Confrontation 33

263 7 31
                                    

A/N:  Una sa lahat, patawad hahahaha! Hindi ko talaga gustong maging tamad, kaso tamad talaga ako huhuhuhuhu kaya patawad guys hahaha!
Nde, ang totoo.. sobra, as in sobrang busy na ng buhay ko. Lekat na yan, mahirap palang maging engineer haha!.
Hindi ko na nga sana to dudugtungan pero na GV ako dun sa nagsabing na mi miss na nya si shit head. Wala lang, natawa lang ako, bakit ba? Haha.
Hindi ko po kayo mabibigyan ng assurance na magiging madalas ang update ko, ang ma a-assure ko lang eh tatapusin ko yung story. Mas ok naman siguro yung madalang akong magpost pero may katinuan naman yung kwento, kesa sa madalas mag update pero parang patay na buhay lang yung takbo ng storya. Dun po sa mga naiinis at nag dedemand, pasensya naman po. i created the story as my stress reliever at hindi ko po talaga inaasahan na may magkakagusto ng kwento, pero please lang po, do not be so harsh and speak like a boss, kasi minsan po, yung iba, akala mo sinasahuran ako hahaha. Pero lagi nyo sanang tandaan, na masamang magtanim ng sama ng loob sa kapwa, ok? Haha!




7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~

CONFRONTATION 33

"Ranking"



REED:


"hi! Lumabas na ba?"


"Manganganak ba yang bulletin board?"


"Atribida ka, yung result ng exam ang tinutukoy ko!"


"Ah, eh klaruhin mo kasi. At hindi pa. Naiinip na nga ako."


"Tsk. Tagal naman."



"Kung hindi ka ba naman bobets girl, ba't mo pa ba kasi hinihintay ang result ng exam eh sigurado namang wala ka sa ranking. Sasaktan mo lang ang sarili mo"


"Shut up gaga! Shut up! manhimik k nga. Gusto mo ikaw saktan ko? Ang daldal mo! Napapahiya ako kay Reed!"


"What? Nandito si Reed??!—oh my, oh my gosh, you know, oh my gosh really. I think, wait, oh my gosh, I'm one of the top ranking, my gosh."


"Te, oh my gosh, ang sakit, ang sakit mo sa tenga. halika nga dito, saksakin na lang kita."


"hoy manahimik nga kayo! naiingayan si Reed eh!"


"Sipsip ka! Sipsip!"



Tangina.


Ang lakas mambanas ng mga timawang to! Sakit sa tenga!


"oh my gosh! My dream boy is glaring at me like he wants to embrace me!"


"tanga! Glaring nga eh malamang gusto ka nang patayin nyan! Pag hindi ka pa tumigil jan, yang dream mo magiging nightmare real quick!"


Kelan ba titino tong mga to?!


Tsk. Tagal I-post ng result! Mas mabuti pa ata kung dumerecho na 'ko sa opisina nung kalbo!


"Tsk. Ang gwapo nya pa din talaga.."


"Ang hot nya.. sarap tikman.."


"Ibang klase talaga tong yellow ng 7 colors, ang angas ng aura!"


"Sya kaya magta-top ngayong sem?"



Napaligon ako dun sa nagsalita.


"Oi gago, bumubulong ka ba? Dinig na dinig kita, ah. At para sabihihn ko sayo, walang magta top sa lahat ng exam dito kundi ako lang! mapatay kita eh. Tsk."


Natahimik naman silang lahat.


Tss. Tangina, mga walang utak. Andito na 'ko, may naiisip pa ba silang ibang tao na pweding mag top sa exam dito?! Di man lang gumamit ng simpleng logic! Kaumay!


Umupo ako sa pinakamalapit na bench at humalukipkip.


Isa pa 'tong result ng exam! Ba't ang tagal nilang ilabas! Atat na atat na akong makita ang pangalan ko sa top 1 eh! At nang maipakain ko na rin ang test paper ko sa tukmol na principal na yun! Hindi na ako makapaghintay na makita syang ngumunguya ng papel!


Pero ang isa pang ikinaka atat ko eh ang makita ang masayang reaction ni shit head.


Wala ka nang kawala saken ngayon shit-head. Sa ayaw at sa gusto mo, at alam ko namang gusto mo, eh magiging magkaklase tayo. At pag naging magkaklase tayo, wala nang ibang lalaking makaklapit sayo. Pwedeng pwede ko na silang i-salvage pagkatapos ng klase! Tangina nila! Walang pwedeng lumapit kay shit head kundi ako lang!

Hmm. Ang saya siguro nya pag nalaman nyang magkakasama na kami sa iisang klase. Sasabihin ko pa ba sa kanya ang paguusap na ginawa namin nung panot na principal? Tsk. Baka sa sobrang tuwa nya pasalamatan nya pa yun. Haixt. Hindi ko naman sya masisisi kung matuwa sya ng husto. Ang tagal na siguro nyang pinapangarap na maging magkaklase kami. Baka nga napaparanoid na yun sa kakaselos. Kung sa bagay, sa dami ba naman ng babaeng umaaligid saken, di talaga sya mapapalagay kung hindi kami magkasama. Tsk tsk..


Teka..


Pota..


Muntik ko nang makalimutan, Bakla pala tingin nya saken. Kabanas!


Anong klaseng logic ba meron ang babaeng yun!? Paano sya nakapag conclude ng ganon? Ba't ang dumi ng utak nya! Hindi ba sya—teka..


Napakunot ako ng noo nang maaninag ko ang babaeng nasa dulo ng bulding.


Sya yan diba?


Ano nanaman kaya tong pakulo nya at nagtatago sya jan?


Tinaas ko ang kamay ko para kawayan sya at palapitin saken pero..


Takte.


Anong problema nya? Ba't bigla syang umalis? Bigla ba namang tumalikod!


Alam ko, nakita nya ako.


Tsk. Anong laro nanaman kaya itong ipapauso nya? Nitong mga nakaraang araw, madalas kaming di magkita kasi busy daw sya. Umiiwas ba sya? Amp!


Tumayo ako at tinungo ang kinatatayuan  nya kanina.


Mga babae talaga, ang hilig magpahabol!


Sa ganito ba sya kinikilig? Paka wirdo!


Patakbuhin ko to sa thread mill eh!


**********************************************************************

AIR:


Shit! Nakita nya ako!


Nagmadali akong maglakad.


Langya, ba't naman kasi sya dun tumambay eh bulletin board yun! Paano ko makikita ang result ng exam kung nandoon sya!


Sana hindi nya napansin na nakita ko sya. Hindi naman siguro nya napansin diba? Diba?


Kainis naman kasi. Kung bakit pa kasi nya ako nakitang may tagos nung isang linggo, hindi ko tuloy alam kung paano ko pa pagtatakpan ang mukha ko sa sobrang hiya! Ahhh! Nakakhiya talaga! Huhuhuhuh


Hndi ko na alam kung paano ko sya iiwasan. Wala naman na sana kaming problem eh, ok na kami kasi alam ko namang bakla sya pero.. ahhh!! Nakakahiya talaga!! Hhuuhuhu


Tsk kainis. Napilitan na lang tuloy akong umalis kahit na nandon naman talaga sa bulliten yung sadya ko. Paano ba ko mabubuhay sa school na to nang hindi nagpapakit—

"hi girlfriend."


"ai anak ng—wag ka ngang manggugulat, baka sa clinic nanaman bagsak mo!"



Langya, bigla na lang sumulpot nung paliko na ako!

"oh? Gusto mo na bang magkaroon ng part 2 yung clinic moments natin?" sabay ngisi nya!


Lintek na bakla to! Ang galing manlandi! kala mo naman hindi bakla!


"a-ano bang kelangan mo?" sabay irap ko sa kanya.


"whoa, whoa. May problema nanaman ba tayo na hindi ko nalalaman girlfriend?"


Natigilan ako sa tanong nya.


Oo nga no. May problema ba kami? Parang ako lang naman tong gumagawa ng problema sa pagitan naming dalawa..


Bigla akong naawa sa kanya.


Ngayon ko lang naisip na ako lang pala ang nakakaalam sa sikreto nya kaya saken lang sya kumportable. Dahil pag ako ang kasama nya, pwedwng pwede nyang ilabas ang kabaklaan nya, at dahil sa pag iwas ko sa kanya, napipilitan tuloy syang magpanggap buong araw. Kawawa naman sya. Siguro hirap hirap na sya.


Tsk.


Napaka selfish ko. Hindi ko man lang sya inisip. Kung tutuusin kasalanan ko naman kung bakit ako nagkatagos. Hindi naman nya sinadyang makita yun. Tsk tsk.. nakaka guilty..


"wala, wala tayong problema.." hinima himas ko yung balikat nya. Nakakaawa talaga.


Parang napuno ng pagtataka yung mukha nya dahil sa ginagwa ko. Saka kunot noong tiningnan yung kamay kong humihimas sa balikat nya "oi, bat ganyan ka makahimas sa balikat ko? Mukhang awang awa ka ah."


"huh? Ha? Haha hindi ah" sabay bawi ko sa kamay ko.


Tsk. Ayaw nya ata na kinakaawaan sya, dapat hindi ko ipakita na naaawa ako  sa kanya! Pero bakit ba ang arte nya!


"tigilan mo nga yang ginagawa mo." Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papunta sa malapit na bench. Magkatabi kaming naupo at nakatanaw dun sa bulletin. Di naman kasi masyadong kalayuan.


"sbihin mo nga, anong problema natin?"


I-ha hot seat nya ba ako?


"ah? Wala naman ah"


"oh, wala naman pala ,eh ba't mo ko iniiwasan?"


"ha-ha-ha! Ikaw? Iniiwasan ko? Saan mo naman napulot yan? Ha-ha-ha" langya, bilang na bilang yung tawa ko ah.


"sabihin mo, may nagawa nanaman ba akong mali?"


Bigla akong napalingon sa kanya at buong alab na tiningnan sya sa mga mata.


"wala, wala kang ginawang mali. At kahit kalian, wag mong iisipin na pagkakamali ang ginagawa mo. Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan na ganyan ang nararamdaman mo.."


Tsk tsk.. kawawa naman talaga sya.. iniisip nya siguro na mali ang ginagawa nyang pagmamahal. Di naman nya kasalanan kung kay Hiro talaga tumitibok ang puso nya..


Parang biglang sumakit ang ulo nya kasi napamasahe sya sa sentido nya. "girlfreind, wala ka naman sigurong ibang ibig sabhin jan sa mga sinasabi mo ano?"


"ha? Wala naman."


"sigurado yan ah."


Pero sa itsura nya, parang iniisip nya talagang may iba akong ibig sabihin.


Pero syempre, hindi ako guilty kasi sigurado naman akong pareho kami ng iniisip. Baka akala nya hindi ko na gets yung mga makahulugan nyang pananalita. Matalino din naman ako kaya syempre gets ko agad yung mga ganyang secret messeges nya.


"sige na nga" Sumandal sya saka pasimpleng sumulyap saken." So kumusta ka na nitong mga nakaraang araw? Busy ka pa din ba hanggang ngayon?"


Biglang bumalik yung guilt ko. Yan kasi ang lagi kong palusot sa kanya para lang hindi kami magkita. Pero masisisi nyo ba ako kung hiyang hiya ako?


"syempre hindi na"


Gustong gusto ko yung ambiance namin ngayon. We are like close sistarets lang. Machikahan nga to.
Antagal nya din sigurong nagtimpi sa pagtsi tsismis kasi wala syang ka chika.


Tumango tango naman sya saka nagsalita. "alam mo ba girlfriend, may surprise ako sayo, sigurado matutuwa ka" tamis ng ngiti nya ah.


"talaga? Ano ba yun?"


"surprise nga eh, tangin—ibig kong sabihin, syempre kailangan mong hintayin kasi sayang yung element of surprise hehe"


Napakunot noo ako sa kanya. Mukhang maiksi pa din pasensya nya ah. Haaay hirap siguro maging bakla.


"oh eh di sige" tumango tango ako, "nga pala, may ichi-chika ako sayo"


Bigla syang napatingin sa akin. "ichi-ichi--chika????" parang di makapaniwalang tanong nya.


Tsk tsk. tingnan mo to, mukhang na excite sya masyado sa chismis ko at talagang nautal sya, eh gay lingo naman yung salitang chika. Kung makaasta kala mo first time nyang binanggit. Wala namang tao sa malapit, bat pa sya nagpapanggap?


"alam mo ba, umay na umay na ako dun sa dalawang kaklase namin na magkarelasyon."


"h-ha??"


"oo, kasi naman, magkasintahan na nga sila tapos magkaklase pa. imagine!? Magkaklaseng magsyota?"


"ba-bakit? Ayaw mo ba non?" parang bigla syang pinagpawisan sa sinabi ko.


"duh! Imagine! Diba parang nakakasakal yung ganon? Lagi na lang kayong magkikita, parang wala nang element of excitement. Di nyo na mami-miss ang isa't isa kasi lagi na lang kayung magkasama. Ai naku kung ako talaga, hinding hindi ako magsyosyota ng kaklase. Diba--"


"ahem! ahem!" hinimas ko yung likod nya. Ba't bigla syang naubo? May sakit ba sya?


"ayos ka lang?" ba't nagiging masakitin na ata sya?


"o-oo, ayos lang."


"ah mabuti naman."


Bigla syang humarap sa akin. "Pero diba mas ok pag kaklase mo yung kasintahan mo? Kasi lagi mo syang mababantayan at maalagaan?"


"ha?" napataas ang kilay ko.


Inubo na sya't lahat, yung chismis pa din ang gusto nyang pag usapan?


"hmm. I don't think so. Kasi pag lagi kayong  magkasama, nakakaumay. Tsaka di nyo mabibigyan ang isa't isa ng opportunity to grow as a person kasi lagi na lang kayong nakadepende sa isa't isa."


"eh diba yun naman yung essence ng relasyon?? Ang dumepend sa isa't isa?!"


Waw. Galit na galit? May ipinaglalaban ba sya?


"ofcourse not. Trust ang may essence sa relasyon. Tsaka para lang yan sa mga clingy na tao. Teka hindi ka naman siguro clingy noh?"


"h-ha? HINDI AH!"


Waw. Ang strong ng sagot nya.


"Oo, obvious naman  na hindi ka clingy. Kasi kung clingy ka, baka matagal ka nang nag-transfer sa school nila kasi syempre, hindi mo kakayanin ang long distance relationship nyo."


"anong pinagsasbi mo?" kunot noong tanong nya.


Haay naku Reed, wala akong panahon sa mga pagiging in denial mo. Ako lang tong kausap mo kaya you can be free.
 

"oh, mukhang na-post na ang result ng exam, tara tingnan natin!"


Tatayo na sana ako pero bigla nya akong hinila paupo.


"sandali lang girlfriend, a-ano, mamaya na lang natin tingnan, madami pang tao oh" ba't parang pinagpapawisan sya eh hindi naman mainit ang sikat ng araw ngayon.


"hindi, tara na, tingnan na natin. Excited na akong makita kung anong rank ko. Baka di mo naitatanong mataas ang rank ko last exam. At nagsunog talaga ako ng kilay sa sem na to para i-akyat ang rank ko."


"shit"


"oi ok ka lang?" parang humigpit yung hawak nya sa kamay ko.


"ah, o-oo ok lang. Pwede bang mamaya na lang tayo pumunta dun girlfriend? Ano kase, kwan.. ahm.. parang di masyadong magnda ang pakiramdam ko, samahan mo muna ako dito.."


"huh? Diba sabi mo ok ka lang?"


Bakla nga 'to, ang gulong kausap.


"oo, ok lang ako, pero mas magiging ok kung magpapahinga muna tayo dito sandali."


"hmmm..sige na nga. Oh, baka gusto mong dalhin na lang kita sa clinic para makapagpahinga ka ng maayos?"


Bigla syang umiling. "no wag na. ayokong mahirapan ka pa."


"naku, wag mo 'kong isipin, ako'ng bahala sayo. Gusto mo buhatin kita?"


"tanginang buhay talaga. Wasak na wasak na reputasyon ko sayo"


"ha? Ano yun?"


Ano bang binubulong bulong nito? At ba't ba sya bumubulong? May pagkabinge pa naman ako.

Haist.




*********************************************************************************



REED:


Potanginaaaaaa!!


Yan lang talaga masasabi ko!


Potanginaaaaaaaa!




AIR:


"huhuhu! Air!! Huhuhuh! Hindi ko na alam ang gagawin ko.. tulungan mo 'ko huhuhu"


Sabay takbo nya nang pabalik balik sa magkabilang dulo ng kwarto na parang nagpapanic.


"Air! Huhuhu! Please.. please tulungan mo 'ko, nahulog ang boyfriend ko, dalhin natin sya sa hospital please.. huhuhu"


Napahawak ako sa ulo ko. "Pwede ba Earth! Magtigil ka! ikabit mo nga ulit yang poster! I-rugby kita jan eh!"


"ai grabe, to naman, wala kang awa! Kita mo na ngang nasaktan na sya sa pagkakahulog nya mula jan sa pader, tapos gany—oo na, oo na! 'to na! ikakabit na huhuh"


'Tong babaeng 'to, kung hindi mo pa aambaan ng pananakit, hindi pa susunod!


Para syang timang. Paano gagamutin ng mga doctor yang boyfriend nyang poster?


"hmph!" inirapan pa ko ng gaga. "eh bat ka ba nandito?"


"oi kung makatanong ka saken, parang masyado akong sagabal ah. Si Water di mo naman tinatanong ng ganyan."


"aba, eh malamang, hindi nya naman ako pinipigilang dalhin sa hospital yung boyfriend ko."


"matanong nga kita Earth, kilala ka ba nyang artistang nasa poster mo? Ha?"


"hindi, but he will fall in love with me kapag nakita na nya ako."


"ewan ko sayo, akin na nga yang assignment ko."


"ay grabe! Grabe talaga! Sandali lang naman, di pa ko nakaka kopya eh!"
sabay baba nya sa kama.


"see? Ikaw ang may kailangan saken kaya ako napadpad dito."


"sabi ko nga eh. Umupo ka muna jan, magpahinga kang mabuti ha. – hoy Water, akin na nga yan! Ako ang nanghiram tapos ikaw ang makikinabang?" sabay hablot nya sa workbook kong kinokopya ni Water. "bat ka ba nandito?"


"mangongopya at makiki wifi."


"tss.. mayaman naman kayo pero kung maka avail ka ng mga libre, para kang kapus palad!"


Di na sumagot si Water at nagpatuloy lang sa pangongopya. Hindi kaya kapus palad talaga sya?


Haay.. pero ewan ko ba sa dalawang 'to, matatalino naman, pero ba't ang tatamad mag isip para sa assignment!?


"teka, sya nga pala, kumusta ang ranking? Nakita nyo ba?"


Napatingin bigla saken si Earth. "di ka ba pumunta sa bulletin board kanina?"


"pumunta ako, actually abot tanaw ko lang kanina, kaso hindi ko alam kung anong katopakan nanaman ang dumapo kay Reed kanina. Bigla na lang akong hinila papuntang canteen, tapos ayaw pang pumayag na tingnan ko muna kahit saglit yung ranking. Nang puntahan ko naman kaninang uwian, wala na dun yung list, ba't ang dali nilang tinanggal yun?"


"tinanggal? Hahaha! Di ba sinabi sayo ng gwapo mong boyfriend na ang gwapo gwapo nya?"


"ha??"


"haha I mean, hindi nya ba sinabi sayo na sya ang pumunit nung ranking? haha"



Anong pinagsasabi nitong si Earth?


"pinunit nya?"


"oo, pinunit nya, nabanas ata hahaha"


"no, parang may tinatago sya sa ranking."
Biglang singit ni Water.


"ha? Tinatago?"


"Air paulit ulit ka."


"manahimik ka Earth – ba't naman nya itatago?"



"I don't know, but he was asking other people kung nakita mo na ba ang ranking."


Hmm? Ano kayang meron sa ranking?


"eh teka nga, sino bang number 1? Ako, anong rank ko? nakita nyo ba?"


"no one knows kung sino ang number 1, pero as I remember, number 5 ka ata."


"what? Sigurado ka ba jan Water? My god! Bumaba ako!" kainis! Asan na ba ang lintek na ranking na yan!? Sinong umakyat ng pwesto?!


"hello air! Makuntento ka naman, ako nga wala sa top 10, pero ok lang saken, atleast maganda pa din ako."


"diba sabi ko sayo Earth, manahimik ka."


"ayoko! Ayoko! Ayookkkoooooooo-- ugh!!"



End of Chapter 33


~Riyusen

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon