Confrontation 5

186 7 0
                                    

CONFRONTATION 5

"Her Shocking Side"


FLAIRE:


Hmmm.. nasan na kaya yun?? Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa ilalim ng poste ng kuryente. Mag iisang oras na din akong naghahanap dito ah!


Halos magdugtong ang kilay ko sa sobrang pagkakakunot ng noo ko dahil hindi ko lubos maisip kung saang lupalop ng mundo napunta ang pusang iniwan ko dito kagabi!!


Sinipat sipat kong mabuti ang lahat ng bahagi ng posteng ito, pati sa mga basurahan sa malapit natingnan ko na din, pero hindi ko talaga makita ang hayop na yun!


Saan ba yun nagpunta??


Dito ko lang talaga iniwan yun eh, kasama nung payong ko. leche! Pati tuloy payong ko missing in action na rin!! Ginamit kaya yun nung pusa? Pero pano naman sya magpapayong??


"Haaaay..." napabuntong hininga na lang ako saka ako nagpasyang tumuloy na sa school dahil baka ma late pa ako kapag hinanap ko pa yun. Pero hindi ko talaga mapigilang mainis. Ang aga ko kasing gumising para lang balikan yung payong...este pusa pala tapos hindi ko rin naman pala madadatnan. Ang dami ko pa namang hirap na dinanas para lang isalba sya tapos di man lang ako hinintay? Anong klaseng pusa sya!! Walang utang na loob! Hayop sya! Hayop sya! Err.. hayop nga naman pala talaga sya. Ano ba dapat ang sabihin ko para mang insulto ng hayop?? Ah..alam ko na... tao sya!! Tao sya!


Hindi kaya talagang tuluyan nang na deadbol yun at itinapon na lang sa garbage truck kaya nawala? O kaya baka ginawa na nilang palaman sa siopao? Eeewww. Napangiwi ako sa mga iniisip ko. hmm. Pero diba sabi nila may 9 life daw ang mga pusa? Kaya imposibleng mamatay yun! Kung namatay nga yun kagabi, eh di may 8 life pa syang natitira. Hingiin ko kaya ang pito??


Aayusin ko sana ang pagkakasukbit ng bagpack ko sa balikat ko nang bigla akong makaramdam ng kirot sa kaliwang kamay ko dahilan upang tuluyang mahulog ang bag ko sa lupa. Aiisshh!! Nakakainis naman! Sinong pupulot nyan ngayon!! Ggrr!


Yumuko ako upang kunin ang bag ko. nakakainis kasi, kung hindi lang ako kinalmot ng hayop na yun, wala sana akong sakit na tinitiis ngayon!


Napakawalang hiyang pusa!


Pagkatapos kong pulutin ang bag, nagpatuloy na ako sa paglalakad.


Hindi ko akalaing magmamaktol ako ng ganito kaaga sa araw na 'to. Hindi ko tuloy mapigilang alalahanin ang mga nangyari kagabi, ang pinagmulan ng lahat ng inis na nararamdaman ko ngayon.



Entering: flashback..


Iginala ko ang paningin ko sa napakadilim na bahagi ng mga bakanteng lote. Nang masigurado kong umalis na nga ang kutong lupa na si Reed, nagmadali akong tumakbo pabalik.

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon