Janica POV
What a long day for me! Sobrang saya pero nakakapagod. Medyo masakit sa ulo ko yung mga ginawa naming group activity kanina at isa pa may article kaming kailangang tapusin at ipapasa na before weekend.Pagkapasok ko palang sa kwarto ko pagkatapos kumain, nakatulog na ako agad.
*Beep* *Beep*
Nagising ako sa vibrate ng cellphone ko, akala ko merong nag text. Alarm lang pala. Umaga na agad, parang hindi pa sakto yung tulog ko.
'Mama and Papa 20th Anniversary'
Oo nga pala anniversary nila kaya nag dali dali akong bumaba at nakita ko si mama sa kusina, ang daming niluluto
"Mama, good morning!"sabi ko sabay yakap mula sa likod
"Happy anniversary sa inyo ni papa!"
"Thank you, baby! Ito nag luto ako ng madami akitin mo yung mga friends mo dito sa bahay, may konting celebration tayo" sabi ni mama
"Ma, konting celebration eh ang dami dami nyo niluluto oh, pero sige po pag wala silang mga lakad ngayon aakitin ko po" sabi ko
"Dadating din kasi mommy at daddy ni 'toper kaya nag handa ako ng madami" sabi ni mama at nilagay yung huli n'yang niluto sa table
Bumalik na pala yung parents ni shehyee galing sa ibang bansa, kaya naparami ang luto ni mama, sanay ako kapag anniversary nila minsan lumalabas nalang kami para kumain. Tapos ayon kumain na kami at pag katapos kong kumain umakyat muna ako sa taas, tapos nag isip ako ng pwedeng iregalo kila mama at papa
Napatingin ako sa gilid ng kama ko at nakita ko yung isang cup ko na customized, meron s'yang pangalan ko sa gilid at kung hindi ako nagkakamali. Eto yung regalo sa akin ni 'niel noong birthday ko, kasi lagi kong nakakalimutang uminom ng tubig. And since, ito ang una kong naisip. Ipagpapa-customized ko din sila ng cup and dahil na din sa mahilig silang uminom ng coffee.
Nagmadali akong magligo at magbihis. Pumunta ako sa isang shop na nagco-customize. Tinuro ko yung design ng cup na gusto ko, medyo mahal plus additional pa sa box kasi gusto ko presentable naman yung ireregalo ko kahit simple.
"Sige po, okay na to. Daanan ko nalang mamayang hapon. Salamaat"
Umalis na ako at nag abang jeep papunta sa school. Pagkarating ko rito, nakita ko kaagad si abra, nagpark nung kotse n'ya. Sinabi ko kasi sa kanya na dalhin na n'ya yung kotse n'ya at magkita nalang kami dito sa school kesa sa lagi n'ya akong sinusundo.
"Abra!" sigaw ko at lumapit s'ya sa akin
"Tara na kila, bea. Kanina pa daw nila tayo hinahanap"
Pumunta kami dito at nakita ko sila, shehyee, ann, rjay, donna, josef, apekz, nikki at sila bea at ron, halos tatlong lamesa na ang pinagdugtong nila
"Ang aga n'yo talaga lagi!" biro sa amin ni apekz
"Sorry na, may pinuntahan lang ako"
"Nag text ako na hinatid ko pa yung kapatid ko" paliwanag ni abra at umupo kami sa kalapit nila donnalyn
"Complete na tayo ano?" tanong ni bea
"Ano bang meron?" tanong ko
"Wala lang, attendance ba. Kasi diba kapag college na, kawawa ka kapag wala kang squad" sabi ni bea at napatingin kami sa ibang mga studyante dito, halos lahat nga may kanya-kanyang group or squad nga daw sabi ni bea
"Baka babe, kompleto na tayo!" sabi ni Ron
"Anong kompleto na ito pa ako, iniiwanan nyo ako ah" biglang dating ni loonie
![](https://img.wattpad.com/cover/4966748-288-k839694.jpg)
BINABASA MO ANG
You change my life (Abra And Janica Fan Fiction) COMPLETE ✔
Fiksi RemajaShe just came from broken heart. He is a secretive person. They changed themselves for each other. But would you still love him and give him a chance even he broke your heart over and over again? • First story ko po ito, inedit ko s'ya at natapos ng...