7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~
CONFRONTATION 26
(Part 2)
"What is Her Real Identity?"
EARTH:
"Air nilagay ko sa ibabaw ng kama mo yung invitation, paki open na lang."
"oo na oo na, "
"siguraduhin mong pupunta ka ha! talagang sinadya ko pang ihatid yan dito para siguradong hindi ka makapagpapalusot na hindi mo nakita!"
"oo na nga eh. Kulit mo."
"lumabas ka nga muna jan sa kusina, basahin mo na lang muna para sigurado akong titingnan mo!"
"babasahin ko naman yun eh, wag mo muna akong kulitin, nagluluto pa 'ko ng itlog."
"duh. Hindi mo na kailangang sabihin kung ano yang niluluto mo dahil alam kong itlog lang naman talaga ang kaya mong lutuin."
"noodles pa, marunong din akong magluto nun."
"gusto mo bang palakpakan kita kasi marunong ka nang magluto nun,? Duh, Air, kahit ang pinsan kong 4 years old, marunong magpainit ng noodles!"
"sige manlait ka pa."
"hindi ako nanlalait, ang akin lang, kailangan nating pAiralin ang pag ibig! "
"haaaaa???"
"hahahah! Wala! Sabi ko andaya mo!"
"paano naman napunta jan ang usapan?"
"eh kas--"
"hindi ba kayo napapagod sa pagsisigawan?"
Napatingin ako bigla kay Water na nakaupo sa sahig ng living room nina Air. Binigyan ko lang sya ng aking ever popular na taas kilay.
"lam mo Watz, bakit kaya hindi si Air ang tanungin mo nyan? Sya tong ayaw lumabas sa kusina eh."
Tinalikuran nya lang ako tapos naglaro nanaman ng psp. Whatever! Lagi namang ganyan ang response nya pag kinakausap eh!
Minsan naitatanong ko sa isip ko, kung sakaling magbigti kay ako sa harap nitong si Watz, mag aabala kaya syang pigilan ako o mas pipiliin nya pa rin yang psp nya? ipinanganak ata tong kulang sa damdamin eh.
BINABASA MO ANG
7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~
HumorHi! may itatanong lang ako sayo.. paano kung isang araw, kung saan napakaganda ng panahon na halos masilaw ka na sa killer smile ng araw eh naisipan mong mag confess sa isang taong hindi mo naman talaga gusto?? at sa kaadikan ng mundo eh walang paky...