Confrontation 14

200 8 0
                                    

              7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~



CONFRONTATION 14

"A Color Purple is Scary"


AIR:


"oh pano magkita na lang tayo next week. Tandaan mo, ikaw ang representative ng school natin kaya kailangan ka sa meet up. Wag kang aabsent."


"yes coach" saka ako yumuko sa kanya.


"good. You may go now."


Pagkatapos nun, naglakad na ako palabas sa faculty lounge.


Haay!!! Sumasakit ang ulo ko! Ano bang nakain ni coach at ako pa ang napili nyang ipadala sa meet up! Ndi naman ako regular sa track team ah! Bakit ba hindi na lang si Mia ang ipadala nya o kaya yung mga senior! Eh kung bakit ba kasi kami nanalo dun sa championship! Grr! Ang daming gagawin!! Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop hahanapin ang school na yun!


Tsk, mag aalasingko na, kanina pa dapat ako nakauwi. Siguradong nag aalburoto na si Earth dahil kanina pa sya naghihintay sa akin. Si coach naman kasi eh!


Dumiretso na ako papunta sa gym, siguradong nandon yun dahil hinding hindi nya palalampasin ang basketball championship ngayon. Lalo pa't napabalitang madami daw gwapo sa mga players ng deffending champion.


Naisip ko lang, Mabuhay kaya si Earth kung sakaling walang lalaki sa mundo? Siguro hindi. Malamang naman, paano sya mabubuo kung walang lalaki? Utak naman teh.


Ay ano ba! Ang ibig kung sabihin eh kung makakasurvive sya nang wala syang nakikitang lalaki! Well, obvious din naman ang answer, syempre hindi. Lalaki ang bumubuhay dun eh.


Teka nga, last day na nga pala ng sports fest ngayon at ang basketball ang huling game na nasa schedule.


Come to think of it, simula nung himatayin si Reed nung isang araw hindi ko na sya ulit nakita. Wala na ba syang planong sumipot sa laro? kung sa bagay, kahit naman sumipot pa sya wala na rin naman syang sisiputan. Wala nang game ang team nila eh.


Mukhang Buong araw syang di nagpakita sa school kahapon, at hanggang ngayon ni anino nya hindi ko na mahagilap. Umalis lang ako sandali pagkatapos ko syang maihatid sa clinic nun at nang balikan ko sya, sabi ng nurse dun sinundo na daw sya ng ate nya. Ano kayang nangyari dun?


Nasali sa finalist ang basketball team ng school dahil sa tulong ni Reed, but after they won that game, the team only managed to win a game once sa final bracket simula nung mawala si Reed. Ayon sa mga narinig ko, natapat sa 2nd bracket nila ang defending champion kaya hindi na daw kataka takang durog na durog sila pagkatapos ng laban.

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon