Confrontation 21

209 8 1
                                    

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~

CONFRONTATION 21

"The Principal is in Danger"



GIN:


Sa bawat istorya na may mga karakter na puro may mga sayad, Kailangan ng straight man para mabalanse ang kwento. Sya yung nag iisang matino sa lahat ng mga barabal na mga karakter, sa madaling salita, siya yung normal na walang halong kaabnormalan ang utak, at sa pagkakataong 'to, ako yun!


"oi Gin, bakit napaka abnormal mo?"


Sige, magbalahuraan tayo ng pagkatao dito, gagong Kai to!


"tss, manahimik ka Kai, ikaw lang ang nag iisip saken ng ganyan."


"huh? Hindi ah. Lahat kami dito abnormal ang tinGin sayo."


NapatinGin naman ako sa kanila at nakita kong lahat sila naka kunot noong nakatinGin sa'ken. Mga hinayupak to ah, ano nanaman bang problema nila sa'ken!


"anong problema nyo mga gago?"


"gago ka din, ang pagiGing abnormal mo ang problema namin."


"tsss, abnormal lang ang tinGin nyo saken dahil ako lang ang normal na nahalo sa gRupong 'to kaya akala nyo ako ang abnormal, pero ang totoo eh kayo talaga ang mga abnormal." Saka ako sumubo ng pagkain.


Wew! Sarap tumambay dito sa golden resto, napakasarap ng mga pagkain nila dito.


Napaangat ako ng tinGin nang biglang hilahin ni Stint ang pinggan ko at tiningnan na parang diring diri. Kupal to ah!


"oi Stint! KumaKain ako ah! "


Di naman nya ako pinakinggan at hinaLukay pa ng tinidor yung pagkain ko. Teka, binababoy na yata nya ang pagkain ko! Hindi na to makataRungan!


"sabihin mo nga Gin, paano ka naGing normal sa lagay na 'to??"


Huh??


"oo nga, sinong normal na tao ang maglalagay ng soy sauce at patis sa ice cream???? At talagang sa pinggan mo pa nilagay ah. Ibang klase tsk tsk" parang gusto pang masuka ni Eiji habang nakatinGin sa pagkain ko. Ano bang problema nila sa pagkain ko??


"tsk! Akin na nga yan! Mga abnormal kayo! Walang pakelamanan!" sabay hila ko sa pagkain ko.


"alam mo Gin, kahit si Zack na patay gutom, hindi papatulan yang pagkain mo."

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon