Confrontation 2

214 9 1
                                    

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~

CONFRONTATION 2


"How The Game Started"


REED:


Hmm. Tae! Ang boring! Kakabagot!. Kung hindi lang dahil sa mas nakakatamad ang tumambay sa bahay, matagal na akong nag drop-out sa boring na school na ito. Walang kwenta ang buhay dito. Mas gugustuhin ko pang tumambay na lang sa tambayan namin ng mga tukmol kong kaibigan. Kung hindi nga lang ba sa magkakaibang school ang pinapasukan namin, eh di sana mas nagiging interesting ang buhay ko dito. Mabuti na lang at kahit papaano may napagtya-tyagaan akong mga classmate dito. Kahit papaano may kasama akong magpalipas ng oras. Tsk.


"hey papa Reed!". Napalingon ako sa istorbong kutong lupa na tumawag sa pangalan ko.


" Gusto mo bang sumabay sa amin mag-lunch?". Kumindat pa. sarap tanggalan ng mata.


Bakit di na lang kayo mamundok at nang tumahimik naman ang buhay ko? .mga peste.


I ignored them and packed my things.


"OMG~! Waaaahh!! Nakita nyo yun? Nilingon nya ako!! Nagandahan sya sa akin!"


"ambisyosa ka, sa akin sya nakatingin. Imagination mo lang yan!"


"duh ako kaya ang tumawag sa kanya! Kaya bakit sayo sya lilingon?"


"kasi mukha kang palaka kaya wag kang epal"


"ikaw ang epal! Inaangkin mo ang dapat ay sa akin!!"


"manahimik kayo! Far sighted sya kaya ako ang nakita nya!"


"isa ka pa! paano ka nya makikita eh pang dwende ang height mo!"


"may magnifying glass ang mga mata nya, mga bobo!"


Ahh! And there they go again.


Nung una, nakakatawa pa sila, mga mukha kasing sira, pero nung tumagal, nakakasawa na. Halos araw araw ganito na ang eksena. tsk tsk! Nakaka-umay.


Isa pa ito sa mga dahilan kung bakit asar na asar ako dito, ang daming mga babaeng kagaya nila sa school na ito. Mga walang magawa sa buhay at naging past time ang pag-papapansin. Sarap pasakan ng medyas sa bibig!


Makalayas na nga dit—


"Reed!!! Sandali!".


Potek. pati ba mga lalaki, may crush na din saken? Nak ng!


7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon