Chapter Four: High Officials' Meeting (Part 2)

41 1 0
                                    


Ruby's P.O.V.

At Dean's Office.

Nakaupo ako sa isang recliner chair habang panay ang pakikinig ko kay Mrs. Marga. We talked about the meeting this coming Wednesday in the afternoon. She just wanted me to try my best para makuha ko ang pwesto bilang Highest President sa buong school town. Alam kong imposibleng makuha ko yun. Sa dami ba namang school, at saka hindi rin nila Ko gaanong kakilala. Sa butuhan nga lang talo na ako. Ayun kasi sa mga profiles ng iilang student school president, magkakakilala na ang iba. Ang iba naman ay ka-partnership sa negosyo ng pamilya. Ano ba naman ang laban ko sa kanila. Pero think positive pa rin. Walang imposible kung gagawin at ita-try.

Natigilan ako nang magsalita si Mrs. Marga. "Ano Ruby? Kakayanin mo ba?"

"Im not saying po na makukuha ko po talaga yung throne to become a President of the town. Pero I will try my best to grab it."aniya ko. Pero halata sa boses ko na kinakabahan. Hindi naman talaga madali ang pagiging Presidente. Nahihirapan na nga akong maging Presidente dito. Paano na kaya kung buong town na. Hay...

"Im hoping that, Ms. Alvarez. Thats all for today." Pagkasabi niya ay agad na akong lumabas ng Dean Office at tumungo na sa unang asignatura.

°°°           °°°      °°°

Natapos na ang klase namin sa umaga at nag-ring na din ang bell sign for lunch break. Nagsilabas na ang lahat subalit nagpaiwan ako. Gusto ko muna kasing mapag-isa. Sabagay din di naman kami magka-klase nina Samantha at Beth. Im sure naman din na di nila ako pupuntahan dito dahil monthsary nila ngayon. Ano pa ba hinihintay ko? Eh di pag-aralan ang mga profiles ng lahat ng ibat ibang school president. Yan lang naman ang tanging magagawa ko sa mga oras na to eh.

Natigilan ako ng may bumanggit sa apelyedo ko. "Hi, Ms. Alvarez." Napatingin ako at napangiti nang makilala. "Nathan!!!!" At agad kong niyakap ang kababata ko, si Nathan Cruz.

"Wow. Kung makayakap para bang matagal na di nagkikita."biro niya at pinisil ang pisngi ko. Yan na ang dating gawi niya sa tuwing magkikita kami. Hindi ko alam kung bakit napayakap ako sa kanya ng mahigpit na tila ba'y matagal ng di nagkikita. Para kasing feel ko na di ko na siya nakikita or lets say 'miss ko siya'. Eh lage ko naman siyang nasasalubong tuwing umaga. Head Captain kasi siya ng C.A.T
And they were the one na magche-check sa I.D. at school uniform. " Balita ko pala may magaganap na meeting sa inyo mga President ng ibat ibang school."

" Oo nga eh. Kaya nga may hawak akong profiles ng makaka-meeting ko para naman medyo may alam ako sa kanila".

"Ang sipag mo talaga, Ruby. Hindi kami nagkamaling iboto ka sa pagka- Presidente dito."aniya niya at pinisil ulit ang pisngi ko. Napangiti na lamang ako. Teka... Bat di na lang kaya ako magpatulong kay Nathan. Total may mga presidente ng ibat ibang school naman siyang kakilala."ahm... Nathan. Can I have a favor?"

" Oo naman. Ano ba yun?" aniya niya at umupo sa gilid ko. "Gusto ko sanang magpatulong sayo. Total, may mga president ka namang kakilala sa ibang school di ba? Pwede mo bang i-share sa akin ang ugali nila?" Natigilan ako nang tumawa siya. Ano naman kaya ang nakakatawa?

"Napaka-seryuso mo talaga sa mga bagay na to noh. Actually, Im not really sure kung ano talaga ugali nila. Yung si Jack Jaferson ng Lionhurt High, seryuso pagdating sa meetingan. Pero tarantado pagdating sa kalukuhan. Ito lang masasabi ko wag kang magpapadala sa sweet talks niya kung ayaw mong malaglag."

Grabeh may ganoon din palang Presidente. How could he manage kaya sa nasasakupan niya? Napapa-curious naman ako sa kanya. Nagpatuloy si Nathan sa pagsasalita. " Yung si Olivia Alison ng Crimson High, yun yung mabait. Nakikisang ayon lang siya sa mga plano. Pero wag kang pakumpyansa. She was sometimes a little bit bitter but sweet." Grabe din pala ang Alison na to. Kaya pala naging Presidente. Hehe. Mapapasubo ata ako nito. " How about sa presidente ng Lifecramp High?" tanong ko. Sa lahat kasi ng mga Presidente na nakalagay dito sa papel only this school ang walang detalye sa Presidente nito. Maski picture wala nga eh. Puro lang 'He' ang nakalagay sa details ng president nito. So it must be a guy. Wala kasing name na naka-stated dito.

Napatingin ako kay Nathan. Medyo natahimik siya at parang may iniisip. Parang hindi niya ata kilala ang Presidente ng school na yun. Di niya naman kailangan halughugin ang utak niya para makilala niya yun. "Ahm... Nathan you dont need to------" Di ako nakapagpatuloy sa sasabihin nang dugtungan niya ito. " He's Kyle Welbherhan..."

Napatingin ako sa mga mata ni Nathan. Para siyang nag-aalala na nangangamba na ewan ko ba. " Ah... Kyle pala. Hirap naman i-spell apelyedo niya. Welbherhan. Nakakabulol. Hehe." Hindi man siya tumawa o ngumiti sa sinabi ko. Hindi naman kasi nakakatawa yun eh. Kunsabagay nga serious yun. Bigla na lamang siya nagsalita ng seryuso. "He's the most powerful President sa lahat... Beside kinakatakutan din siya. No one attempt to fight against him. Hindi lang sa napakatalino at wise, galing din siya sa high class family. In short, napakayaman niya. He can buy or do anything what he wants or what he needs by the use of his money. Siya lang kasi ang nag-iisang anak."

Nang marinig ko yun, parang gumuho ang pag-asa kong ma-grab ang opportunity. Sa lakas ba naman ng aura't kapangyarihan ng Kyle na yun. Sa power and wealth pa lang, bagsak na ako. Huhuhu. Madi-disappoint ko si Mrs. Marga nito. "Pero kaya mo naman siya,Ruby di ba?" Napatingin ako kay Nathan na ngayo'y nakangiti na. Lalo tuloy ako kinabahan sa ngiti niya. " H-Hindi ko alam, Nathan... Masyado siyang mapapel sa lahat."

Inakbayan niya ako at nagsalita. "Its okey for us kung di mo makuha ang throne sa pagiging Presidente. Basta ikaw naman ang Vice." Ay oo nga noh. May vice pa nga pala. Yun na lang pagsisikapan kong ma-grab. Ang galing talaga ng bestfriend ko. "Thanks Nathan ha. Sa walang tigil mong supurta sa kin. I mean kayong lahat dito na may tiwala sa kin. Salamat."At niyakap ko ulit siya.

"Oh siya. Napasarap ata yang yakap mo sa akin. Kanina pa pala nag-ring yung bell. Hehe." Agad akong kumawala sa pagkakayakap. >///<. Nakakahiya naman. Nagpaalam na siya nang nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Napangiti na lamang ako. At least nabawasan din ang kaba ko. Thankz Nathan...

°°°               °°°               °°°

Nathan's P.O.V

Patungo na ako sa music room. Ito kasi ang libangan ko pag walang teacher na pumasok. Wala ako sa sarili nang pumasok sa club. Iniisip ko kasi yung napag-usapan namin ni Ruby.

Tss... Kyle Welbherhan. Nakakainis talaga pag naaalala ko siya. Pamilya kasi nila ang dahilan kung bakit nagkandalukoluko pamilya namin. Hindi ko talaga mapapatawad ang ginawa nila sa pamilya namin. I hope Ruby will win against him. Total, sa magiging meeting naman nila hindi kabilang ang power and wealth. Brain surge lang. Makakaya siya ni Ruby. May sinabi naman din ako kay Ruby how to put him down... Tignan na lang natin kung hanggang saan ang katalinuhan mo Welbherhan. *evil smile.

°°°               °°°                °°°

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon