Confrontation 12

156 7 2
                                    

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales With The Beast~


CONFRONTATION 12

"Beast Versus Monster"

REED:


Magsisimula na ang laro. Nandito na kaming lahat ngayon sa court. Pumasok na rin si Hiro, at ako agad ang binantayan nya.


Syempre naman, ang magaling ay para sa magaling. Yun lang yan. mahiya naman sa balat nila yang mga team mate nya kung mag aambisyon pa silang bantayan ako.


Hinihintay na lang namin ang pito ng referee para sa jump ball.


Hindi nakapagtatakang matingnan ko sya ng masama dahil ako, seseryosohin ko ang laro namin ngayon, pero ang nakapagtataka eh yang mga tingin nyang ganyan.


Anong problema ng isang to? Bakit ganyan sya kung makatingin? Hindi kaya, balak din nyang sumeryoso sa laro ngayon? Nagkakaganyan lang naman ang mga mata nya pag seryoso sya sa ginagawa nya.


Yung mga mata nya ngayon, kung hindi mo masyadong titingnan, iisipin mong walang nagbago at mukhang inaantok lang, pero sa tagal naming naging magkaibigan, alam na alam kong seryoso ang mga mata nya ngayon.


"lamang kami." Biglang sabi nya.


Tsch! Alam ko, anong palagay nito sa akin? Bulag? Kitang kita ko naman sa score board na lamang sila ng limang puntos. Limang puntos lang yan eh, tss sisiw.


Pero alam kong hindi nya yun sinabi para magyabang sa akin. Kabisadong kabisdo ko na ang ugali ng isang ito. alam ko kung anong gusto nyang iparating sa sinabi nya.


gusto nyang hayaan ko ang team ko na habulin ang score nila nang wala ang tulong ko. gusto nyang maging pantay muna ang score ng team namin bago namin simulan ang totoong laro. Gaya nga ng lagi nyang sinasabi sa mga laro namin, "let's start from zero, to be fair."


PPRRRTTTTTT!!!!


At nagsimula na nga ang laro. Nakuha ng team namin ang bola. Hawak ni giraffe ang bola at dinidribble na.


akalain mo yun? Nagbabasketball na pala ngayon ang mga giraffe? Baka sumabit yung leeg nya sa ring, kawawa naman yung ring, tsk tsk.


Tsk, ito namang si kumag, naku na lang. Alam kong likas na mandaraya ang berdeng to, pero alam ko din na kapag ganitong mga formal games eh patas sya. subukan nya lang mandaya, ihahagis ko sya sa lugar na hindi pwedeng matuog.


Sige, hahayaan ko na muna ang team kong makahabol sa kanila. yun din naman ang gusto ko, ang maging patas ang laro sa pagitan namin at magsimula kami sa parehong score.


Hindi na muna ako tutulo-----potek!! Bakit pinasa sa akin! Langyang giraffe yan!


7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon