Confrontation 31

263 10 3
                                    

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~


CONFRONTATION 31

"Conflict of Colors"



GIN:


"nandito p—"


BOOGSSH!!!


Ah?


"oi mga loko! Umayos nga kayo!"


Potek! Ano bang nangyayari dito!


Tumayo kaming lahat at umiwas sa mesa na bumaliktad na. yung ibang costumers tumayo din pero hindi para tumakbo at umiwas sa gulo kundi para manuod at kumuha ng pictures. Parang blessing na masyado sa kanila na Makita ang tatlong kumag kahit pa nasa kaligitnaan ng sapakan.


Nung unang dating pa lang ni Reed kanina panay na ang kuha nila ng pictures eh. Parang mga tanga na na-star struck, nadagdagan pa lalo nang dumating pa si Kiosk. di lang ata makalapit ang mga yan dahil sa napaka intimidating na aura ng dalawa. Tapos dumagdag pa si Hiro. Haay.. kung alam lang ng mga taong 'to kung anong klaseng mga nilalang yang hinahangaan nila. Wala akong duda kung sa kakayahan lang ang usapan, dahil hindi maitatanggi ng sinuman na karapat dapat talaga sa titolong prodigy ang 7 colors, pero pagdating sa ugali? Lagapak ang mga kumag na yan. Tsk tsk.


Nagsimulang magkumpulan yung mga tao pero pinalabas sila ng management. Halatang ayaw nung iba pero wala silang magawa kaya sa huli, kami kami na lang at ang crew ng resto ang naiwan. Tapos automatic na nagsara yung panel ng mga glass windows, kaya hindi na kita sa labas ang kung ano mang mangyayari dito. Yung entrance na lang ang natitirang bukas.


Wag na kayong magtaka kung bakit ganyan kabilis umaksyon ang management ng resto. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nagkaron ng sapakan ang 7 colors sa lugar na to. Madalas silang kumain dito nung junior high at pag napagtripan nilang pito na bigla na lang magsapakan, laging bumabaliktad ang resto. Kaya sanay na ang management. Narereimburse naman nila ang damage eh. Mayayaman naman ang mga kumag.


Pero Ano bang problema ng dalawang to! Kararating pa lang ni Hiro, bigla na lang binigwasan ni Reed. Buti na lang nakaiwas agad si Hiro, Kundi aynaku! Siguradong tabingi na yang panga nya ngayon. ano bang meron?


Tsk, kung ano man yan, kailangan pa rin silang awatin, kundi, malalagot kaming lahat kay Fye.


Napapangiwi na lang ako sa ginagawa nila. Tsk tsk.


"oi pre gulo na yata—" aawatin ko na sana yung dalawa nang biglang hinawakan ni Stint yung braso ko.


"jan ka lang Gin, masyado kang atat umawat eh."


7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon