Confrontation 29

147 6 0
                                    

This time, I dedicate this chapter naman kay miss @Heyheds na saksakan ng kulit at biglang naging salawahan nang lumabas si Chrow hehehe! To miss heyheds, gaya ng sinabi ko sa kapatid mo, salamat! Thanks sa votes and comments. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ni Hiro pagkatapos mo syang gawing fling hahaha minsan tawang tawa talaga ako sa mga comment at sa mga kabaliwan mo. Minsan nga nag aalala na ako, kasi baka malaman ko na lang na ipinadala ka na sa mental hospital ng pamilya mo hahaha joke! Pagpatuloy mo lang yan kasi siguradong aasenso ka jan sa kabaliwan mo ahaha thankiessss!! Slurp! Slurp! Lolz. Stay well with your sister! Godbless!!

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~

CONFRONTATION 29

"A Gay-In-Question"

***************************************************************************


AIR:


Tsk tsk, kahit kailan talaga Earth!! Napaka tuso moohh!!!!


Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko na halos tumakbo na ako. alas dyes na ah! Kailangan ko na talagang makauwi kundi siguradong malalagot ako!


Tsk. Buti na lang wala na masyadong tao sa paligid, nakakahiya 'tong gown na suot ko!! tsk! Bakit ba kasi naimbento ang ganitong damit! Ang daming pakulo sa katawan! Ang hirap gumalaw!


Humanda ka talaga sa akin bukas Earth!! ilalabas ko lahat ng internal organs mo!!


Kakaasar talaga yun! Kaya naman pala puspusan ang ginawa nyang pagkumbinse sa akin dahil balak nya palang gawin kami ni Water bilang mga target sa main event ng party nila!


Nalaman kong ang main event pala ng party nila eh ang paghuli sa nakatakdang target. Magkakarera ang lahat at mag uunahan para hulihin ang napiling target. Malaki ang premyo kaya ndi na kataka takang handang makipag patayan yung mga humahabol para lang mahuli nila kami.


langya! Kala ko talaga katapusan ko na kanina! Kung di lang ako mabilis kumilos, sigurado akong pira piraso na tong katawan ko ngayon!


Bago pa nila ako mahawakan kanina, nagawa kong tumalon mula sa second floor. Kagimbal gimbal na habulan ang dinanas ko! mantakin mo bang parang mga gutom na leon ang humahabol sa akin, na para bang isang juicy meat ang tingin nila saken?! Hindi ko alam kung ano na ang nangyri kay Water, pero mabilis naman yun tumakbo kaya buhay pa naman siguro yun.


Wala akong balak na magpahuli sa mga yun kahit pa walang manalo sa contest nila, di pa ako nasisiraan ng bait para magpahuli!


Mukhang pinagsuot lang talaga kami ng gown at heels ni Earth para madali kaming mahuli! Walang kwentang kaibigan! Kaya naman pala nakapaa yung si Water! Pero isa pa yun! Di man lang sinabi sa akin ang totoong balak ni Earth! sinuhulan nanaman siguro yun!


nung makapuslit ako, bumalik ako dun sa kwartong pinagbihisan namin para kunin yung mga gamit ko. pero napaka wais talaga nya! wala dun yung uniform at jogging pants ko! pati na rin ang wallet ko! sinigurado nya talagang hindi ako makakaalis! ang tanging nakita ko lang eh yung bag pack ko at rubber shoes ko. kaya heto ako ngayon, naglalakad ng naka gown dala ang bagpack ko! hindi ako makasakay dahil wala akong pera! iniwan ko na din ang heels na pinasuot nya sa akin dun sa kwarto . baliw talaga!

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon