Confrontation 6

193 5 0
                                    

CONFRONTATION 6

"The Harsh Prince Behind"


FLAIRE:


"wow.." bulong ko habang nakasunod ang tingin sa dalawang nilalang na dumaan sa harap ng okupado naming study table sa park ng school.


Hindi ko mapigilan ang sarili kong humanga sa sa mga anime character na dumadaan sa harapan ko. isang lalaki at isang babae ang magkasabay na naglalakad at nilamapasan ang kinuupuan namin. actually, hindi ko alam ang mga pangalan nila pero alam kong isa sila sa mga popular na nilalang sa school namin. at ni minsan, hindi ko pa nakikita ang dalawang to ng hindi magkasama. Para silang mga tuko, hindi mapag hiwalay. hindi ko maintindihan kung couple ba sila na parang kambal o kambal na parang couple?? Hindi ko kasi masabi kung magkahawig ba sila o hindi, basta ang nakikita ko lang eh para silang kambal. Pareho kasi sila ng kulay ng buhok, reddish brown. Hanggang dibdib yung hair ng girl at tanging tatlong hair clips lang nakaipit dun, samantalang ang guy naman eh hanggang balikat ang tila napakalambot nyang buhok, pero nakatali yun ng ponytail at may isang hair clip din sa may bangs nya. Napaka good looking nilang dalawa at talagang mapapalingon ka kapag dumaan sila. Sigurado ako sa bagay na yan dahil alam kong nasa kanila din ang mga mata ng ibang studyante na nandito ngayon, pupusta ako, ang iba nga siguro jan eh tumutulo na ang laway.


Hindi talaga maikakailang napaka super duper distracting ng mga mukha nila, pero hindi yun ang dahilan kung bakit nakuha nila ang atensyon ko. ang aura nila ang dahilan kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatunganga sa kanila. Ang cool kasi nilang dalawa, they are not smiling pero napakalakas ng impact ng dating nila. No non-sense ang aura nila at mukhang wala din sa vocabulary nila ang salitang "smile". para silang may sariling mundo kung saan sila lang ang nagkakaintindinhan at tila walang pakialam sa paligid. Parang napaka strong ng personality nila. At hindi lang yun, para din silang mga anime character. Kilala nyo ba si *rima at shiki ng vampire knight? Ganun na ganun ang aura nila kapag magkasama ang dalawa. Although para din silang sina *rin at len kagamine ng vocaloid when it comes to appearance. Pag pinag halo mo ang mga characters na yun, ang dalawang yan ang outcome. Almost perfect. Tsk tsk. Sana pwede ko silang iuwi!! Gusto ko silang idagdag sa mga action figures collections ko!!


"oh." Napalingon ako sa nagsalitang si earth.


"ano yan?" nagtataka kong tanong sa kanya habang nakatingin sa panyong iniaabot nya sa akin.


"punasan mo yang laway mong tumutulo." Seryoso nyang sagot.


"huh!?" natauhan naman ako bigla sa sinabi nya.


Omeygees. Kung ganon isa din pala ako sa mga naglalaway dito? Hindi ko akalaing magiging literal ang exaggeration ko!


Kinuha ko ang panyong inooffer nya at kinapa ko agad ang gilid ng bibig ko pero wala naman akong nakapang basa. Nang ibalik ko ang tingin ko kay earth, nakangisi na sya. Yung ngising tila pinapamukha sa akin na napaka uto- uto ko.


Nang ma realize kong niloloko nya lang pala ako, ibinato ko sa mukha nya ang panyo.

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon