Confrontation 19

200 10 2
                                    

              7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~


CONFRONTATION 19

"The Fish and The Girlfriend"


FLAIRE:


"so kung dadagdagan natin yung spare parts, baka sakaling mapagana natin yung kabilang circuit. Tapos--"


"uhm... Flaire..."


"hah?"


Nang mag angat ako ng tingin para tingnan si Ron na nakaupo sa harapan ko, nagtaka ako sa itsura nya. Para syang natuod sa kinauupuan nya sa sobrang stiff nya, panay din ang lunok nya ng laway na para bang kabadong kabado, tapos pinagpapawisan sya ng malapot, at yung mga mata nya kurap ng kurap na para bang takot na takot.


Teka ano bang nangyari sa lalaking to? Nandito lang naman kami sa library para idiscuss tong project namin, ano bang nakakakaba sa ginagawa namin? kung hindi ko lang alam na project tong ginagawa namin at nandito lang kami sa library, sa itsura nya, iisipin ko talagang nakikita nya sa harapan nya si kamatayan. Pero duh! Ano to insultuhan?! Ako kaya nasa harapan nya!


"ahm.. kase.. baka pwedeng... sa classroom na lang natin to pag usapa--"


"ndi pwede!"


Napaigtad pa sya sa pagsagot ko. Langya, ano bang nangyayari sa isang to at kung makaasta parang takot na takot! Sa akin ba sya natatakot? Eh bakit naman sya matatakot? Wala naman akong ginagawang masama ah. Project lang kaya tong pinag uusapan namin, ni hindi ko nga sya binantaan nung pinagawa nya sa akin yung parte nya kagabi!


"marami akong gagawin kaya kailangan na natin tong tapusin dito. Tsaka bakit sa classroom pa eh pwede namang dito sa lib. Mas tahimik pa dito! Kaya manahimik ka na lang jan at pakinggan mong mabuti ang mga sinasabi ko! maliwanag!"

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon