Confrontation 23

220 9 0
                                    

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~


CONFRONTATION 23


"Left Alone"




AIR:


Haaayy...


Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga sa t'wing sinusulyapan ko ang lalaking naka upo sa tapat ko.


Pinagpapatong patong nya yung mga libro para gumawa ng bahay. Mukha syang tanga sa ginagawa nya.


Ibinalik ko na lang atensyon sa librong hawak ko kahit na ang totoo'y wala naman talaga akong naiintindihan dito, kasi hindi ko naman talaga binabasa.


Haaay...


Haaay...


Ilang beses na ba akong bumuntong hininga sa araw na to!?


Haaay...


Tsk tsk, paano ko ba kasi ilalayo sa bahay ang lalaking 'to?


Mantakin mo ba namang Sinadya ko na ngang gumising ng maaga at pumunta sa school 1 hour before the class para lang hindi na nya ako abutan sa bahay, tapos malalaman laman ko na lang na nasa entrance na pala sya ng building? grabe, anong oras ba sya pumupunta don!? Nahulaan nya bang tatakasan ko sya sa araw na 'to?? Tsk tsk.


Inabutan ko sya kanina sa entrance ng apartment building na nakapamulsa habang nakasandal sa gilid.


Bakit di na lang kaya sya mag gwardiya?


Nang Makita ko sya dun kanina, saka ko naintindihan kung bakit ganon yung mga babaeng nakasalubong ko habang pababa ako. Kaya naman pala parang mga kiti kiting kinukuryente ang mga babae dun kanina dahil andon sya. At talagang sinasadya pa nilang magpabalik balik sa kalalabas-masok sa building para lang magpapansin sa kanya. Ang lalandi, sarap ipaipit sa sliding door! Joke!!


Pero paano nga ba ako makakawala sa kanya? Bakit wala akong maisip na paraann!! Sabihin nyo ngaaa!! Kaka asar! Lumilipad na utak ko!


Nakakaasar kasi sa t'wing nagkakasabay kami! masyado syang attention taker! I mean, Laging nasa kanya ang atensyon ng mga taong nadadaanan namin, mapa babae, bakla, lola, nanay, etc! pati nga lalaki napapatingin pa sa kanya! Maski nga ngayon na mukha lang syang timang sa ginagawa nya eh pinagtitinginan pa rin sya ng mga studyante at librarian! nakaka asar! Naasar ako! Naasar ako kasi hindi ko gusto yun! Ang ibig ko lang namang sabihin eh.. ah,, ano ba? Ah! Kasi ayoko na pati ako, nadadamay sa atensyong nakukuha nya mula sa ibang tao! Yun! Ayoko kasi yung pinagtitinginan ako ng tao!

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon