Confrontation 18

167 5 0
                                    

              7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~


CONFRONTATION 18

"The appearance of The Gray"


AIR:


Takbo! Takbo! Dali!! Dali!


Grabe, hinihingal ako sa ginagawa ko! pero kahit nah! Kailangan ko nang makalayo agad!


Pasensya na Earth and Water, pero hindi na muna ako makakasabay sa inyo ngayon. Total Wednesday naman at may mga club activities naman kayo kaya mauna na ako. hindi ako pwedeng magpa tumpik tumpik pa!


Kailangan ko nang makaalis sa school bago pa ko pilitin ng hayop na Reed na yon para ihatid sa bahay namin! Hindi nya pwedeng malaman kung saan ako nakatira!


Kahapon nagpumilit syang ihatid ako at hindi ako pwedeng tumanggi dahil kasama sa kasunduan namin na maging sunod sunuran ako sa mga demand nya basta't hindi lang kabastusan. Kaya napilitan tuloy akong mag over night ng wala sa oras dun sa bahay nila Earth para lang hindi nya matunton ang bahay ko!


Ah?? Anong meron??


Napabagal ang takbo ko nang makita kong siksikan sa gate.


Langya! Ang lapad lapad ng gate! Bakit ba sila nagkukumpulan jan! at ngayon pa kung kelan nagmamadali ako!


Go Air!! let's do the singit power!!


Leche, ang sagwa ng term.


Dahil handang handa na akong magpakamatay makatakas lang sa lalaking yun, with all my mighty power, nakipag siksikan na ako para makalabas.


Ano ba kasing meron dito at nagkukumpulan ang mga babaeng to dito sa gate!!?


Hah??


Napatigil ako nang makalabas ako sa kumpulan ng mga babae.


Sa tapat ng gate, may isang lalaking nakatayo habang nakasandal sa ulo ng kotse nito. Nakahalukipkip ito at naka shades. Nakangiti din ito sa mga babaeng nagkukumupulan sa gate. Kaya naman pala parang di maihe ang babaeng yan , dahil may isang malanding nakatambay dito sa labas ng gate.


Kahit mukhang laway na laway na yung mga babae sa lalaking to eh wala ni isang lumapit sa kanila. Nakangiti naman ang lalaki at mukhang approachable, pero parang may kung anong charm ang meron ito na nagagawa nyang iparating sa mga babae na 'you can look but you can't touch'. In short, he has this mighty aura of untouchables. Na parang mahihiya ka na ihawak sa kanya ang mga kamay mong marurumi. Sus eh di mag alcohol! Problema ba yun!?


The guy has a gray hAir, and a flirty smile. Hindi maitatangging gwapo nga, sigurado ako, kung nandito si Earth, kanina pa yun naglupasay.

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon