Confrontation 11

156 8 0
                                    

              7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~


CONFRONTATION 11


"Meeting the Green"



REED:


Nang makarating kami, bumaba na ako agad mula sa sasakyan at nagsimulang maglakad papuntang gym. dahil nagmamadali ako, konti lang ang kinain kong almusal sa bahay kanina, hindi na sana ako kakain pero alam kong pupugutan ako ng ulo nung halimaw kong ate pag di ko sya sinunod! Tsk!


Wala nang masyadong tao sa field, mukhang nasa gym lahat. dahil dito ginanap ang annual basketball tournament, ito yata ang ginawa nilang main event kaya hindi nakapagtatakang maraming manunouod ngayon.


Tumingin ako sa wrist watch ko.


tsk tsk, masyado na akong late.


Pero kahit alam kong late na ako, hindi ko pa rin binilisan ang paglalakad ko. ano bang problema ko?? bakit ang pakiramdam ko, hindi na ako excited maglaro? Parang wala na akong gana kahit alam kong magaling ang kakalabanin ko. Ndi naman ako ganito dati ah? Noon, kapag alam kong magaling ang kakalabanin ko, laging excited ang dugo ko. di tulad ngayon.


Tch, dahil pa rin ba 'to sa nangyari kahapon kaya ako nawawalan ng ganang maglaro ng basketball??


Aish! Bakit ko pa ba inaalala yun! Lalo tuloy nasisira ang araw ko! kung gusto nya ang giraffe na yun, eh di dun sya!!! Magsama sila! Hindi naman kami totoong magkasintahan kaya wala akong pakealam sa kanya!


Kung hindi nga lang ako naka-oo sa giraffe na yun, hindi na sana ako pupunta dito! Putragis!, bakit ba ako pumayag! Dapat pinabayaan ko na lang silang matambakan kahapon eh! Mga weak! Mga noob! Lousy! Talunan! Mga walang kwenta! P*tanginang girffe! Mamatay na s—


"oi Reed."


hAh??

Napaangat ako ng tingin.


Tumigil ako sa paglalakad nang Makita ko sya.


Ngayon ko lang napansin, nandito na pala ako sa tapat ng gym. pero ano bang ginagawa ng isang yan dito? Nandito ba sya para abangan yung team captain?


nakasandal sya malapit sa pintuan ng backdoor at.. ewan ko kung ano yang bitbit nya.


Hindi ko sya nilapitan at tiningnan ko lang sya habang naglalakad sya palapit sa akin.


Anong problema nito at bigla akong kinakausap? Tsk, malas naman, nakita ko pa sya! panira ng araw!


"oh!"


iniangat nya sa harapan ko ang isang paper bag. Ano naman kaya to?

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon