Janica POV
This is the day. Nag-ayos ako ng konti para sa muling pagkikita namin ni Abra, maayos naman ako. Sobrang saya kasi ramdam ko yung excitement, merong konting kaba pero ayos lang. Medyo masakit pa ring isipin na ako mismo yung tumataboy sa kanya noon dahil sa sobrang sakit na pangyayari pero ngayon ako tong nag-eeffort para sa kanya at para din humingi ng tawad.
Habang palabas ako ng bahay, nakakita ako ng isang sasakyan na parang pamilyar sakin ang itsura. Parang kotse nung sa papa ni Abra pero hindi ko matandaan. Hindi ko nalang muna pinansin at naglakad na ako palabas ng subdivision. Habang naglalakad ako tiningnan ko yung facebook account ko kasi binabaha na naman ako ng notifications. Binuksan ko ulit yung facebook na ginagawa ko, pang lalaki ang pangalan na ginamit ko para hindi halata. Bumungad sakin ang facebook status ni Abra
"It's time to say Good bye. It's time to restore and revival. The last chapter of my currently life has been end. Even if I don't want to do this but I have to do it for good. Good bye, PH. Until we see each other again next time." nakalagay sa status nya, nakapost sya about 10 mins. ago palang. Napahinto ako sa panibago nyang status.
"Travelling to New York City"
Hindi ko maintindihan, ano to? Baka naman napaaga lang ang April Fools ni Abra or baka naman nararamdaman nyang may pa-surprise akong gagawin kaya nya to pinopost. Naging positive pa rin ako at sumakay na ako ng taxi at dumiretso na sa school. Pagkadating ko nakita ko sila Bea kasama sila donna at shehyee at ann. Kompleto na sila dito kasama sila EJ at Arci.
"Guys, ano ready na?" tanong ko sa kanila habang mukhang excited na excited habang sila parang hindi maipinta ang mga mukha
"Anong problema?" tanong ko sa kanila at nagtinginan sila isa-isa
"Ja, sa tingin ko. Wag mo nalang ituloy to" sabi ni bea ng mahinahon sakin at umakbay sakin si donna
"She's right girl." dagdag ni donna at lumapit samin sila josef kasama si apekz at loonie
"Tumuloy sya, mukhang ito ang hindi natin dapat ituloy" sabi ni loonie
"Teka ano bang pinagsasabi nyo?" tanong ko ulit sa kanila kasi sobra na akong naguguluhan
"Janica, aalis na si raymond papuntang New York" sabi ni ann sakin at natigilan ako sa sinagot nya
"Ann, ano ba? Dahan-dahan" sabi ni miyuki kay ann
"Wag na natin tong pahabain. May oras pa naman tayo kung aabot sana" sabi ni ann at napaupo ako sa grand stand sa sinabi nya
"T..totoong a..aalis sya? Bakit naman, anong dahilan?" tanong ko sa kanila at hindi ko napigilan ang mga luha ko para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sakit na nararamdaman ko
"Akala nya kasi janica tayong dalawa na ulit." sagot ni ej sakin at lumapit sakin sila ni arci
"Muntik na ngang magpatayan yung dalawa ni 'qen kagabi. Hindi kasi sya naniniwala na kami. Akala nya habang kami ni 'qen eh palihim ka daw nyang dine-date." paliwanag pa ni arci
"Ano? At saan naman nya yun nakuha, saan nya yung narinig? Hindi yun totoo!" sigaw ko sa kanila habang tuloy parin ang pagbagsak ng luha ko
"Nakausap namin noon si Abra, sabi nya nakita ka daw nya kasama itong si enrique at niyakap ka pa daw nya at hinatid sa bahay mo." sabi ni shehyee
"Meron pa daw flowers na binigay sayo si Enrique kaya mas lalo syang naniwala na kayo na." sabi ni bea
"Ano? Yun ba yung nung isang gabi? Nag-usap lang kami non ni EJ, alam yan ni arci! at yung flowers peace offering lang nya yun kasi okay na kami. Diba?" paliwanag ko sa kanya habang pilit nila akong pinapakalma

BINABASA MO ANG
You change my life (Abra And Janica Fan Fiction) COMPLETE ✔
Teen FictionShe just came from broken heart. He is a secretive person. They changed themselves for each other. But would you still love him and give him a chance even he broke your heart over and over again? • First story ko po ito, inedit ko s'ya at natapos ng...