabi at naglakad kami palabas ng village

"Mukhang 'di ka sanay mag lakad ah" sabi ko kasi di pa kami masyadong nakakalayo sa bahay tapos parang pinagpapawisan na s'ya

"Ah, oo eh lagi kasi akong naka sasakyan ngayon lang ako mag lalakad eh" sabi nya sakin

"Baka mamaya magalit ka na pinaglalakad kita habang noon lagi mo akong hinahatid gamit yung sasakyan mo, wala akong sinabing sunduin mo ako at wala din akong sinabing mag lakad ka" sabi ko baka mamaya mag reklamo to' sakin

"Hindi ah, okay lang exercise din to diba?" sabi n'ya, natigil kami bigla ng mapahawak s'ya sa ulo n'ya

"Oh? Bakit, okay ka lang ba?" tanong ko at agad s'yang nilapitan

Raymond POV

Sumasakit yung ulo ko, may hang-over pa ako sa dami ng nainom namin kagabi. Bumili pa kasi ng dalawang case na beer sila ron tapos nag add pa ng apat na tequila sila loonie. Halos alas-tres na ng madaling araw kami natapos, sa bahay na rin nga sila nakatulog. Ginsing lang kami ng mga katulong namin nung mag aalas-otso na

"Wala, wala to" pagsisinungalin ko kay janica, pero ang totoo n'yang sobrang sakit talaga ng ulo ko. Lumapit s'ya sa akin, napaurong ako ng konti ng ilapit n'ya yung mukha n'ya sa akin

"Sabi na nga ba eh, naka-inom ka ano?" kunot-noo n'yang tanong 

"A-ah? Hindi, ko-konti lang naman" 

"Ba't kasi nag iinom ka? Tapos may pasok kinabukasan!" sermon n'ya sa akin at hinila ako papalapit dito sa may bench

"Kumain ka ba ng almusal?" tanong n'ya habang may hinahanap sa bag

"Actually.." napayuko ako at umiling

"Isa pa yan! Dapat kumakain ka tuwing umaga. Ang tigas ng ulo mo!" sigaw n'ya at umalis

"Teka, saan ka pupunta?" 

"Stay there, babalik ako agad" sabi n'ya at hinintay lang dito, pagbalik n'ya may dala na s'yang isang tubig at sandwich 

"Tara, bukas na pala don" sabi n'ya at hinila ako palabas ng village nila

"Okay lang ba sa'yo dito?" tanong n'ya sa akin habang papasok kami sa loob ng karinderya

"Anong gagawin natin dito?"

"Kakain sa malamang" sabi n'ya at umupo kami pareho

"Anong sa inyo, hijo at hija?" tanong nung tindera

"Isa pong topsilog at isang goto-lugaw" sabi ni janica

Hindi ako umiimik dito sa upuan namin at dinadamdam pa din itong sakit ng ulo ko, sobrang sakit talaga. Feeling ko binibiak yung ulo ko at hinihila yung mga litid ko sa magkabilang sintido. Lumipat si janica sa gilid ng lamesa at lumapit sa akin

"Lagyan mo muna ng vicks yang ulo mo" sabi n'ya at nilabas yung vicks sa bag n'ya

"Diba pang baby yan?" 

"Hindi ah, ginagamit ko to kapag medyo nahihilo ako. Akin na" sabi n'ya at tinanggal yung kamay ko sa noo

Nilagyan n'ya ng vicks yun noon ko at hinilot, parang nawala ng konti. Nakatingin lang ako sa kanya at nakangiti lang s'ya sakin. Para akong nasa langit kapag nakikita ko s'yang nakangiti. Gusto kong yakapin s'ya na parang kasintahan pero pinipigilan ko. Napaswerte ng magiging boyfriend n'ya or ng naging boyfriend n'ya. Kung ako, kaibigan lang turing n'ya sa akin ngayon, maswerte ako kasi napakamaalaga n'ya paano pa kaya kung ligawan ko na to at maging girlfriend ko? 

You change my life (Abra And Janica Fan Fiction) COMPLETE ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon